Vienne Ford Jimsckon

Start from the beginning
                                    

"Ah eh... Nangangamusta lang kasi si Mark." Iwas matang sabi ni Yura. Nagdududa na ako minsan sa kinikilos niya.

"Ah, gano'n ba?" Sabi ko na lamang na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Magtatanong pa sana ako nang bigla na lamang umulan at naalala ko ang pakay ko.

"Oo nga pala Yura, pupuntahan ko si Yukki sa condo niya, titignan ko lang kung maayos lang siya." Paalam ko dito na kinatingin ng dalawa sa'kin.

"Sige, mag-ingat ka." Hinalikan ko ito sa pisnge at naglakad. Sinulyapan ko pa sila bago umalis. May kakaiba talaga sa dalawang ito.

Nang makarating na ako sa parking lot ay agad akong nagpunta sa sasakyan ko at umalis. Habang nagmamaneho ay napagtanto ko na, saang lupalok kaya napunta ang sasakyan ni Yukki?

Ayos lang kaya siya? Sobrang lakas kasi ng ulan ngayon kaya naman medyo traffic papunta sa condo niya.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin ang pagkatao ni Kuya Yukki, wala na dapat akong pakialam sa kaniya dahil buhay niya iyon pero hindi ko talaga maiwasang hindi ma-curious sa katauhan niya.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang ulan at sa bawat pag patak ng ulan ay nanumbalik sa aking alaala nung college ako.

Flashback~

"Vienne! Tara na!" Nagmamadaling sabi ni Liam sa'kin. Ang ugok excited.

"Oo! Saglit lang!" Sagot ko dito at dali-daling tinapos ang sinusulat ko. Nasa 3rd year college na ako ngayon sa isang Unibersidad na puro kalalakihan lang ang mga nag-aaral.

"Tara na!"

"Tagal mo!" Napatawa nalang ako sa naging tugon ni Liam.

Nang makarating na kami sa lugar na kung saan excited ang mga bugok ay naghiyawan na sila. Nasa isa kasi kami club at naghahanap ng sexy. Alam niyo na.

Nakaupo ngayon ako sa isang counter nang may tumabi sa aking magandang babae. At first glance mukha siyang anghel sa sobrang kagandahan pero sabi nga nila 'Don't judge a book by its cover' kaya ng makita ko ang mapang-akit niyang mata ay nagkamali ako sa first glance na 'yon.

"Alone?" Tanong niya at halata ko dito na sine-seduce ako ng babaeng ito and who wouldn't reject her right? She's just wearing a dress na kinulang ata sa tela at nahiya pa ata hindi nalang nag hubad.

"Ah no, I'm with my friends." Sabay turo kela Liam na may mga kalandian na.

"But they seems busy." At mas lalong lumapit ang babae sa akin, and of course me being 'Vienne the great' I grab the oppurtunity. I grab her by the waist at ngumisi bago hinalikan ang babae.

French kiss. Yeah we do that. Mapusok at parang uhaw na uhaw nang gawin namin 'yon pero hanggang dun lang dahil ayokong ibigay sa kung sino man ang virginity ng isang 'Vienne the great'

"Sorry hanggang dun lang." At iniwang nakatulala ang babae sa kaniyang upuan, nang makita ko ang reaksyon ng babae ay napangisi ako.

Mukhang nabitin pa ata. Iba talaga kapag 'Vienne the great' humalik sa isang babae.

"Hindi mo type?" Tanong ni Liam nang makalapit na ako sa kanila.

"Hindi." At sabay kaming napatawa.

Sa totoo lang hindi pa ako nainlove sa isang babae hindi ko alam kung bakit at hanggang flirt lang muna ako.

PretendWhere stories live. Discover now