Chapter 55

1.9K 145 25
                                    

***May's POV***

Bumalik na ako sa opisina. Ang dami pang trababahong naka-pending kaya malamang tutok ako nito buong maghapon.

Wala akong nabalitaan na kay Marco pagkatapos nang marinig niya ang pag-uusap namin ni Tita. Nakampante naman akong wala itong ginawa dahil iyon din ang paniniwala ng mommy niya.

Tila wala ding kakaiba sa nangyayari dahil muli na naman akong nakatangap ng bouquet ng white roses mula kay Edward.

Tingnan ko ang nakasulat sa card:

"There's so much trouble now between us. I'm so lonely love... But I want you to know that no matter what it takes, I'll fight for you.... I love you so much... Hope your love will find it's way back soon..."

Ramdam ko ang kalungkutan niya sa mensahe...

Konting tiis na lang Edward... just hold on....

Napaluha na lang ako nang hindi ko namamalayan.

Pinapahid ko ang aking mga luha nang biglang pumasok si Marco.

"May, okay ka lang? Anong nangyari?"

"Okay lang ako... Kumusta pala? Nagkita ba kayo ni Edward?"

"Yeah... kung hindi lang ako napigilan ni Kyla baka tuluyan kong nasira ang mukha noon."

"What?! Anong ginawa mo?"

"Syempre iginanti kita. Dapat lang siyang magbayad sa kasalanan niya... Kulang pa nga iyon eh!"

"Marco... I know what you feel and I understand you... Pero matagal na iyon... Wala ng saysay kung magtanim pa tayo ng galit... Ilang taon na ako nagdusa... Puro lungkot... takot... Ayoko na noon, Marco..."

"Yun na nga eh! Nagdusa ka ng matagal dahil sa kagagagawan niya. Tapos ganoon ganoon lang?"

"Marco lahat ng tao nagkakamali. It's a matter of how you accept your mistake and take responsibility of correcting it.. Sa kaso ni Edward... oo inakala kong tinakasan niya lang iyong ginawa niya sa akin noon... na sinadya niya iyon at nagpakasaya siya sa malayo habang ako naman dito nagdurusa... Pero hindi eh... Nagdusa din siya tulad ko. He really suffered because he's weak... Ako naharap ko ang buhay ko ng tila normal, di ba? Alam mo iyan... Pero siya hindi... That's the irony... Nagkaroon sya ng guilt anxiety disorder... Naging alipin siya ng konsensiya niya ng ilang taon... Hindi niya rin matangap sa sarili niya na ginawa niya iyon sa akin... I got Tita Annie's explanation on Edward's behavior and the things he experienced.."

"Ewan ko saiyo, May... Hindi ko lang talaga matangap na iyon yung tunay na dahilan ng pagdurusa mo.. I still hate him."

"Naiintindihan kita Marco. Kahit sino naman na mahal natin sa buhay na magawan ng ganoon eh hindi pwedeng hindi tayo magalit. Mali talaga iyong ginawa niya. It's just that nakita ko at nararamdaman ko kung paano siya nagsisisi."

"O dahil mahal mo lang siya kaya ka madaling nagpatawad?"

Hindi ko inaasahan ang sagot ni Marco. May bitternerness sa boses niya. Hindi ako nakasagot sa sobrang pagkabigla.

Mas lalo pa akong nagulat nang bigla itong magwalk-out.

Naiwan akong tulala sa upuan.

Papaano ko ba aayusin ang gusot na ito?

***Kyla's POV***

Simula nang mangyari ang bugbugan ay naging bugnutin na yata ito si boss. Or sa akin lang ba?

"Kyla pakibilisan ng iniuutos ko sayo. Ano ba iyan umagang-umaga ang bagal mo."

"Eto na po boss, pasensiya na."

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now