Chapter 46

2K 122 14
                                    

***Marco's POV***

Busy ang araw namin ngayon lalo na't sunod-sunod na projects ang napanalunan namin sa bidding.

"Kyla, pakitawagan nga si Luis na umakyat dito.. Kailangan ko lang makasigurong handa na lahat ng plano para doon sa project natin sa Quezon province..."

"Yes, boss." tipid na sagot ni Kyla.

Simula ng makasama ko ito sa byahe pabalik ng Maynila ay parang natahimik na ito. Tutok na lang lagi sa trabaho. Pero in fairness, napaka-efficient nitong sekretarya.

Bigla kong naalala ang nangyari sa byahe...

Medyo mabagal iyong takbo ng sasakyan dahil sa traffic... Nai-stress na rin ako dahil sa maghapong pagod at dami ng isipin sa opisina..

Napansin yata ako ni Luis..

"Engr. if you want, palit muna tayo ...ikaw muna dito.., ako na muna ang mag-drive ... mukhang pagod ka na.."

"Okay lang sayo?"

"Oo naman... Dito ka na lang muna sa tabi ni Bestie magpahinga... Itulog mo muna yan. Malayo pa tayo..."

"Sige... buti pa nga.., Pero sabihin mo lang pag pagod ka na rin.,, switch ulit tayo... "

"Sure."

Nagpalit nga kami ng upuan. Di ako makaupo sa tabi ng driver's seat dahil nandoon nakatambak lahat ng gamit na inuwi ko galing opisina. Kaya sa tabi ni Kyla sa likod ako umupo... Kasalukuyan namang tulog ito...

Walang malay si Kyla sa pagpapalit namin ng pwesto ni Luis... Maya-maya ay nakasandal na ito sa balikat ko... Inakala siguro nito na ako ang bestfriend niya... Amoy na amoy ko pa ang mabangong shampong ginamit nitong pampaligo bago kami bumiyahe... Naging medyo tan na rin ang kulay nito dahil babad sila ni Luis kanina sa pagsusurfing.

Medyo naasiwa ako sa posisyon namin lalo na't nakadantay ang kaliwang kamay nito sa mga paa ko. Napaka-komportable pa ng pagkakasandal niya sa akin. Pero ako halos hindi na makahinga.

Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Nako-conscious ako ng hindi ko maintindihan., Maya-maya napapatingin pa ako sa mga paa nitong naka-maikling shorts lang. Nakadikit pa ang isa nito sa kanan kong paa. Alam kong malakas ang aircon ng sasakyan pero tila pinagpapawisan ako... Mali yata ang desisyon kong makipagpalit kay Luis...

Bakit ang lakas ng dating ng babaeng ito?

Madami din naman akong babae na nakakasama bukod kay May pero iba ang dating sa akin ng isang ito. Siguro dahil madami silang pagkakapareha sa personality ni May? Pero physically iba ang awra nito... Si May parang modelo... eto naman typical na sexy-tary? Sexy din naman si Lizzy at maganda pero eto katulad ni May na morena beauty pero malakas ang dating.

"Engr okay ka lang ba? Matulog ka muna... Akong bahala dito.. Pasensyahan mo na lang yan si Bestie.. mahilig yan matulog sa byahe..."

"Okay. Sige, salamat..."

Pinilit kong pumikit... Natagalan bago ako tinamaan ng antok...

Pero bigla din akong nagising nang nasa may Expressway na kami... Hindi ko namalayang nakayakap na pala si Kyla sa akin... Tulog pa rin ito...

Payapa itong nakayakap sa akin habang natutulog... Gustuhin ko mang gisingin ito pero hinayaan ko na lang... Kailangan din naman nitong magpahinga pagkatapos ko silang ipagpa-overtime hangang kaninang tanghali..

Sa wakas nakarating na kami ng Maynila... Itinigil ni Luis ang sasakyan sa bandang Sta Ana malapit sa Malate. Dito daw nakatira si Kyla.

Ginising ko naman ito... Nagulat siya nang makita niya ako sa tabi niya.... Bigla itong nahiya dahil napagtanto niyang nakayakap siya sa akin bago gumising..

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon