CHAPTER 22

1.1K 43 1
                                    


"Xien! Nandyan ka lang pala!" Habol ko ang aking hininga ng dumating si Keina sa basement habang ako ay may kinakalikot doon.

"Ano bang ginagawa mo?" Tinignan niya iyon at gulat na gulat siya ng makita niya kung anong nakalagay sa malaking bag na nasa harap ko.

Ilang araw na ito lang ginagawa ko matapos ang naging pag-uusap namin ni Ark sa burol at ang nangyaring hindi namin inaasahan. Ilang araw na din akong medyo umiiwas? Hindi naman sa totoong umiiwas ako, i actually talk to him about the booths at sa kasamaang palad at magkakasama kami nila Ken, Keina, Jacob at Ark sa iisang booth.

Ngunit iba ang namumuno sa grupo, hindi naman daw kailangan eh si President palagi ang namumuno sa amin. Pagbigyan daw niya iyong iba.

Muntik na niya akong gawing leader sa grupo pero mabilis ang ginawa ni Keina para maprevent iyon. At pagtapos niyon masama silang nagtitigan sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung anong meron kay Keina at naiinis at nagagalit siya.

"Alam mo Xien, kaya mo namang wag gawin kung ano iyong inuutos ng leader na iyon eh." Nakasimangot na sabi niya at sabay upo sa tabi ko dito sa malawak na basement habang nasa garap ko itong mga gamit na matagal ng nakaimbak dito sa basement.

"Ah, ganun. Sige tulungan mo na lang ako dito." Sabi ko habang may hinahanap.

"What?" Nilingon ko naman siya na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"‘Wag mo akong ma-what-what Kei. Tutal nandito ka na rin naman kaya tulungan mo na ako." At iniabot ko sa kaniya iyong isang box na hindi ko pa nabubuksan at nahahalungkat.

"Ayoko Xien!" Pinandilatan ko siya ng mata at halos mandiri siya habang kinukuha ang box na iyon sa kamay kong punong-puno na ng alikabok.

"Ang alikabok mg kamay mo, babae ka!" Nanggigilalas niyang sigaw sa akin pagtapos niyang kunin iyon sa kamay ko.

Mabilis ko naman inilapit ang kamay ko sa kaniya at halos tumakbo siya palabas ng basement, bumunghalit ako ng tawa dahil takot na takot siya.

"Okay! Okay! Time to work hard!" Sigaw ko dito at naghanap na kami ng ibang bagay na pwedeng magamit sa booth na kakailanganin namin.

--

"What?" Si Keina ang unang nag-react dahil sa sinabi ni Ken.

Kasalukuyan kaming nasa kusina, saktong paglabas namin sa basement na amoy alikabok ay siya ring pagbabalik ni Ken galing sa labas.

Tumingin naman ito sa akin pagtapos kong kumagat sa cookies na ginawa ni Manang pagtapos na pagtapos naming maghalungkat kanina sa basement.

"Wala ka man lang reaction Xien? Ano hindi ka tututol sa sinabi 'nong dalawang iyon?" Uminom ako ng juice matapos sabihin ni Keina na iyon.

Bakit ba siya galit na galit doon sa dalawa? Wala namang ginagawa iyong dalawang iyon sa amin?

"Ayos lang iyon sa akin," gulat na gulat si Keina dahil sa sinabi ko habang si Ken naman ay prenteng ngumunguya habang nakatingin sa akin.

"Unbelievable! Seryoso ka dyan?" Tumango naman ako.

"No Xien! You can't do this to us!"

"Keina huminahon--"

"No! Ikaw ang huminahon! Hindi ako hihinahon--"

"Keina, kalma ka lang okay?" Huminto naman siya agad ng magsalita ako.

Tinignan ko siya, halatang naiinis siya at nagtatampo siya dahil sa naging plano.

Pinapunta kasi si Ken ni Ark at ni Jacob para sa magiging plano sa Booth na gagawin namin. Pero dahil ang dalawang iyon ang nakaisip ng magandang plano eh bakit hindi kami papayag? Well sila naman nakaisip noon kaya sure naman akong maganda iyong kalalabasan 'nun.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon