MUST READ

3.2K 73 14
                                    

💍 💍 💍 💍 💍 💍 💍 💍

Maraming salamat sa lahat-lahat na nagbabasa, sobrang na-aapreciate ko yung votes at comments na nangagaling sa inyo. Votes at comments lang ang nagpapasaya sa mga writers. Nakaka-overwhelmed kasi ng feeling na may nakakapansin ng mga sinusulat mo. Hindi ko kasi inaasahan na may makakapansin ng story ko.

💍

Bumalik ako dito sa Wattpad for a not-so-good reason. I really need to breathe, yun lang. Outlet ko kasi talaga ang pagsusulat. I write because it's my passion.  Gusto ko lang ilabas ang mga sobrang salita o ang mga salitang hindi ko masabi-sabi sa totoong buhay. Hahaha!

💍

Matagal ko nang iniwan ang mundo ng pagsusulat noong 2015 ata (hindi rin ako sure, nakalimutan ko na 😂😂😂) kasi mahirap pagsabayin ang kurso ko at ang pagsusulat. Mahirap ang medical course kailangan talaga siyang i-prioritize palagi lalo na kung you are just an average person like me. During internship days binalak kong magsulat, gusto ko ilabas sa pagsusulat ang pagod ko sa duty pero hindi rin nangyari mas pinili kong itulog nalang mga day off ko. Hahaha!

💍

Sobrang nakakapagod ang 16 hrs duty sa hospital! As in! Nakakaiyak yun! 😩

Pero nakaya. 👌

💍

After how many years na hiatus ako, mahirap ng bumalik sa pagsusulat. Nangangapa ako at saka nahihirapan pero masaya. Yung fulfillment at happiness hindi kayang tapatan ng pera. Alam ko din na maraming typos at grammatical errors etc. i-eedit ko ito soon at kahit naproofread ko na alam ko marami pa ring mali. Pasensiya na po, hindi naman ako kagalingan. I'm not perfect.

💍

So from this point, tinatapos ko na ang kwento nila Flynn at Steffi. Siguro nga hindi pa dito natatapos talaga dahil isa pa rin sila sa mga karakter ko sa mga susunod kong kwento. Hanggang ngayon pinagiisipan ko pa kung lalagyan ko ba ng special chapters o hindi na.

💍

Sa uulitin, maraming salamat talaga sa pagbabasa. Mag-comment naman kayo dito o di kaya PM niyo ako, lalo na yung mga silent readers. Gusto ko kasing marinig din ang comments niyo at para makapagpasalamat ako sa inyo. Okay? 😍😊

God bless you guys!

Just love and take risks.

💍 💍 💍 💍 💍 💍 💍 💍

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now