Chapter 64

2K 126 11
                                    

***Edward's POV***

My May is really a tease... I'm not so sure if I could still hold on to my control.

After we ate, I wash the dishes. She suddenly hug me from behind.

"Love... I won't be able to finish this..."

"Why?"

"Basta... Upo ka na muna doon... I'm almost done here..."

"Di mo ba ako na-miss?" she sweetly asked.

"Love, namiss kita okay? Tinulugan mo nga lang ako kanina... Pero alam ko naman na pagod ka..."

"Okay... Pero tabi tayo matulog ha?"

"What?!"

"Bakit? Dati ka naman tumatabi sa akin matulog ah. Nasanay na nga ako... Ayan tuloy di na ako makatulog ng maayos pag wala ka sa tabi ko..."

"Love... You don't know what you're saying..."

Hayyz napaka-inosente talaga ng babaeng ito.

"Okay, kung ayaw mo ako katabi. Fine.... Sige, mauna na ako. Goodnight!"

"Love..."

Bumitaw nga siya at tuloy-tuloy ng pumasok sa kwarto... Tsk! If she only knew.

***May's POV***

Nakakatampo naman 'tong Edward na 'to! Ano bang problema niya? Niyaya akong matulog dito pero hindi ko naman siya katabi?

Hayyzz. Nasanay lang kasi ako sa presensya niya. Nami-miss ko lang iyong sweetness niya bago matulog...

Lalo pa ngayong iniisip kong magkakalayo na kami... Aalis na siya next week... Nalulungkot na agad ako.

Masama bang mag-demand? Gusto ko lang naman siyang makasama bago siya umalis.

Mahabang paliwanagan pa nga ang ginawa ko kay Mama kanina para lang pumayag na dito ako umuwi ng isang lingo. Tapos ngayon...

Ewan ko pero naiiyak ako... Nami-miss ko na kasi agad ito. Niyakap ko na lang ang isang unan at tahimik na lumuha...

Hindi ko namalayang nakapasok na siya sa kwarto. Naramdaman ko na lang na lumundo ang kama.

"Love? Are you crying?"

Tinangal niya ang buhok na nagtatakip sa mukha ko... Di ko pa rin siya hinarap. Nanatili akong nakatagilid ng higa at nakatalikod sa kanya.

"Love... I'm sorry, okay? I really want to be with you... I'm missing you every second... di mo lang alam... Pero kasi..."

Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.

"Okay, fine! I'm sleeping here..."

"Kung napipilitan ka lang doon ka na... or ako na lang doon sa sala.."

"May!"

"Sige na! Dyan ka na... Ako na doon!"

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Di ko mapigilang umiyak sa inis. Ako pa ba ang magmamakaawa na tumabi siya sa akin? Nakakaiyak lang!

Nahiga na ako sa couch. Umaasa akong susundan niya ako... pero wala. Walang Edward na lumabas ng kwarto! Pinilit ko na lang na makatulog kahit naiinis ako.

--

Kinabukasan, nagising akong may mabigat na  nakapatong sa paa ko.

Noon ko lang din napansin na nakayakap ako--- Paano nangyari iyon? Alam kong sa sala ako natulog kagabi... Pero nandito ako sa kwarto kasama siya...

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon