Chapter 50

1.9K 130 12
                                    

***May's POV***

Nagising akong pawis na pawis at hinihingal.

Bakit lagi na lang uma-atake ito ngayon? Dahil ba sa lagi ko na siyang nakakasalamuha? Nakakatakot.... Parang totoo pa rin.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Mag-aalas kwatro pa lang ayon sa orasan na nakasabit sa dingding. Tulog na tulog pa rin si Lau sa tabi ko... Nalasing nga talaga ito.

Bumangon ako ng kama at naghanap ng maiinom. Buti na lang at may mineral water na nakapatong sa side table.

Kumuha ako ng balabal at nagpasyang lumabas ng kwarto... Tabing-dagat lang ang hotel at 24 hours naman itong open pati ang resort nito. Kailangan kong makasagap ng sariwang hangin. Tila naninikip pa rin ang dibdib ko sa bangungot na iyon.

Ano bang kailangan kong gawin para mawala na ito ng tuluyan? Kailangan ko na bang magpa-doctor? Naisip ko agad si Tita. Pwede siyang makatulong sa akin. Pero alam kong magtatampo ito dahil ngayon ko lang sasabihin sa kanya kung sakali. Ayaw ko rin kasing malaman ni Marco ang buong katotohanan. Tama nang si Lau lang ang nakaka-alam.

Nasa labas na ako ng kwarto ng bumukas din ang tapat na pintuan nito.

"May, what's wrong?"

Nagulat ako sa kanya.

"I heard the door opened so... I'm just checking..." paliwanag nito.

"Hindi ka pa natutulog?" nakikita ko na naman ang maitim na gilid ng mga mata nito.

"I should be awake... I mean... I don't know..."

"Para? para bantayan ako?"

"May, that's not what I mean...."

"Eh ano? Tignan mo para ka ng zombie oh! Matulog ka na... Okay na ako, okay?"

"Then, where are you going?"

"Ahm... Diyan lang... Magpapahangin lang..."

"At this hour? Why? Did you have that....,, again?"

"Alin?"

"That...,, nightmare?"

Natahimik ako... Tinignan ko siya... Sobrang iba ang hitsura niya sa panaginip ko... Kabaligtaran...

"Dito muna ako.., pakitignan na lang si Lau..." pinilit kong iwasan ang tanong niya.

"Wait... where are you going?"

"Pahangin nga... paulit-ulit?"

"Can I join you?"

"Matulog ka na lang. Wala ka pang tulog.."

"Nope. Mas lalo akong di makakatulog pag alam kong nasa labas ka..."

"Hay bahala ka..."

Sumunod ito sa akin...

Dumiretso ako ng lakad papunta sa dalampasigan ng makalabas ako ng hotel... Alam kong nasa likuran ko lang siya...

"It's so cold here...."

"Bumalik ka na kasi..."

"No... I'll stay with you.."

Ang kulit din ng lalaking to...

Maliwanag ang dalampasigan dahil kompleto naman ang ilaw sa mga poste... May gwardiya ding nagroronda nang mga oras na iyon...

"Ma'am... Sir... Magandang gabi po... Bawal pong pumunta sa dagat mismo pag ganitong oras.., Pasensiya na po..."

"Ay Sir... Sorry po pero dito lang po ak-- kami sa dalampasigan. Magpapahangin lang po.."

"Sige Ma'am. Ingat po kayo ni Sir.."

"Yeah. Thanks." siya na ang sumagot dito.

At umalis na ang gwardiya..,

"See? Bawal nga di ba?"

"Sa tubig lang iyon,,, Di naman ako pupunta doon... Bakit ba kasi sumama sama ka pa?"

"I'm just making sure you're safe..."

"Mas safe kaya ako pag malayo ka...."

Di ko alam kung bakit ko iyon nasabi... Yumuko siya at huli na ng marealize ko ito....

"Sorry.."

"That's fine.., Maybe you're right... But that was before May... and I.., I'm no longer that monster you once knew..."

Tumahimik na lang ako. Umupo lang kami sa isang bench sa dalampasigan.

Nakita kong nilalamig nga siya.

"O share na lang tayo..." in-offer ko ang may medyo may kalakihang balabal na dala ko.

"No.. thanks. I'm fine."

"I'm fine I'm fine ka pa diyan. Lamig na lamig ka na nga... Eto na... lika na."

Umusog naman ito sa tabi ko at nag-share kami ng balabal..

Silence... Pero bakit parang secured na secured ang feeling ko pag ganitong katabi ko at nararamdaman ko siya.

Iniyakap niya ang isang kamay sa baywang ko at inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya..

"Come on... You can sleep on my shoulder..."

Hindi na rin ako tumangi... Parang ang sarap sa pakiramdam. Dagdag pa ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ng nakapatong na rin ang ulo nito sa ulo ko... Nakatulog na pala siya. Hinayaan kong ganoon ang posisyon namin hangang sa dapuan na rin ako ng antok.

Nagising ako ng dahil sa liwanang....

May araw na. Tulog pa rin ang katabi ko... Umayos ako ng upo para ayusin sana ang ulo niya pero gumalaw ito at nagkusang umayos ng higa. Umunan ito sa mga paa ko at kampanteng natulog ulit.

Di ko mapigilang maawa din sa kanya... Wala din itong maayos na tulog kakabantay yata sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha nito... Napakaamo... parang anghel... Di ko mapigilang di haplusin ang mukha nito. Sinuklay rin ng kamay ko ang mga buhok niya... Payapa pa rin siyang natutulog.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya sa realidad... Bigla nga lang nag-iiba sa panaginip. Parang ayaw ko na tuloy matulog...

Napunta ang tingin ko sa dagat.... Ang gandang pagmasdan ng bukang liwayway. Sana nandito ang sketchpad ko... Sigurado akong di ko mapipigilang iguhit ito kung sakali...
Napaka-peaceful pa ng paligid... Tanging tunog lang ng mga alon sa dagat ang naririnig ko. Romantiko din pala... dahil kasama ko ang...taong mahal ko....

Tama na muna iyong ganito... Hindi pa ako handang sabihin at ipadama sa kanya ang tunay kong nararamdaman... Natatakot pa rin ako... Kung sana'y mawala na ang takot sa utak at sa dibdib ko...

---
May isang oras pa yata ang lumipas nang marinig kong may mga mangilan-ngilang tao na rin sa paligid. Ang iba ay nagdya-jogging. Ang iba naman ay naglalakad at kumukuha ng litrato sa dagat...

Sa wakas ay nagising na rin siya...

"Uhmmnn."

Tinignan niya ako at ngumiti... Nakaunan pa rin siya sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa mukha niya habang hawak-hawak ito.

"Good morning love..."

"Morning..."

Tumayo ito at nag-inat ng katawan...

"Ang sarap ng tulog ko... Thanks May... Sorry na..."

"Hmn? Saan?"

"Sa pagbabantay sa akin..."

"Di naman kita binantayan... Hinintay lang kitang magising..."

"Thank you pa din... Come on.... lakad-lakad tayo sa banda roon..."

Tumayo na rin ako at sumabay na naglakad sa kanya sa dalampasigan...

"Ang gwapo at ang ganda naman ng mag-jowang iyon.., Parang mga artista.... bagay na bagay sila..." narinig kong sabi ng isang teenager sa kaibigan nito.

Nagkatinginan kami ni Edward...

Napangiti ito at napangiti na rin ako...

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now