Chapter 18

2K 124 4
                                    

***May's POV***

Natapos ko agad ang architectural plan ng bahay ni Lau. Madali lang naman ito gamit ang CAD at iba pang applications. I coordinated it with Blake since siya naman kung sakali ang magha-handle ng construction. Apat na designs ang ginawa kong pwede niyang pag-pilian.

Di naman nalalayo ang mga ito sa designs ng mga bahay sa Berkeley but I made sure na mas angat ito at mas modern kaysa karaniwan. Sinunod ko din ang mga dagdag na details ni Lau tulad ng attrium... Mahilig siguro sila sa halaman. I also made some drafts of its interior designs. Ginawa ko ito dahil may knowledge din naman ako dito at isa pa hindi naman company project ito. Personal project namin ito ni Blake para sa kaibigan niya.

Weekend ngayon at napagpasyahan kong ipakita na sa mag-asawa ang plano. Sinundo ako ni Lau sa apartment at dinala niya ako sa bahay ng byenan niya kung saan sila nakatirang mag-asawa.

Napaka-welcoming naman ng kanyang mga byenan at sa tingin ko naman ay swerte si Lau sa mga ito. Bukod kasi sa mayaman ay kita kong mahal na mahal siya ng mga ito. Maya-maya ay dumating si Troy, ang kanyang asawang American. Ipinakilala niya ito sa akin. Mabait naman si Troy at napag-alaman kong classmates ito at si Blake since grade school.

Ipinakita ko na sa kanila ang designs at natuwa ako sa reactions nila lalo na kay Lau.

"Oh my God this is awesome! Look hon, isn't this great? The facade, the lanai, and oh! my attrium! Beautiful! Your such a clever and oh sooo talented... You really put your heart in here.."

Sumang-ayon naman ang asawa nito...

"I love them all... I'm now having a hard time choosing... Well, do the honor, hon!" baling nito kay Troy.

"Are you sure?"

"Yeah, any of them will be fine with me.. Dale is just gifted with such talent..."

Nasa garden nila kami at nagi-grill ng karne ang medyo bata pa namang daddy ni Troy. Ang mommy naman nito ay nanonood lang sa amin at pangiti-ngiti.

Mukhang family bonding nila ito tuwing weekends.

Sa kanila na ako nag-lunch. Masayang kasama ang pamilya ni Troy lalo na si Lau. Ilang oras pagkatapos kumain ay nagyaya itong mamasyal. Ito yata ang sinasabi niyang girl bonding..

Nanood kami ng movie at namasyal kami pagkatapos sa magagandang lugar sa San Francisco. Ngayon ko lang naikot ang mga ito...

Napagpasyahan naming kumain sa isang French restaurant... Napakadaldal ni Lau at hindi ako naboring sa buong panahong magkasama kami.. Akala mo matagal na kaming magkaibigan... Naalala ko tuloy si Lizzy, eto lang ang babaeng naging bestfriend ko noong high school. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

May pilit na pumapasok sa utak ko ng maisip ko si Lizzy pero I tried my best to ignore it. Buti na lang at panay ang kwento ni Lau.

"You know what Dale, I miss my brother in you... He's such a sweet... I can't forget that he experienced hard times several years ago..." paninimula nito ng bagong topic... Ang kapatid niya.

"He had a nervous breakdown... He was so depressed then and we have him checked and treated by a specialist... " naluluha nitong itinuloy ang kwento.

Nakikinig lang ako pero naluluha na din ako ng maalala ko si Mama noong mga panahong iniwan kami ni papa.

"We got him home-schooled during his last two years in college as he needed to undergo treatment. We thought that he'd never go back to his normal life... But he did! The doctor was great... And you know what? The biggest part of his recovery was to stare at his own pictures and images.... Sounds weird but yes... He got fully recovered from the anxiety and depression..."

Nakaka-awa naman pala ang kapatid niya. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito dahil nakita at naramdaman ko mismo iyon kay mama...

"Sorry to hear that, Lau... but we also had that kind of situation with my mom... My father abandoned us and she got depressed, too. She was treated as well and now she's living her normal and happy life again.."

"Ohhh!" nagulat din siya sa kwento ko... "I'm sorry.."

"That's fine! What matters now is that they've both recovered..." at nginitian ko na siya para mawala na ang namumuong kalungkutan sa paligid.

"Come on, let's go to Ghirardelli Square!"

"Let's go!"

***Marco's POV***

Saturday ngayon at napag-utusan ako ng mahal kong mommy na bumili ng ingredients sa pagbi-bake. Eto ang pinagkaka-abalahan nito tuwing weekends at kung wala siyang pasyente. Hindi naman ako makahindi dahil magtatampo ito sa akin... Simula ng umalis kasi si May ay wala na siyang nakaka-bonding tuwing weekends.

Si Tita naman kasi ay busy sa kanyang negosyo kahit Sabado't Lingo kaya bihira din silang magkita ni mommy.

Naghahanap na ako ng available na cashier nang mamataan ko si Lizzy, nag-go-grocery din ata ito...

"Hi Lizzy! Do you still remember me?"

"Marco! Of course! Paano ko naman makakalimutan ang poging bestfriend ni Edward at ni May.."

"So, how's life?"

"Eto... saglit... bayaran ko muna mga ito tas coffee tayo... Kailangan ko rin ng kausap... Pede ka ba?" mukhang problemado ito....

"Sure! Mamayang gabi pa naman ito kakailanganin ni mommy..." sabay ngiti ko sa kanya...

In fairness hindi kumupas ang ganda nito... Parang walang pinagbago... Pero mas maganda na ngayon si May! Hay bakit nasali na naman si May? Oo mas nadevelop kasi ang ganda ni May noong mag-college kami... lalo na ngayong sa states ito nagtatrabaho... Lumabas ang kakaibang awra nito.. Parang modelo.. Tipong hiyang din kasi ang skin niya sa klima doon.

Pagkatapos nga naming magbayad ni Lizzy ay dumeretso na kami sa isang coffee shop.

Nagkamustahan muna..,, at iyon... naikwento niyang naghiwalay din sila ni Paul Eric at on-process na ang annulment ng kasal niya dito...

Napag-usapan din namin si Edward pero nawalan na daw siya ng balita dito pagkatapos niyang makipag-break noon. Nahiya na rin daw kasi siyang kausapin ito... Kaya pati kay May ay napilitan na rin siyang lumayo...

Ikinwento ko naman sa kanya ang tungkol kay May at natuwa siya bigla. Miss na miss na niya raw ito... Ibinigay ko rin ang number ni May sa California sakaling gusto niyang tawagan ito...

Nanghinayang naman ako sa kinahinatnan ng relasyon nila ng kanyang asawa. Nakilala ko rin noon si Paul at alam kong mabait naman ito... Di ko na rin alam kung paanong nakabalik si Lizzy sa kanya noong magkarelasyon pa ito at si Edward...

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon