Chapter 29

1.9K 128 20
                                    

***May's POV***

Maaga akong pumasok ng opisina. Sinabi sa akin ng aking bagong secretary na madaming papeles na kailangang pirmahan.

Pagkapasok ko sa aking opisina ay tumambad sa akin ang isang napaka-gandang bouquet of white roses na nakapatong sa aking mesa.

Sino kaya ang nagbigay nito? Si Luis ay nagbibigay din paminsan-minsan pero iyong paisa-isang rose lang.... Si Marco naman ay kapag may okasyon na lang...

Hmmnn... siguro bagong tagahanga. Simula kasi ng malaman ng iba na nag-i-entertain na ako ng manliligaw ay nagkalakas na rin ng loob ang iba na ligawan ako... Parang ngayon lang ako naging dalaga... Late bloomer na...

Parang nakabibighaning tignan ang bouquet na ito sa harap ko... Kakaiba.. Di ko napigilang kumuha ng lapis at iguhit ito... Ang ganda... Salamat sa nagbigay.. Tinanong ko kanina si Chery, ang bagong secretary, kung sino ang nag-abot nito pero ipina-abot lang din daw ng delivery man...

Dinala ko ang bouquet hangang sa bahay...

"Wow, ganda niyan anak ah.. Kanino galing?"

"Di ko rin po alam Ma. Secret admirer..." napapangiti kong tugon kay Mama.

"Sa wakas naman anak nagi-entertain ka na ng manliligaw... You're not getting any younger... Sana may mapili ka na agad sa kanila... Gusto ko ng magkaroon ng apo, May."

"Mama naman. Ligaw pa lang apo na agad... Darating din naman po tayo diyan..."

"Sayang si Marco noh? May iba na atang nililigawan sabi ni Mareng Annie..."

"Po? Sino daw po? Wala namang nababangit si Marco sa akin.."

"Hindi nga raw gusto ni Annie iyon para kay Marco kasi hiwalay sa asawa..."

Sino kaya ang tinutukoy ni Tita? Hiwalay sa asawa? Isa lang naman ang kilala kong hiwalay sa asawa...

"Hindi na ba kayo nagkakausap ni Marco, nak?"

"Bihira na po Ma. Minsan kasi nasa labas ako... sa project site.. Sige po kausapin ko po siya..."

"Hay naku.. kilatisin mo rin iyong nililigawan niya. Baka kung sino-sino lang iyon. Kawawa naman si Marco. Napakabait na bata noon."

"Ma, alam kong paborito niyo si Marco.. Pero may sariling buhay naman po iyon... Hayaan na natin siya sa mga desisyon niya. Kung saan siya masaya, doon ako... Tiyak lalapit naman iyon sa akin pag nagkaproblema na siya."

Pero di ko pa din mapigilang di magtampo kahit papaano. Ang bestfriend ko may nililigawan na hindi ko pa alam... Wala atang balak na ipakilala ito sa akin...

---

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong akyatin si Marco sa opisina nito. Wala namang masyadong trabaho ngayon.

Di nako kumatok dahil alam ko namang nandirito din si Lizzy.

Binuksan ko ang pintuan at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa eksena sa loob.

They're torridly kissing each other. Nakapatong pa sa kandungan ni Marco si Lizzy.

"Sa susunod naman LEARN TO LOCK THE DOOR! or GET A ROOM!"

Pareho silang nagulat sa bigla kong pagsigaw.

"May!"

Hindi ko na pinakingan kung sino man ang tumawag sa akin. Dali dali akong lumabas ng opisinang iyon at sumakay ng elevator..

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. So si Lizzy nga ang tinutukoy ni Tita... Bakit hindi sila nagkukwento man lang sa akin? Si Lizzy.... dati si Edward... tapos si Paul... tapos si Marco... Parang may kirot akong naramdaman. Kaya pala wala ng oras sa akin si Marco. Alam ko hindi ko hawak ang buhay niya... pero sana bilang kaibigan ay pinaalam niya ito sa akin... Kaya pala wala na rin siyang pakialam kahit sinong manligaw sa akin... May pinagkakaabalahan na pala...

Pagbalik ko sa aking opisina ay agad akong bumalik sa pagtatrabaho.

Maya't maya ay dumating si Marco. Hawak hawak nito ang kanyang batok..

"May.."

"Hmn." tanging tugon ko sa kanya. Pinili kong magbisi-busy-han kaysa kausapin siya.

"Sorry kung... hindi ko nasabi saiyo.."
hindi ko pa rin siya kinikibo. Nagtatampo talaga ako.

"May, kausapin mo naman ako... please..."

"May dapat ba tayong pag-usapan? Nalaman ko na. Di mo na kailangang sabihin. Nakakatampo lang sa iba ko pa nalaman.... Andito tayong lahat sa iisang building oh..."

"May, sorry na talaga..."

"Wala naman yata na akong halaga saiyo Marco..." hindi ko napigilang mapaluha.

"Di totoo iyan May..." lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Mahalaga ka sa akin okay, ikaw pa ba?... It's just that.. noong wala ka, sobrang nalungkot ako... pinilit kong manligaw sa kung sino-sino para maaliw ako pero wala eh... Tapos dumating si Lizzy... feeling ko ikaw na din ang kaharap ko kapag kasama ko siya... kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Naawa din kasi ako sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Paul... kinailangan niya ng karamay kaya ayun... Natakot lang talaga akong sabihin saiyo dahil baka magalit ka nga sa akin..."

"Siguro hindi lang ako sanay na hindi ako ang priority mo Marco... Sorry din kung naging makasarili ako... Okay, kung kay Lizzy ka magiging masaya, sino ba naman ako para handlangan iyon?"

"May, ang totoo niyan wala naman kaming commitment ni Lizzy... Malaya kaming makipagrelasyon sa iba... I don't know... Di pa rin naman kasi ako handa na makipag-commit."

"What? At pumayag ka? Paano kung mahulog na ang loob mo ng tuluyan sa kanya? Tapos siya may nakita ng iba... Eh di kawawa ka... Marco mag-isip ka nga. I have nothing against her pero.... ewan ko... baka iwanan ka rin niya tulad ng ginawa niya kay..." Hindi ko mabangit bangit ang pangalan niya.

"kay Edward..." si Marco na ang tumapos ng sasabihin ko pero kita ko sa mga mata niya ang galit. Bakit galit ito?

"So inaalala mo na mangyayari sa akin ang ginawa niya kay Edward? Nakaka-awa ba si Edward noon May? Hangang ngayon siya pa rin ang inaalala mo? Siya pa rin talaga May?" Hindi ko alam kung saan pinagkukuha ni Marco ang mga sinasabi niya.

"Anong?! Ba't napunta kay Edward ang usapan? Kayo ni Lizzy ang pinag-uusapan natin dito..."

"Kaya nga... ayaw mo kay Lizzy para sa akin kasi iniwan niya si Edward di ba? Iniwan niya ang mahal mo... Sinaktan niya ang mahal mo..."

"What?! Di mo alam ang sinasabi mo Marco.."

"Ano ang hindi ko alam, May? All these years... si Edward pa rin ang laman ng puso mo... I've heard you both noong nag-usap kayo during our graduation day... Siya ang minahal mo... And I know kaya wala kang ibang lalaking binibigyan ng pagkakataon dahil sa kanya... I know you still love him May..."

"Marco, wala kang alam.."

"Akala ko noong mawala na si Edward sa paligid... I could pass that barrier you built... Naging close tayo... at higit pa sa pagkakaibigan ang naramdaman ko saiyo... I have loved you May... until now... Pero wala eh... Iisang lalaki lang talaga ang nandiyan..."

"Marco?"

"Okay lang May... tinangap ko na... Sana lang din maging masaya ka para sa akin..."

"Marco... alam mong mahalaga ka sa akin... Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan... ang nandyan palagi sa tabi ko kapag kailangan... I'm so sorry kung hindi ko nasuklian ang nararamdaman mo... pero mahal kita bilang kaibigan Marco, at masasaktan ako pag nasaktan ka... Ayokong mangyari iyon.."

"May, nagawa ko lang naman to kasi nawalan na ako ng pag-asa sayo... Give up na ako... Unti-unti natatangap ko ng hangang magkaibigan lang talaga tayo..."

"I'm sorry Marco..." niyakap ko na lang siya... Gusto kong ipadama sa kanya na nandirito lang ako palagi sa tabi niya...

"Okay na ako May..."

"Basta pag may problema ka... nandito lang ako ha... Wag ka na kasi maglihim... Sana nga maging okay kayo ni Lizzy... Ikaw lang naman ang inaalala ko.."

"Salamat May.."

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now