💍5 : Painful Truth

3.7K 95 102
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

"Don't try too hard because you are nothing to me."

"I cut you out of my life with the knife you left in my back! So you better get out of my life now! Bago pa kita masaktan!"

"Do you even listen to yourself?! You left me five years ago without any reason, so don't come back with an excuse and don't expect me to do you a bullshit favor!"


UMALIS SI FLYNN at naiwan akong mag-isa sa mansion. Agad akong nagpunta sa dati kong kwarto bago pa tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa singsing na pilit niyang kinukuha sa akin kanina. Ang engagement ring nalang na ito ang tanging pinaghahawakan ko.

Simbolo kasi ito na minsan sa buhay ni Flynn ako yung naging mundo niya. Ako yung pinangarap niyang pakasalan. Sinarado ko ang pinto ng kwarto at humagulgol sa iyak. Hinayaan kong bumuhos ang mga luha ko dahil kailangan kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

Napayuko ako sa gilid ng isang malaking salamin. Tinitigan ko ang sarili ko mula sa salamin at nakita ko kung gaano na ako kapayat. Napahawak ako sa pisngi ko dahil napansin ko kung gaano na kalalim ng mga mata ko. At dahil sa kapayatan ko, mas lumaki pa lalo ang mga eyebags ko. Hindi lang nila nahahalata sa Hospital dahil gumagamit ako ng make up para matakpan iyon.

Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko kung gaano na kaluwag sakin ang damit na suot ko. Hindi na rin ganon kaganda ang buhok ko. Bakas ito ng kahapon na ayoko ng balikan. Kaya siguro nasabi ni Flynn iyon. Tumulo ulit ang mga luha ko ng maalala ko ang pinakamasakit na sinabi niya kanina.

"You're supposed to be dead!"

Do I really deserve to live? Siguro nga hindi ako deserving magkaron ng second chance para mabuhay. Maya-maya pa narinig kong may bumukas ng gate. Napadungaw ako sa bintana. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita ko- si Nanay Aida. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, "Zeke? Zeke, anak diba sabi mo ipagluto kita ng pinakbet-" na-miss ko ang boses ni Nay Aida. Napangiti ako ng malapad. "Hala jusko, Ginoo! Steffi?!" gulat na gulat niyang sinigaw. Biglang bumukas ang pinto ng mansion at nakita ko si Tatay Mateo. Mas lumapad ang mga ngiti ko.

"Multooo!" bungad nito at gulat na gulat siya, ni hindi niya nagawang humakbang ng makita niya ako. Tama siya, multo nga ako ng kahapon.

"Naaay! Taaay!" sigaw ko rin at nagtatalon na ako sa harap nila. Niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito.

"Jusko, salamat bumalik ka! Anak saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo kami ng husto. Alam mo bang araw-gabi ka namin hinanap? Kung saan-saan na kami nakarating lalong lalo na si Zeke, halos walang pahinga yon sa kakahanap sa'yo." dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya kaya napayuko ako.

"Naaksidente siya sa sobrang paghahanap sa'yo noon kaya ibinenta nalang namin yung dating sasakyan, medyo nadurog eh," dagdag pa ni Tay Mateo. Kaya pala hindi ko nakita kanina ang lumang sasakyan niya.

Napaiwas ako ng tingin ng marinig yun, muntikan ng mamatay si Flynn sa kakahanap sa akin. Biglang hinawakan ni Nay Aida ang mga kamay ko. "Huwag ka nang mag-alala, matagal na yun. Ang sasakyan lang ang napuruhan at hindi si Zeke. Ang importante ay nandito kana ulit kasama namin," masayang ani ni nanay kaya naangiti ako ulit.

Pinaupo niya ako sa mesa at agad niyang niluto at hinain ang pinakbet. "Kumain ka ng madami ha. Ano bang nangyari sa'yo, anak? Ang payat-payat mo na, hindi ka ba nakakain ng maayos?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Hindi kasing sarap ng luto mo yung niluluto nila, Nay." Masiglang sagot ko sa kanya sabay subo ng kanin at pinakbet.

"Pilya ka pa ring bata ka," natatawang sagot niya.

Totoo yung sinabi ko sa kanya, hindi kasing sarap ng luto niya ang hinahain nila sa akin sa loob ng limang taon. Walang lasa. Sobrang sarap ng niluto ni nanay at di ko namalayang naparami ako ng kain.

"Nagkita na ba kayo, Zeke? Alam na ba niyang bumalik kana?" biglang tanong ni tatay habang kumukuha ng tubig sa kusina.

"Opo. Sa totoo niyan, sa hospital po kami unang nagkita. Sinabihan niya po agad ako na umuwi dito sa mansion," nakangiting sagot ko sa kanya sabay subo ng kanin. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya. Natigilan ako at napalunok bigla.

"Ah, sa hospital?" pagtataka ni Tay Mateo.

"Ipinagpatuloy ko po yung pag-aaral ko. Doktor na po ako ngayon, Tay." Nakita kong ngumiti ito ng malapad.

"Aba, akalain mo iyon Aida, pag tumanda tayo may mag-aalala na sa atin! Mag-asawa pa!" masayang-masaya si Tatay Mateo. Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Sumikip bigla ang dibdib ko sa narinig kong iyon pero hindi ko pinahalata.

Mag-asawa?

Napatanong ako bigla...may pag-asa pa ba kami?

"Magandang ideya iyang naisip mo Mateo pero parang nagmamadali ka yatang tumanda tayo ng husto? Hintayin mo munang magka-anak sina Steffi at Zeke bago ka magpa-alaga sa kanila. Ambisyoso," at inirapan ni Nanay Aida si Tay Mateo. Mas sumikit ang dibdib ko sa sinabi ni nanay kaya napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng malalim. Wala silang kaideya-ideya na hindi na kami katulad ng dati ni Flynn. Masyadong malayong manyari iyon. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at pinilit kong ngumiti pa rin sa harap nila.

"Anak, napagusapan niyo na ba ulit?" mahinahong tanongni nanay sakin.

"Ang alin po?" Hindi ko maintindiihan ang gustong niyang sabihin.

"Napagusapan niyo na ba ulit kung kailan ang kasal?" Tumigil ang mundo kong marinig ko iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napatulala at naramdaman kong nangigilid ang mga luha ko ngunit pinilit ko parin na ngumiti at hinarap si nanay.

"Oo naman po, pero...busy pa po kaming pareho. At may...inaayos pa po kami ni Flynn. H-huwag po kayong mag-alala matutuloy pa rin ang kasal." I could feel my throat constrict as I tried to answer. Agad akong yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Binilisan ko nalang ang bawat pagsubo ko. Nginitian ko si tatay at nanay, "Sobrang na-miss ko po talaga ang luto niyo."

Ayokong makita nila na hindi ako naging masaya sa desisyon ko dahil hindi ko naman talaga pinagsisihan yun, para din sa kanila ang ginawa ko. Nasasaktan lang ako dahil hindi na gaya ng dati ang mga bagay-bagay. Pagkatapos kong kumain agad akong naligo, nagbihis at umalis.



✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Author's Note: This story is unedited. I'm sure maraming wrong grammars, typos etc. aayusin ko po soon. Don't forget to vote and comment (for silent readers okay lang na di magcomment, vote nalang 😁💕). God bless us all! Proverbs: 31:25 💕

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now