💍22 : Remembering The Past

2.9K 52 11
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

STEFFI

PALIPAT-LIPAT ang tingin ko sa librong binabasa ko at sa cellphone na nasa harap ko. Simula kaninang umaga ay hindi nagtext o tumawag si Flynn sa akin. Siguro may ginagawa siyang importante. O baka busy lang talaga siya. Nagsisimula na kasi siyang magturo ng ilang subjects under sa kursong BS Biology.

Inilayo ko ang phone ko sa akin para makapagconcentrate sa pag-aaral ko. Malapit na rin kasi ang exam week at kailangan kong maipasa ang lahat na subjects ko para sa clerkship. Sinusulat ko ang mga dapat tandaan sa bawat chapter na binabasa ko.

Maya-maya pa biglang may tumakip ng mga mata ko. Napangiti ako ng maamoy ko ang pabango niya. "Kilala mo ba ako?" pilyong tanong niya.

"Duh? Seriously?" natatawang sagot ko naman. Narinig ko ang malakas na tawa niya at agad siyang lumuhod sa harap ko.

"I have something for you! I mean, for us." Masiglang sinabi nito sabay hawak sa kamay ko. Nakangiti lang ako na nakatitig sa kanya habang hinihintay ko ang sasabihin niya.

"We are going to Korea! Nami Island here we go!" masayang-masayang sigaw niya na parang bata.

Natigilan man ako sa sinabi niya ngunit hindi ko napigilang tumili lalo pa ng pinakita niya sa akin ang tickets.

"Wait! Why? I mean anong meron bakit pupunta tayo doon? Hindi ba makakaapekto sa trabaho mo? At tsaka, may pasok ako."

Masaya man ngunit hindi mawala-wala ang pangamba dahil may trabaho na siya at hindi ko kayang umabsent ng matagal sa med school.

"Fifth anniversary natin sa susunod na linggo diba? Pinag-ipunan ko 'to kasi gusto ko doon tayo magcecelebrate, huwag mong sabihin na ayaw mo? Ayan ka na naman eh, kailan ba tayo mag-eenjoy-" seryoso nitong sinabi sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Hindi ko naman siya matiis at saka may punto siya. Kinakain ng pag-aaral ko at trabaho niya ang oras namin para sa isa't isa.

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Agad kong tinakpan ang bibig niya at kumunot naman ang noo niya.

"Kailan ba alis natin?" nakangiting tanong ko sa kanya sabay alis ng kamay ko sa bibig niya. Biglang nagkakulay ulit ang mukha nito.

"Sa tanong mong yan ibig sabihin payag kana?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko naman pabalik sa kanya. Napatalon siya agad ng marinig niya iyon.

"Yes! I love you, love! I love you! I love you!" masayang sigaw nito habang niyayakap ako patalikod. Halik din siya ng halik sa pisngi ko.

"Clingy mo, grabe." pang-asar ko pa sa kanya.

Bigla niya akong kiniliti sa tagiliran dahilan para umiwas ako at tumakbo papalayo sa kanya at hinabol niya din ako.

"Salamat sa pagtyatiyaga ng pagiging clingy ko for almost five years, love." Malambing nitong sagot sa akin sabay halik sa noo ko.

I CAN'T HIDE the smile on my face as I remember that day. Nakatingala ako sa malaking picture frame. Masyadong maganda ang nangyari sa Nami Island para hindi ko maalala. Nami island witnessed the most memmorable moment of my life.
"Let's go." Nabigla ako ng marinig ko ang malamig na boses na iyon kaya agad akong napalingon.

Nasa beywang niya ang isang kamay niya at nasa mga maleta naman namin ang isang kamay niya.

"Ano? Ayaw mong magpahinga?" dagdag pa nito. Tumalikod siya at nagsimulang naglakad papalayo sa akin. Dahan-dahan akong sumunod sa likod niya.

Unfaithful (Complete & Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora