💍14 : In The Eyes Of Flynn

3K 67 12
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

FLYNN

PAPASOK NA AKO sa loob ng call room ng mapansin ko ang isang pamilyar na babae. Dahan-dahan itong lumabas sa banyo. Hindi siya napansin ni Bella dahil patuloy pa rin ito ang pagrereklamo.

"I hate you Flynn! Ano bang pumasok dyan sa isip mo at bigla-bigla ka nalang magyayayang bumalik dito?" naiinis nitong reklamo sa akin.

Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang isip ko sa babaeng nakikita ko. Maya-maya pa bigla itong nawalan ng malay.

Iniwan ko si Bella at agad akong napatakbo sa kinaroroonan ng babae. Lumuhod ako sa harap ng babae at inalis ko ang buhok nito na nakaharang sa mukha niya.

Nagulat ako ng mamukhaan ko siya.

"Steffi? Hey, wake up! Steffi wake up!" sigaw ko pa sa kanya habang inaalog-alog siya ngunit ni hindi man lang siya gumalaw.

Dahan-dahan ko siyang pinaupo at pilit ginigising. Napansin ko ang mga luha na galing sa mga mata niya kaya mas lalo akong nag-alala.

"Steffi, gising! Ano ba?" Bigla akong nakaramdam ng takot. Naramdaman kong pinagpapawisan na ako. Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Halos hindi ko alam ang gagawin ko.

Iminulat ko ang mga mata niya para malaman ko kung nagkukunwari lang siya at kinukuha ang loob ko ngunit hindi, wala akong nakikitang movements sa mga mata nito. Napansin kong sobrang namumutla siya kaya agad ko siyang binuhat.

Nasa balikat niya ang kanang kamay ko at nasa mga tuhod niya naman ang kaliwang kamay ko.

"Where are you going? Iiwan mo ako dito?" galit na galit na sigaw ni Bella.

"She needs help," matipid kong sagot habang buhat-buhat ko si Steffi. Napanganga si Bella sa isinagot ko sa kanya.

"Pwede mo naman siyang dalhin sa ER para maipagpatuloy na natin ang pagsayaw," giit nito at hindi ko napigilang maiinis sa kanya. Kumunot ang noo ko at hinarap ko siya.

"Is the dance contest more important to you than my fiance?" galit ko ring sagot sa kanya at natahimik siya bigla.

Napalunok si Bella at napaiwas ng tingin pagkatapos ko siyang sinagot. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Tinalikuran ko siya at agad ko nang nilisan ang call room.

Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong ko. Ipinikit ko lang ang mata ko. Pilit ko lang tinakpan ang mga tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko at pinaupo ko sa front seat si Steffi. Dahan-dahan akong yumuko at inayos siya sa pagkakaupo.

Hindi maalis sa isipan ko ang pag-alala lalo pa at wala akong nakikitang senyales na gising siya o nakakaramdam man lang ng sakit.

Kinapa ko ang seatbelt sa tagiliran niya ng napatigil ako saglit, wala sa loob kong tinitigan ang mukha nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik siya pagkatapos ng limang taon. Hindi ako makapaniwala na ganito kalapit ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa.

Her pallid and clear skin, defined cheek bones, narrowed eyes with long thick eyelashes and ample lips always never fails to mesmerize me.

Unti-unti kong inilalapit ang mga labi ko sa labi niya ngunit napatigil ako ng biglang tumunog ang phone ko.

"Zeke, anong oras ka ba uuwi? Si Steffi mukhang magagabihan daw eh," sabi ni nanay sa kabilang linya.

"Kasama ko siya ngayon Nay at pauwi na kami. Masama ang pakiramdam niya. Pwede ho ba kayong magpakulo ng mainit na tubig at maghanda ng hapunan?" sagot ko sa kanya at agad naman siyang tumugon.

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now