Chapter 31

1.9K 126 12
                                    

***May's POV***

Nagising akong nanakit ang aking sintido...

Teka, anong oras na ba?

Alas 3 pa lang pala ng madaling araw...

Wait... di ba nasa party ako? Paano ako nakarating dito? Anong nangyari?

Sumakit lalo ang sintido ko kakaisip kung paano ako nakauwi ng bahay at nakapasok sa kwartong ito.

For sure hindi si Luis ang naghatid sa akin dahil hindi na siya bumalik sa pwesto ko...

Bigla akong napahawak sa aking labi...

Sheeeeetttt!!!! May nakahalikan ako kagabi?! Yun ang huli kong natatandaan. Anong ginawa ko? OMG! Nakakahiya! Sino iyon?!

But I can still feel his kisses... napaka-gentle yet passionate ng mga halik na iyon. Nakakalunod... Sino nga kaya ang lalaking iyon? Pilit kong inaalala ang mukha niya pero wala... Bukod sa madilim iyong lugar ay lango ako sa alak ng mga oras na iyon...

Bumangon ako at naghanap ng makakain... Di nga pala ako kumain sa party...

Pagbalik ko ng higaan ay muling nanariwa sa isip ko ang mga halik na iyon... Ang lambot ng mga labi niya... Ang sarap niyang humalik... para akong teenager na nagdi-day dream habang yakap yakap ang aking unan.

---

Late tuloy akong nakapasok! Monday pa man din.

Naka-ilang tawag na si Chery sa phone ko....

Ang dami ko rin palang missed calls at messages kagabi. Galing lahat ng iyon kay Luis. Confirmed na hindi nga siya ang naghatid sa akin.

Pagpasok ko ng office ay muling tumambad ang isang bouquet ng white roses sa mesa ko... Pero mas maganda yata ang pagkaka-arranged ng mga flowers nito sa ngayon... Tinignan ko ulit kung may nakasulat sa card na nakadikit dito...

Di nga ako nagkamali... meron nga...

"To the most beautiful woman in my life, that one passionate kiss we shared last night melted my heart and soul."

Bigla kong nabitawan ang bouquet.

Siya... ang lalaking nagbibigay ng bulaklak sa akin araw-araw ay ang lalaking kahalikan ko kagabi? Bigla akong kinabahan...

"Architect, ba't nawala ka na lang kagabi? Alalang-alala ako saiyo. Hindi mo din sinagot ang mga tawag at texts ko. Anong nangyari?" si Luis. Bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

"Ah.... ano kasi... nahilo na ako kagabi kaya... umuwi ako mag-isa... Nagtaxi na lang ako... Di na rin kita natext... Sorry..." alibi ko kay Luis.

"Akala ko kung ano na ang nangyari saiyo... Hinanap ka namin ni Kyla pero nawala ka na doon sa pwesto mo.."

"I'm fine. Wag ka na mag-alala. Ganoon talaga ako... Walk-out na lang pag nakakaramdam ng kakaiba.." pilit akong ngumiti sa kanya..

"Okay... Hope nag-enjoy ka naman kahit papaano. Sorry talaga natagalan ako bumalik.. Ang kukulit kasi ng tropa ayaw ako pakawalan.."

"That's fine... Sige... you can go back to your work..."

Nang maka-alis si Luis ay muli kong tinignan ang card sa bulaklak... Sino ba itong stalker ko? Oo stalker na siyang maituturing...

Pero paano nga ba ako nakarating sa bahay? Mag-isa?

Buong oras ay iyon lang ang laman ng utak ko.... Hangang sa dumating si Marco... Hindi niya rin ako makausap ng matino...

"Hangover yan May! Uwi ka na muna at magpahinga... Ako na ang bahala dito..."

"Okay naman na ako. Wala na iyong sakit ng sintido ko..."

"Nagbreakfast ka ba?"

"Actually hindi pa.."

"Lika, breakfast muna tayo..."

Nakahawak ako sa braso ni Marco habang papalabas ng opisina... Feeling ko kasi nasa tabi tabi lang ang lalaking iyon at nakatingin sa akin. Pinagmamasdan ang mga kilos ko..... Hindi ko mapigilang hindi maparanoid...

OMG! Nakakahiya... Nag-iinit ang mukha ko habang inaalala ko ang pangyayari... Sheeettt! Ako nga ang unang humalik... Ako nga! He even tried resisting it! What now, May?! Asan na ang delikadesa mo?!

"Are you okay?"

"Oo nga.."

"Ba't namumula ka? May lagnat ka ba?" sabay lagay ng palm nito sa noo ko..

"Wala nga sabi eh..."

"Naku, May! Ingatan mo ang sarili mo... Hirap magkasakit ngayon.."

"Opo, Doc!" sabay kurot ko sa pisngi niya.. Somehow bumabalik na naman ang dating pag-care niya sa akin... Namiss ko ito...

Tahimik kaming kumain ni Marco pero maya't maya ay natutulala ako na agad niya namang nahuhuli... Umiwas na lang ako sa mga tingin niya...

***Edward's POV***

I can see Marco and May from where I'm sitting right now... They're having breakfast, too.

A while ago when they entered the resto, May was holding Marco's forearm... seemed like she's getting security and support from him...

He's also definitely sweet to my May.
Why is he putting his palm on her forehead? Is she sick? I can't help but worry...

Suddenly May pinch his cheek... and that's when jealousy hits me...

Lucky Marco! So lucky that he's with her every single day... I wish I'm the one doing that for her... protecting her... caring for her... loving her...

IN TIME.... I just need to wait more...

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now