Shit. And I'm totally in dead-end. Wala na akong ibang malulusotan pa. Hulog na ako. Hulog na hulog. Yung tipong hindi na ako makakabangon pa at wala na akong mapupuntahan pa. I am in dead-end.

"Gihigugma tika..."

Walang matutumbasan na kahit ano ang nararamdaman ko ngayon. Nakikinita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti nito sa labi. 

Sa bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko na rin magawang pigilan pa ang mapangiti ng tuluyan. Kahit na nasa magkabilang pisngi rin nito ang aking mga kamay ay hindi ko mapigilan na kurutin ang medyo matambok niyang pisngi.

"Fvck! What was that for?" nanlalaking matang tanong nito. Bakit ba, nakakagigil kaya.

Pinapakilig ako ng lalaking baliw na ito, Bes'mga, pramis. Kahit na ngayon lang niya sinabi sa akin ang nararamdaman niya, na nasa kalagitnaan kami ng kaguluhan ay nagawa pa rin niya akong pakiligin ng ganoon.

"kinikilig lang," amin ko.

Dahilan na ikinangisi ito, "really?" Kahit ang ngisi nito ay nakakadagdag sa ka-kyotan at ka-hotness niya. Pati biloy tuloy na lumalabas sa kanang pisngi nito mas lalo siyang guma-gwapo.

"Oo na poㅡ"

"Okay love birds, nakakalimutan niyo atang may kasama pa kayo rito?" pigil nito sa dapt kung sasabihin. Aah. Gabriel. Nakalimutan ko na kasapa pala namin siya. "at ipapaalala ko lamang sa inyo na mamaya na yang ka-maisan ninyo kung ayaw ninyong ma-tsugi agad kung gusto niyo pang magkaanak ng isang basketball team with cheerleaders," tuloy pa nito at napairap.

Napanguso naman ako. "you have a very good idea, kid."

"Argh! Fvck you!" singhal nito at mabilis na iniwan kami ni Dark.

Kunot ang noong binalingan ko si Dark ng tingin. "Should we start our basketball team with cheerleaders now?"

Nang mapagtanto ang tinutukoy nito ay sinapak ko ito ng pagkalakas-lakas na ikinamura lamang ng huli.

"baliw!"

"Mahal mo naman!" hirit pa nito na ikinangiti ko.

"I DON'T understand at all," ani Zachary.

"Teka-teka nga lang, ano ba talaga ang nangyayare?" segunda naman ni Jaycob.

"Yeah, dude, what the hell is really happening?!" kunot ang noo naman na singhal ni Darrfyl.

Kapagkuwan napahikab ang katabi nitong si Hypnos.

Isa-isa ko na lamang silang tinitigan. Hindi malaman kung ano ang ipapaliwanag at sasabihin. Hindi ko nga rin alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag. At ito namang katabi ko na asual, walang pakealam sa nangayayari.

Nakaupo lamang ito sa tabi ko. Nakadekwatro ang mga binti at nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib.

"Uhm, friend, Aileen, can you please paliwanag na to us kung what is really happening here. Because my gorgeousness is nai-stress na, my gosh." narinig ko pang tanong ni Talianna.

At sinundan naman iyon ng famous line ni Psyche, "may chichirya pa ba??" sabi pa nito habang sinisimot ang laman ng kinakain.

Napabuntong hininga naman ako. Saan nga ako magsismula sa pagpapaliwanag. Dapat nga si Dark ang nasa pwesto ko 'e. Pero, ayun, nakatunganga lang at walang emosyon na naman sa mukha.

Naiinis na tinulak ko siya gamit ang aking balikat dahilan para mabaling ang atensyon nito sa akin. "What?" Bilang senyas ay ninguso ko naman ang mga tauhan niya na nasa mukha parin ang katanungan. "Fine," mabigat sa kaluobang sagot na lamang nito. "Just ask..."

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now