Chapter 42

1.9K 135 17
                                    

***May's POV***

"Dale! Why did you change?"

"Ask your brother!"

"Bro?" baling nito kay Edward.

"This is all your fault, Ate..  Come on May, let's start." at iniwan niya si Lau.

"Go ahead Dale! Cuz will be the one to teach me... You go with him.." at kumindat pa ito.

At nagsimula na si Edward na turuan ako ng basics ng surfing...

Naging sunod-sunuran naman ako sa instructions niya sa kagustuhan kong matuto. As much as possible ay tinatangal ko ang nararamdaman kong awkwardness sa pagitan namin... Parang teacher-student lang kami kumbaga.

Tinuruan niya ako simula sa pag-pop up sa surf board na ginawa muna namin sa beach bago sa tubig. Mas mainam daw na sa buhanginan muna magpractice ng ganoon. Tinuruan niya rin ako ng tamang pag-shuffle ng paa sa tubig... pati ang tamang pag-paddle at iba pa...

Mahirap sa umpisa at nagkanda-hulog-hulog ako sa tubig. Hindi ko nga alam kung ilang beses akong nakalunok ng tubig dagat...

Maya't maya naman ay naka-alalay siya sa akin lalo na kung alam niyang mali iyong bagsak ko o natatamaan mismo ako ng surfboard.. Di ko maiwasang di maconscious pag nagdidikit na ang katawan namin...

"Are you okay, May?" pag-aalala nito sa akin.

Tatango lang ako at hindi ko siya tinitignan sa mata. Lalo kasing lumalakas ang kaba sa dibdib ko sa tuwing magtatama ang aming paningin.

"Kaya pa?"

Tango lang ulit ang isinasagot ko...

Tuloy tuloy lang siya sa pagtuturo.,

"May! Don't bend your back! Bend your knees!" sigaw nito habang nagbabalanse na ako sa ibabaw ng board na lumulutang sa alon...

Sinunod ko naman siya at ilang saglit pa ay nakuha ko na nga ang tamang pagtayo at pagbalanse sa ibabaw ng surfing board...

"Good job Dale! Nice one bro!" sigaw naman ni Lau.

Nag-enjoy ako sa pag-aaral ng surfing kahit pa ilang beses akong nahulog sa surfboard at matamaan nito.

"Come on May, let's rest first.." sa wakas at medyo napagod na rin ako..

Hinawakan niya ako sa kamay habang hawak sa kabila ang ginamit kong surf-board. Hinihila ko ang kamay ko pero sobrang higpit ng hawak nito... Binitawan niya lang ako ng makarating na kami sa upuan na nasa buhanginan.

Kinuha niya ang towel at inabot sa akin...

"You learned too fast... You really excel in everything..." sabay ngiti nito sa akin.

"Salamat sa pagtuturo..." sa wakas nasabi ko rin.

"Basta ikaw..." sabay tingin niya na naman sa mga mata ko...

Pilit kong ibinaba ang tingin ko kaso napako tuloy ang mata ko sa kanyang katawan... Nakita kong umalon ang hubad na dibdib nito.... Di ko na mapigilang mapalunok.

"May...."

Di ko na namalayang itinaas niya ang mukha ko gamit ang kanyang daliri... Nagtama ulit ang aming tingin... Para akong nahipnotismo sa mga tingin nito... Lalong lumakas ang tibok ng puso ko... Unti-unting lumalapit ang mukha niya dahilan para mapapikit ako...

"You're so beautiful May..."

Nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking ilong...

Hangang...

"Ate Lau! May! Nandito na ako..."

Teka.. boses ni Marco iyon.. Agad akong napabalik sa ulirat.

"May?!" tawag ni Marco sa akin na may halong pagtatanong.., Siguro dahil
nakita niyang kasama ko si Edward?

"Marco? Sino kasama mo? Di mo naman sinabing sususnod ka... Paano mo nalaman dito?"

"Hi bro!" bati nito kay Edward.

"Eyyy! You have come to this place at last..."

"Oo nga di ako nakakapunta sa tuwing yayayain mo ko noon..."

"I've already taught May on surfing.."

"Wow May! Marunong ka na?"

"Yeah.... She's a fast learner... Hindi man lang nga ako pinagpawisan eh.."

Ngumiti lang ako...

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Marco.

"Yeah... at kasama ko pala si Kyla.. pati si---"

"May! Buti nandito ka rin... Sarap mag-surf dito.." si Luis.

"Hello Luis! Magkakasama kayo? Pumasok pa kayo kanina?"

"Oo pinag-OT ko sila... dami trabaho.."

"Hi Architect! Hi cuz!" si Kyla..

"You know them, Kyla?" tanong ni Edward.

"Oo naman, cuz! Doon ako nagwo-work ngayon bilang secretary ni Boss.." turo nito kay Marco...

"Ay nga pala. cuz... Si Luis, bestfriend ko at manliligaw ni Architect... este boss niya si Architect... hehehe.. Bestie.. meet my cousin Edward.. magaling din mag-surf yan kaya magkakasundo kayo..."

Inabot ni Luis ang kamay niya... Nakipagkamay naman si Edward pero seryoso lang ito at tila pinag-aaralan si Luis..

"May, akong bahala sayo... tuturuan kita.." sabay baling ni Luis sa akin na ikinagulat ni Edward...

"We're done with that... I taught her already..." maagap na sagot ni Edward...

"Come on guys... Let's eat muna... Sissy! Lau! Come on... We'll eat first..." sigaw nito kay Laura na kasalukuyan pa ring nagsusurfing...

My May, My Enemy (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ