Chapter 32

1.9K 118 15
                                    

***May's POV***

It's been a week when that happened. Yet hindi ko pa rin makalimutan ang halik na iyon. Parang bubble gum na nakadikit na sa utak ko. The sweetest kiss I ever had.

Naku-curious na rin ako sa taong may gawa noon. Siya at ang daily flower sender ko ay iisa...

Kinutsaba ko pa ang guard sa office na kilalanin kung sino ang nagpapa-abot ng bulaklak. Pero ang sabi nito ay iba-iba raw ang nag-aabot at tipong binayaran lang ang mga ito para magdeliver.

Masyadong pamisteryoso naman ata ang taong iyon? May-ari kaya siya ng flower shop? Bakit afford niyang magbigay ng mamahaling bouquet araw-araw?

Araw-araw ay iba-iba rin ang sweet messages nito sa mga cards na nakakabit sa bouquet... Creepy pero hindi ko mapigilang kiligin...

"You're gonna have to stop being so gorgeous because my heart is about to beat completely out of my chest."

"I am head over heels, deeply and crazily in love with you."

"Thank you for stealing my eyes from the crowd and stealing my heart from me."

"I loved you, I love you, I will always love you forever and ever."

Para akong teenager na iniipon ang mga cards galing sa bulaklak.

Malaki din ang naging epekto nito sa akin dahil mas lalo akong na-inspire magtrabaho....

"Sipag ah!" Si Marco habang tinitignan akong nagtsicheck ng mga bagong proposed projects.

"Nandiyan ka pala.... Kala ko may lakad ka ngayon?"

"Uwi ka na! Anong petsa na oh... Alam ko namang masipag ka... but you don't have to work like this... Mamaya magkasakit ka na niyan.."

"Okay lang ako... ba't di pa kayo umaalis ni Lizzy?"

"Nakauwi na siya..."

"Ha? Himala. Di kayo sabay?"

"Wala.... Nagkatampuhan lang..."

"Ha? Saan? May problema ba Marco?" bigla kong itinigil ang ginagawa ko.

"Wala naman... May nakapagsabi lang kasi na may nakakita sa kanya na magkasama sila ng ex niya... Actually di ko pa naman na-confirm... pero malakas ang kutob ko... Ilang araw na rin kasi kaming di magkasabay umuwi..."

"Ano?!"

"Hindi naman dapat ako nag-aalala di ba May? Kasi wala naman kaming commitment in the first place... Pero... pucha... ang hirap pala.."

"Hayyzzz.... Yan na nga ba ang sinasabi ko..." hinaplos ko ang likod niya na parang batang pinapatahan.

"Kausapin mo na lang muna siya.... Let her know how you feel... Oras na siguro para baguhin niyo na ang standards niyo... Kung kaya ninyo pa bang ipagpatuloy ang ganyang set up.."

"May, nasasaktan na ako promise... Hindi ko mapigilan..." at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

Niyakap ko na lang siya. Wala naman akong ibang magagawa para icomfort itong bestfriend ko... Hindi kasi nakinig... Eto tuloy... Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Pero ayoko munang i-judge si Lizzy. Baka hindi naman totoo... Baka..

"Di ka kasi nakinig eh. Hayyyzzz. Wag mo na muna isipin iyan. Give her the benefit of the doubt. Malay mo fake news lang iyon... Mas maganda kung mag-uusap kayo.... Naku! Na-inlove na itong bestfriend ko..." sabay pisil ko sa magkabila niyang pisngi trying to cheer him up.

Ang lungkot ng mga mata nito. Ngayon ko lang nakita ang mga iyon ng ganoon.

"Cheer up na! Lika labas tayo! My treat!"

"Uwi na muna ako..."

"Sabay ako!" baka kung saan pa nito maisipang magpunta mahirap na...

"Nope uwi na nga muna ako.."

"Sasabay nga ako... Puntahan ko si Tita..."

"Please... don't let her know about this... Magwawala iyon.."

"I know... Lika ka na? Kotse ko na lang gamitin natin.." wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon. Ngayon ko lang siyang nakitang problemado ng ganoon.

***Edward's POV***

I was buying cans of beer sa convenience store nang may lumapit sa akin...

"Edward! Sabi ko na nga ba't ikaw iyan... Kanina pa kita tinitignan... pero sabi ko imposible... Pero ikaw nga! Kailan ka pa dito?"

"Lizzy!"

"Malapit ka lang ba dito?"

"Ahm... yeah... May inaasikaso lang ako... Saglit lang naman ako dito sa Philippines..."

"Kakatampo ka ha... Hindi ka man lang nagsasabing uuwi ka..."

"Hahaha... Mabilisan lang naman kasi ang pagbisita ko... I just have some important things to settle here..."

"Business ba?"

"Uhm... yeah.."

"Sige Lizzy... Nice seeing you again.."

"Nice seeing you too, Edward..."

Hayyyzz. I didn't see it coming... I don't have plans on having others interfere in my plans... Not Lizzy...

----

The next two days I came back on the same store to buy drinks... Unfortunately she's there again...

"Oh nandito ka pa pala?"

"Eyyy. Yeah... I haven't finished yet my business here..."

"Coffee tayo saglit... Nagmamadali ka ba?"

Oh shoot! How can I decline?

"Ahm... yeah.. pero sige... saglit lang... dito na lang..."

"Okay, ako na mag-oorder." and she ordered coffee for us...

I feel so uncomfortable... I'm afraid na baka may makakita sa amin and everything will be ruined...

"So how's your life?"

"It's fine... I'm fine.."

"Tipid mo namang sumagot. Hahaha. Ako di mo tatanungin?"

"Yeah... how are you doing?"

"Well okay naman. I'm working with Marco and May right now... personal secretary ako ni Marco... Medyo bored kasi ako kaya kinuha ko na rin offer niya... Okay naman silang mga bosses ko... Akalain mo boss ko yung dalawang bestfriends mo..."

"You're working with them?" I didn't know that...

"Yeah... If you have time, dalaw ka naman sa amin... For sure alam mo kung saan ang office building ni Marco..."

"Sure... pag may time... I'll go there..."

"Mas maganda kung isurprise mo sila.. Tiyak matutuwa mga iyon..."

"I'll try. Sige Lizzy I have to go... See you around..."

"Expect kita sa office ha?"

"I'll check! Bye!"

I've been thinking about what Lizzy told me... What if I surprise them? Or what if I talk to Marco to ask for help once again... Or I'll ask Lizzy's help instead...

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now