💍30 : His Priority

3.2K 62 4
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Mag-uupdate ako ng kasunod nito mamaya mga 11:30 (hopefully). Hahaha! Sinusulat ko na kasi ngayon ang kasunod kasi excited ako sa scenes. Hehehe. God bless everyone. 

✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏


STEFFI

HANGGANG NGAYON iniisip ko pa rin kung panaginip lang ba yun o totoo ang nangyari. Nakatulala ako sa pinto na nakatiwangwang at hawak ko ngayon ang bouquet ng puting rosas. Napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman kung may kakaiba.

Sa panaginip ko, hinalikan ako ni Flynn habang natutulog. Umiiyak siya at binubulong niya sa akin na kumapit lang ako dahil mahal niya ako. I will just stay and wait for him because he's not ready yet. Sinulyapan ko ang hawak kong bouquet at kinuha ko ang card na nakakabit sa isang puting rosas.

Just stay.

Dalawang salita lang ang nakasulat sa card na iyon. At kung ikokonekta ko siya sa naiisip ko, walang duda. Hindi nga ako nananaginip, pumunta siya dito sa mansion para ibigay sa akin ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa ideyang pumasok sa isip ko. Ibig sabihin naalala niya ang kaarawan ko. Kahit medyo nahuli siya, okay lang basta naalala niya.

Bumaba ako sa kusina at sinalubong ako ni tatay. Malayo pa lang nakikita ko na ang maaliwalas niyang mukha.

"Belated happy birthday, anak! Pasensya kana nahuli ang pagbati ko sayo. Mahal na mahal ka namin ng nanay mo." Ngumiti ako at niyakap siya agad.

Para ko talaga siyang tatay, mabait silang dalawa ni nanay sa amin ni Flynn kaya kahit papaano naiimbisan nito ang pangungulila ko kina mommy at daddy.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin kahit ang tigas ng ulo ko minsan," natatawang sagot ko naman sa kanya.

"Hindi naman matigas ang ulo mo, nak. Mas matigas ang ulo ng nanay mo!" Pasimple niyang sinigaw para marinig ni nanay na ngayon ay nasa banyo.

"Aba, aba Mateo! Kung makapagsalita ka akala mo hindi din matigas ang ulo mo! Sige, manigarilyo ka pa," sigaw ni nanay sa loob ng banyo.

Natawa ako sa sagutan nilang dalawa. Nagpatuloy pa sila sa pagsigawan at tawa lang ako ng tawa sa tuwing pinapatulan ni tatay ang mga sinasabi ni nanay.

"Basta tay, itigil niyo na po ang paninigarilyo niyo ha. Masama po yan sa baga niyo." sabi ko sa kanya ng humupa ang bangayan nilang dalawa.

"Makakaasa ka, anak." Aniya.

Tumango naman ako at napatingin bigla sa phone ko ng makita kong tumatawag si kuya Tim. Nagpaalam muna ako kay tatay na lumabas saglit dahil kakausapin ko si kuya Tim.

"Belated happy birthday, princess! I wish you more blessings and of course good health. How are you?" bungad niya kaagad sa akin.

"Thank you, kuya! I'm doing good. Ikaw, nakauwi kana ba dito? Thank you for saving me that day. I owe you my life." sagot ko naman.

Nanahimik siya bigla. Tanging ang buntong hininga niya lang ang naririnig ko. Bigla akong kinabahan dahil parang may mali. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nagsalita ulit.

"Are you sure okay ka lang? Ni-review ko kasi ang medical records mo dito sa BHI and I found something-"

"Stop!" biglang sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito. Masyado akong nabigla sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang sigawan siya. 

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now