Chapter 3

2K 125 13
                                    

***May's POV***

"Miss!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Miss, di ba section one ka?" at napatango ako bilang sagot.

"Kaklase mo si Edward Barber di ba?" tumango ulit ako.

"Ako nga pala si Lizette. You can call me Lizzy. May gusto sana akong itanong saiyo."

"Hi. Ako naman si May. Tungkol saan ba?"

"Di ba ikaw yung bestfriend ni Edward? Nakikita ko kasi ikaw lagi ang katabi niya sa tuwing dumadaan kami ng room niyo. Ikaw lang din ang lagi niyang kinakausap."

Ano daw???? Nagulat talaga ako sa mga pinagsasabi ng babaeng to. Di niya ba alam na kaaway ko yun?

Sabagay tama naman siya na ako lagi ang katabi nito kahit saang subject. Pero nag-uusap? Asaran oo! Wait, stalker ba ito ng mokong na yun? In fairness ang ganda ng stalker niya ha... Kung nagkataong lesbie ako naku! Di ko mapapalagpas ito.

"Ahm... ako nga lagi niya katabi.. Bakit?"

"Mabait ba siya? May girlfriend na ba yun?"

Parang gusto ko siyang sagutin ng, 'Wrong number ka beh... Sa iba ka magtanong.' Pero syempre, kahit kaaway ko yun eh ayoko naman siya siraan.

"Ahm, di naman siya nangangagat... Kaya mabait siguro... Girlfriend?..... Bakla ata yun beh? Wala pa kasi akong nakikitang nililigawan noon.." ang nasagot ko sa kanya.

"Sure ka? Wala pa siyang nililigawan? Yes! Pero bes tingin ko hindi naman siya bakla... Ang gwapo niya kaya..."

"Yun gwapo?"

"Oo gwapo di ba? Ang dami kayang nagkaka-crush doon. Isa na ako..secret lang natin ha. Wag mo sabihin sa kanya bes, ha.. Ang cute-cute niya kasi. Tapos parang napakabait. Yung tipong hindi ka lolokohin at ipagpapalit pag naging boyfriend mo.." sabay nag-ningning ang kanyang mga mata at halatang kinikilig.

Aray ko! Dami ko pala kakompetensiya! At palagay ko wala akong laban sa isang ito. Kung baga sa ganda, 20-80 ang labanan. Yung bente ang sa akin... Saklap!

"May, pede bang friends na tayo? Please. Mabait naman ako. Kwentuhan mo ako lagi ng tungkol sa bestfriend mo... Kahit ilibre kita ng lunch araw-araw."

Ano daw??? Manlilibre para lang sa kwento? Kakaiba rin ang babaeng ito. First impression ko nga sa kanya noon ay napakahinhin nito.... Medyo mahinhin naman talaga ito kung kumilos. Hindi masyado bulgar. Hindi katulad ng ibang estudyanteng babae sa school na porket mayaman ay mayayabang at maarte. Kala mo sila may-ari ng school. Tingin ko makakasundo ko naman siya... Yun nga lang... Ito-torture niya ako araw-araw. Taga-hatid ng balita... tungkol sa mokong na yun... Lalo pa akong nalungkot ng maaalala kong gusto rin pala siya ni Edward.... Wala na May! Out of the picture ka na!

"May, sige na..."

"Hehehe buang ka! Okay lang naman na maging friend mo ko.. Buti nga yun madadagdagan friends ko dito.." pero taliwas ang aking nararamdaman. 'Wag ka martyr May! Binabaril na ang mga ganyan sa Luneta!'

"Yeeey, salamat!.... Sabi ko na nga ba't mabait ka... So ibig sabihin mabait din si Edward... Same feathers flock together di ba?"

"Hahaha!" yun lang ang naisagot ko. Flock together daw???! Baka CLASH together!!!

"Ewan ko doon.. Sige Lizzy, nice meeting you..."

"Thanks May!"

Hayyyzzz.

"Panget! Wag ka nga haharang-harang sa daanan!" Di ko namalayan na nasa pintuan na pala ako ng classroom namin. Iniisip ko yung pag-uusap namin ni Lizzy kanina.

"Ang gwapo mo naman, Sir!" sabay irap ko sa kanya.

"That's given!"

Ang yabang talaga ng lalaking to. Tss!

***Edward's POV***

Ang aga-aga tulala na naman ang payatot na ito... Nakaharang pa sa pintuan. Tss! Mamaya ko na nga lang siya asarin... mukhang may pinagdadaanan... Baka mabato lang ako ng kung ano nito o di kaya'y sipain... Lakas pa naman nitong makasipa. Parang kabayo lang.. Vice Ganda.. Hahahaha.

Umupo na lang ako sa katabing upuan niya. Araw-araw ko naman itong katabi. No choice! Nakakasawa na nga... Kaso iniisip ko rin mahihirapan akong asarin ito pag malayo siya sa akin... Ewan ko ba, parang kulang ang araw ko pag hindi ko ito naiinis. Sobrang pikon kasi.

Nakatingin ako kay payatot nang bigla akong tawagin ni Marco...

"Bro! bro! Bilis tignan mo... Si Ms beautiful padaan dito sa room... Bilis!"

Dagli naman akong tumayo at sumilip sa labas... Wala pa naman si Ms Castillo kaya okay lang. Nang bigla na lng akong magulat dahil parang sa room talaga namin ito pupunta at hindi dadaan lang. Bigla akong kinabahan. Ang ganda ng ayos niya sa school uniform.. Dagdagan pa ng mala-anghel na ngiti... Oo nginitian niya ako! Gusto kong magtatalon sa tuwa pero mas pinili kong ngumiti lang ng slight.

"Hi Edward... Ahm, nandyan ba si May?" tanong niya sa akin.

Bakit kaya hinahanap nito si payatot?

"Hi. Ahhh. Yup, she's here... Wait, I'll call her for you..." di ko alam bakit yun ang isinagot ko sa kanya.

Napasubo tuloy ako. Ayun iistorbohin ko na nga si payatot na tipong nagdi-daydream na naman.

"Hoy palaka!" ang pangulat ko sa kanya. At syempre nagulat siya.

"Hinahanap ka ni Lizette sa labas. Bilisan mo! Wag mo paghintayin yun.."

"Huh?! Ako? Hindi ikaw?"

"What?"

"I mean... ako ang hinahanap niya?"

"Oo nga! Paulit-ulit? Bilisan mo."

"Tss! Bakit naman kaya?" sabay tayo nito at nilabas si Lizzette. Nahiya na akong sundan siya at nakita kong nag-usap sila. Wow! Friends sila?

Bumalik si May sa upuan niya at kumuha ng isang libro sa kanyang bag at bumalik ulit kay Lizette para iabot ito.

Hmmmnn. Mukhang close si payatot kay crush ah... Naku po.. ingat-ingat na pala ako sa pang-aasar, baka isumbong ako ng payatot na ito... Maging negative pa ang impression sa akin ni Ms Intrams...

Ay hindi naman siguro pala-sumbong to si payatot. Sige na nga slight ko na lang siyang aasarin... Tss! Di pedeng masira image ko kay Lizette. Naman kasi to si payatot eh! Masisira pa ata diskarte ko.

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now