💍42 : Appreciate

3.9K 102 9
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

"Appreciate what you have before it turns into what you had because you don't always get a second chance." - loviesofteinyl

FLYNN

NARAMDAMAN kong bigla akong nawalan ng lakas. Lumuwag ang pagkahawak ko sa kwelo niya. Dahan-dahan ding bumaba ang pag-asa kong babalik siya sa akin. Sa sinabi ni Stephen parang malabo na mangyari ang gusto kong mangyari.

"No. No. L-lalaban siya. Lalaban si Steffi." ramdam kong may kung anong nakabara sa lalamunan ko na pinipigilan akong magsalita. Bawat salitang pilit kong binibigkas napakahirap at napakasakit.

Ayoko man paniwalaan ang sinabi ni Stephen para gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko naman kayang magsinungaling sa sarili ko. Noon pa man malala na yung sakit niya at kung bumalik ito ngayon sigurado akong mas lumala pa ito.

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya at umiling-iling. Masakit ang ngiting gumuhit sa bibig ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa mga kung anu-anong naiisip ko. Dumadagdag lang ito sa sakit na nararamdaman ko at alam kong hindi ang mga iyon nakakatulong sa paghihirap ko.

"I understand. I understand why you are acting like this. Marahil hindi pa rin malinaw sayo ang lahat. Naguguluhan ka pa. But, this is it, you are now facing the truth, the dead end." Nakayuko niyang sinabi sa harap ko. Tinitigan ko lang siya ng masakit at umiling-iling ulit ako.

Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang buong mukha niya. Nakasombero din siya ng kulay itim at naka-jacket ng kulay itim din. Malayo sa respetadong awra niya sa loob ng Mendrez bilang isang doktor. Ibang-iba ang Stephen na nasa harap ko ngayon.

"Hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang ang naiwang kopya ng medical history ni Steffi. Sabay na tayong pupunta sa Proverbs." ma-awtoridad niyang sinaad.

Kumunot noo ako sa narinig ko. Hindi ako kumbinsido na siya lang ang gagalaw. Nandito na ako para sa fiancé ko kaya ako na dapat ang gagawa ng mga ginagawa niya.

"Hindi. Sasama ako sa'yo." sagot ko sa kanya at nakita kong biglang nag-iba ang awra niya. Nagulat siya at kumunot ang noo niya. Bigla siyang nagpanic at parang tututol siya sa gusto kong gawin.

"Saan ang records section ng BHI?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatigil siya sa kinatatayuan niya. Huminga siya ng malalim at napaiwas siya ng tingin na parang hindi makapaniwala.

"Sumunod ka sa akin," malamig niyang sinabi sabay lakad papalayo sa akin.

Tahimik akong sinusunod siya. Napalaki ng mga hakbang niya na parang nagmamadali siya. Mali ang desisyon ko. Kung sana tinanong ko nalang siya kung saan ko matatagpuan ang Proverbs Hospital para makita ko na si Steffi.

Napahinto si Stephen sa tapat ng pintuan at kung hindi ako nagkakamali ito ang records section nila. May nakalagay na "Medical Records" sa kristal na pintuan nito. Niligon ako ni Stephen bago siya pumasok sa loob ng opisina. Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ko na lang siyang nakikipagtransaksyon sa desk.

Ilang sandali pa nakita ko siyang lumabas mula sa loob ng opisina na may hawak-hawak na isang folder. Blanko ang mukha nito at parang wala sa sarili habang lumalapit sa akin. Kaagad niyang binigay sa akin ang folder at wala akong sinayang na segundo. Binuksan ko kaagad ito at sinimulan kong basahin ang laman nito.

"Bakit sa Proverbs niyo dinala si Steffi?" tanong ko habang binabasa ang medical records niya.

Papunta kami sa Proverbs Hospital ngayon. Napagpasya kong iwanan ang kotse ko sa BHI at sumama kay Stephen.

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now