Chapter 4

1.9K 127 10
                                    

***May's POV***

Napapansin kong araw-araw akong hinihiraman ni Lizzy ng libro. Ang alam ko mayaman ito. Bakit ba sa akin pa ito manghihiram? Ayokong isipin na si Edward ang kanyang dahilan. Gusto niya yatang nakikita ito lagi.

Nasasaktan na ako sa mga nangyayari. Parang ako pa ang magiging kupido nilang dalawa... My aching heart!

Kita rin kay Edward ang masayang mukha nito sa araw-araw pag nakikita nito si Lizzy. Hindi niya na rin ako halos napapansin, bilang na lang ang mga araw na ina-asar ako nito.... At nami-miss ko na yun.

Pero sa kabilang banda ay si Lizzy naman ang naging close ko. Kahit alam ko ang motibo niya ay halata ko rin namang totoo ang pinapakita niyang friendship sa akin. Lagi ko itong ka-kwentuhan pag breaktime. Hindi na ako nag-iisa tulad ng dati. Bibihira na nga akong makapag-sketch dahil sa kanya. Pero dala-dala ko pa rin ito araw-araw. Kahit nasasaktan ako ay parang may pambawi naman. Napaka-sweet kasi nitong kaibigan. Minsan ay isinasabay niya ako sa kotse nila pauwi at ihahatid ako sa tapat ng bahay. Pag minsan naman ay may bitbit itong pagkain at paghahatian namin pag break time. Masaya siyang kasama.

Swerte rin si Edward sa kanya kung sakali. Ang sakit lang!

Kagagaling ko lang sa canteen kasama ni Lizzy. Nauna na rin itong pumasok ng room nila. Papasok na rin ako ng room namin. Hindi ko alintana si Edward na naka-abang pala sa pintuan.

"May, 'wag ka masyado tatabi kay Lizette...."

Tinignan ko lang siya...

"..... Kasi mas lalo siyang gumaganda pag katabi ka..."

Natigilan ako sa sinabi nito. Alam kong nang-aasar lang siya pero tila tinamaan ako sa sinabi nito.... Sobrang pangit ko nga ba kumpara kay Lizette? Nanliit ako bigla sa sarili ko... Di ko maikakaila na sa unang pagkakataon masasaktan ako sa pang-aasar nito. Tila kutsilyo itong tumusok sa dibdib ko. Napayuko na lang ako at tahimik na umupo sa silya. Parang lalabas na ang mga luha sa aking mga mata, kung kaya't agad kong nilugay ang mahaba kong buhok at yumuko..... para di niya masilayanan na tuluyan ng nalaglag ang mga luha ko... Sakit niya naman magsalita!

Bakit nga ba ako nasasaktan eh araw-araw niya naman ako inaasar pero balewala lang naman ang mga yun.... Dapat nga manhid na ako sa pang-aasar nito.

Simula noon ay hindi ko na pinapatulan ang pang-aasar ni Edward. Iniwasan ko na lang ito. Ngunit hindi ko naiwasan ang laging pagbisita ni Lizette sa room namin. Ang masaklap pa ay nagkaroon na ng lakas ng loob si Edward na lapitan kami.

"May, nalaglag yung ballpen mo." sabi nito sabay abot sa akin ng ballpen. Sa pagkaka-alala ko ay nakaipit sa notebook ko ang ballpen na ito. Pumaparaan lang ata ito si Edward.

"Salamat." sagot ko na lang.

"Lizzy, pasok muna ako sa room. May tatapusin lang ako." paalam ko kay Lizzy.

"Sige bes."

At naiwan silang dalawa na nag-uusap. Doon na nagsimulang maging ka-close din ni Edward si Lizzy na ikinatuwa naman ng huli.

Pero kahit nangyari yun ay hindi naman ako kinalimutan ni Lizzy. Sweet pa rin ito sa akin katulad ng dati. Yun nga lang pag tumatambay siya sa room namin ay iniiwan ko at si Edward na ang nagiging kasama niya. Ayokong maging saksi........ ng sarili kong kasawian..

***Edward's POV***

Napapansin kong simula ng maging friends itong si Lizzie at si payatot ay nagbago na ito. Hindi na nga ako pinapatulan sa mga pang-aasar ko sa kanya. Siguro ay dahil masaya na siya at nagkaroon na ng bagong kaibigan.

Mabait naman kasi si Lizette at napatunayan ko yun. Kaya lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya...

Nagpapasalamat na rin ako dito kay payatot kasi hindi ko na kailangan ng masyadong effort. Madali ko ng maliligawan si Lizzete. Naiingit din ako minsan sa nakikita kong closeness nilang dalawa. Nakikita kong laging nakangiti si May pag kasama ito. Mukhang maganda naman pala ito pag nakangiti. Lagi na lang kasing naka-kunot ang noo nito kaya masarap asarin. O siguro dahil maganda lang talaga kasi ang kasama niya. Hawa-hawa ika nga. Inaasar ko pa nga si payatot tungkol dito pero baligtad ang sinabi ko. Buti hindi niya ako sinipa. Napangiti na lang ako ng maalala ko yun.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon