Chapter 9

1.9K 115 21
                                    

***May's POV***

Hindi pa pumapasok si mama ng halos isang lingo na. Nagkukulong lang ito sa kwarto. Dati rati ay may nakahandang pagkain na sa mesa paggising ko pero iba na ngayon... Natuto na ako bigla magluto ng para sa aming dalawa... Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ni mama. Mas lalo akong nasasaktan pag nakikita ko siyang umiiyak at nalulungkot. Bago ako umaalis ay sinisiguro ko munang kumain na siya. Kailangan ko pa siyang piliting sumabay sa akin dahil nag-aalala akong hindi talaga siya kakain pag-alis ko.. Muntikan pa akong malate papasok dahil doon.

Ngayon ay naglalakad ako papunta sa room namin. Nakasalubong ko si Paul Eric, kaklase ni Lizzy. Mabait naman ito katulad niya. Nginitian ko lang siya at gumanti rin siya ng ngiti.

"Hi May. Pwede ba ako saiyo na humingi ng favor? Ipapabigay ko sana itong sulat ko kay Lizzy. Mawawala kasi ako ng mga ilang araw. Mamaya na ang alis ko, hindi ko pa siya nakikita."

"Ay oo naman. Ibibigay lang pala eh. Akin na. Magkikita naman kami mamayang breaktime."

"Sige May. Salamat. Mauna na ako."

"Okay."

Inipit ko ang sulat sa notebook ko. At nabalik ako sa pag-iisip ng mga kinakaharap naming problema. Sana bumalik na si Papa. Asan kaya siya? Kung kailan malapit na ang graduation ko.... Paano na nga pala ako magka-college? Makakapag-aral pa kaya ako? Nalulungkot ako sa isiping iyon... Bahala na.

***Edward's POV***

Hindi ako makapaniwala hangang ngayon sa natuklasan ko... All this time, iginuguhit ni May ang mukha ko nang hindi ko alam???..... at ako lang ang tanging mukha sa kanyang sketchpad.... Siguro malaki nga ang pagkakagusto niya sa akin noon pa pero paano niya ito naitago ng matagal? At hindi ko pa malalaman kung hindi ko pa napulot ang sketchpad niya... Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko... Iniisip kong sa tuwing aasarin ko pala ito ay nasasaktan ko na siya... noon pa.... I felt a sudden guilt pero pilit ko itong binabalewala... Anyway, hindi ko naman kasalanan na magkagusto siya sa akin... In fact, madaming babae naman ang nagkakagusto sa akin sa school na ito... Yun nga lang si Lizzy lang talaga ang bumihag ng puso ko... My sweetie....

I'm on my way to our room nang makita kong nag-uusap si May at si.... Paul Eric? Mag-kaibigan din ba sila? Maya-maya ay may inabot itong parang sobre na kulay blue kay May. Nakita kong inipit naman niya ito sa kanyang notebook.

Sa ngayon ay katabi ko na siya sa loob ng room. Dala ng mga nakita kong larawan ko sa sketchpad niya kagabi ay napalingon ako dito. Somehow I got curious... Ngunit pagtingin ko sa kanya ay tila wala ito sa wisyo at nakayuko lang. Nakalugay na naman sa gilid ang mahaba nitong buhok..... I'm just wondering how she managed to draw me. Ni hindi ko nga siya nakitang tumingin sa akin ng matagalan kahit noon pa. Lagi ko pa nga itong inaasar noon.

Maya't maya ay nilapitan ito ni Marco.

"May, pinabibigay ni Mommy tong sandwich saiyo. Para daw tumaba ka... Here... specialty ni Mommy iyan.."

Nag-angat ito ng tingin at inilagay ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Naku makisabi kay Tita maraming salamat. Nakakahiya naman..."

"Wag ka ng mahiya. Tuwang-tuwa kaya saiyo si Mommy.... Ang bait mo daw kasi at good influence ka sa akin..."

"Parang hindi naman..." sabay ngiti nito kay Marco... Ang gaganda pala ng mga ngipin niya.

Bakit kay Marco ay wagas ito kung makangiti? Ngunit sa akin ay never niya pang ginawa iyon... Nahihiya kaya ito sa akin o galit siya sa pang-aasar ko?

Alam kaya ni Marco na may gusto sa akin ang 'friend' niya? Masasaktan kaya siya pag nalaman niya? Tingin ko kasi mahal na ni Marco si May. Eh sa usapan nila tipong nadala niya na ito sa bahay nila at naipakilala na kina Tita... Ayokong masaktan si Marco kaya hahayaan ko na lang ang natuklasan ko. Makakalimutan din siguro ako ni payatot at mababaling sa kanya ang atensiyon nito. Anyway nasa akin na ang sketchpad kaya di niya na rin ako lagi maaalala.

Breaktime ay pinuntahan ko si Lizzy sa room niya. Nagulat ako dahil nauna na doon si May pero dagli din itong umalis.

Niyaya ko si sweetie kumain sa canteen at um-oo naman siya... Hindi siya mapakali sa upuan niya. Magkaharap kami ngayon sa canteen at maya't maya ang paglinga niya sa paligid... Hindi talaga ito mapakali. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Maya-maya ay may sulat siyang binuksan... at inipit niya ito sa notebook niya habang binabasa. Akala siguro nito ay hindi ko napansin yun... Pero lalo akong kinabahan ng makilala ko ang sulat na iyon. Yun ang sobre na iniabot ng Paul na iyon kay May. At kaya pala nauna si May na pumunta sa room nito kanina ay para ibigay ang sulat. Binalot ng inis at pangamba ang pakiramdam ko.

"Sweetie, what's that?"

"Ahm... alin?"

"Yang binabasa mo."

"Ah, yung notes sa M-ath.. may quiz kasi kami mamaya.."

Nagpantig na ang tenga ko. Kailan pa natutong magsinungaling si sweetie sa akin?

I breathed hardly at umayos ako ng upo.

"Bakit ka tumatangap ng sulat galing sa ex-boyfriend mo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Dala ng matinding selos ay sumabog na ako.

"S-weetie anong sinasabi mo....?"

Inagaw ko sa kamay niya ang notebook at kinuha doon ang sulat..

"Eto, how can you explain this?"

Tila namutla ito at di nakapagsalita. Takot itong tumitig sa akin...Maya-maya ay umiyak na ito...

"Sweetie... I.... I'm sorry.....hindi ko na kaya... Tapusin na lang natin ito.... Mahal ko pa rin siya.... Akala ko nakalimutan ko na ang pagmamahal na iyon noong naging tayo... pero hindi... Humingi na siya ng tawad sa akin at naramdaman kong siya pa rin hangang ngayon....I'm really sorry sweetie... Patawarin mo ako...."

Tila bulkang sumabog ang ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Nagawa akong lokohin ng pinakamamahal ko? Tama ba ang lahat ng narinig ko? Kahit magkasama kami ay ang letseng Paul Eric na iyon ang iniisip niya?

Tinignan ko ang laman ng sulat at bumalong sa mga mata ko ang luha... Pagpaparamdam ito ng pagmamahal ng lalaking iyon sa pinakamamamahal ko......

"How could you do this to me? Bakit Lizzy, bakiiitt??!!"

"I'm really sorry Edward..."

Ibinato ko sa kanya ang sulat habang patuloy siyang umiiyak. Iniwan ko siya sa canteen at hindi na ako pumasok sa mga natira pa naming subjects.

Dumiretso ako sa isang bar. Doon ko ibinuhos ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko...

Pagka-uwi ko ng bahay ay sermon pa ang inabot ko kay Mommy. Hindi ko na lang siya pinakingan..

Magbabayad sila sa ginawa nila sa akin. I hate them! I hate them all. Pati si May! Siya ang taga-dala ng sulat ng Paul na iyon... How could she betrayed me?

Oo nga naman... gusto niya nga pala kaming maghiwalay noon ni Lizette, di nga ba nag-usap sila doon sa chinese garden... Para ano... para mapunta ako sa kanya? Huh! That girl needs to pay...

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon