CHAPTER 45

376 18 0
                                    

Boyfriend/Girlfriend;

•••

Dahil sinabi kong sa Amasement park kami pumunta ay doon nga talaga niya ako dinala.

Ngiting-ngiti ako ng makita ang gate sa labas pa lamang ng Amusement park na 'yon. Napalingon ako kay Ark dahil nakita ko siyang napalunok kanina ng makarating kami doon.

Nang makapag-park siya ay nakatingin pa rin ako sa kaniya. Medyo bothered lang ako kasi para siyang kinakabahan, nakailang ulit pa siyang bumuntong-hininga at mukhang hindi niya ako napapansin na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" Dahil sa tanong ko ay agad siyang lumingon sa akin.

Nagkagulatan pa kaming dalawa kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, kaya mabilis akong umatras at umayos ng upo.

"A-ah... ano kasi—"

"Hindi ka pa ba nakakapunta sa Amusement park?" Tanong ko na ikinatitig niya sa akin.

So hindi pa nga talaga? Mukhang ito ang unang pagkakataon na nakapunta siya dito ah? Gagawin ko 'tong memorable.

Hindi na siya nakasagot at saka umiwas ng tingin. Bigla naman akong napangiti.

"Gagawin natin 'tong memorable, Boyfriend." Sagot ko sa kaniya kahit wala naman siyang sinasabi.

Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya sa narinig niya mula sa akin at medyo namula ang tenga niya na ikinangisi ko.

Ganito ba sila kapag sinasabihan ng ganun?

"B-boyfriend?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Oo. Kaya tara na!"

Nang makalabas kami sa loob ng kotse ay nakangiti lang akong nakatingin sa labas ng Amusement park. Nakaramdam ako ng matinding saya dahil matagal na rin ang panahon na nagpunta ako sa ganitong klaseng lugar at hindi lang 'yon.

Napatingin ako sa gawi ni Ark na may kinukuha sa loob ng kotse.

Kasama ko ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. At isa sa bubuo sa buhay ko.

Nang mapatingin siya sa akin ay agad siyang ngumiti. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Naglakad siya papunta sa akin at nahigit ko na lang ang hininga ko ng maramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

Palihim ko siyang tinignan, nakatingin lang rin siya sa gate ng Amusement park na 'yon habang may pumapasok doon na mga tao galing dito sa parking lot.

"So, anong una nating sasakyan na rides, Girlfriend?" Tanong niya sabay tingin sa akin.

Girlfriend...

Bigla na lang akong napangisi sa isip ko.

"Pumasok na muna tayo para makita natin 'yung mga rides," sagot ko na tinanguhan naman niya.

Sabay kaming pumasok doon. Pinauna niya ako kaya nakita ko na ang ganda ar lawak nito sa loob. Napalingon naman ako sa kaniya at saktong binigay niya 'yung dalawang ticket. Teka? Saan nanggaling 'yung ticket na 'yon?

Nang matapos ay nakangiti siyang lumapit sa akin at hinawakan muli ang kamay ko.

"Hmm... expected ko ng malawak itong lugar na 'to." Natawa naman ako.

Syempre! Kaso oo nga pala, ngayon lang pala siya nakapunta dito tapos kasama niya pa ako.

Naglakad kaming muli. Wala sa paligid ang atensyon ko dahil naka focus ako sa lalaking kasama ko. Pinagmamasdan niya ang paligid at nakikita kong masaya siyang ginagawa 'yon.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon