SEASON 2: Chapter 35

4 0 0
                                    

WARNING!

***

Keiria's POV

•••

"SAAN mo ba ako dadalhin---argh!" Gustong-gusto ko nang sumigaw sa sobrang sakit ng malakas akong itulak ni Rumea palabas ng sasakyan.

Hindi ko magawang mahanapan ng sagot ang mga tanong ko dahil kapag gagawin ko ay nakakakuha ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin, bakit niya ginagawa ito, wala akong maisip na dahilan pero ang ngiti sa kaniyang labi ang nagsisilbi kong dahilan kaya niya ito ginagawa sa akin.

She was happy seeing me like this.

"Tumayo ka dyan." sabi ng isang lalaki.

Hindi ko pa magawang ibuka ang mga mata ko dahil sa kirot at sakit na nararamdaman ko sa tagiliran ko nang may humawak na dalawang kamay sa magkabila kong braso. Agad nila akong hinila patayo kaya mas lalo kong naramdaman ang sakit dahil sa bala ng baril na bumaon sa tagiliran ko.

Hindi ko na napigilan pa ang pagalpas ng malakas na sigaw sa bibig ko, hindi ko talaga kaya! Para akong mawawalan ng malay dahil sa sobrang sakit ng bigla kong maramdaman ang isang malakas at mahapding sampal na ibinigay sa akin ni Rumea.

"Shut up! Napakaingay mo!" sigaw niya.

Hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko hanggang sa itulak ako ng mga may hawak sa akin lapag, sa malamig na sahig. Napalunok ako. What the hell she wants from me?! Dapat si Ark ang nasa kinatatayuan ko ngayon dahil ang lalaking iyon ang bumasag sa puso niya noon!

"Get up, Keiria. Hindi pa tayo nagsisimula pero napapagod ka na?" Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kaba.

Baka sa mga susunod na segundo at minuto ay bigla niyang iputok sa ulo ko ang baril na hawak niya. Ito ang unang beses na nanginig ako sa isiping papatayin ako ng dati kong kaaway.

"Hindi ka tatayo?" tanong niya.

Nang mapahinto siya sa gilid ko ay dahan-dahan ko siyang nilingon, until I saw her eyes. They're screaming with hatred and revenge, but i'm confused...

"B-bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Rumea? Tigilan mo ako dahil wala kang makukuha sa akin!" malakas kong sigaw sa kaniya dahil wala akong ideya kung bakit niya ako dinala dito!

She was chasing me without me knowing what's the reason?!

"Iupo niyo siya sa silya at talian. Huwag niyong gagamutin ang sugat niya."

Mabilis akong kinaladkad ng mga tauhan niya at pinaupo sa isang malamig na silya. Kagat-kagat ang labi kong nagdurugo dahil sa kagagawan ni Rumea. Pinipigilan ko ang mapasigaw dahil sa kirot at sakit na nararamdaman ko. I don't want to suffer anymore but this bitch!

"Pakawalan mo ako, hayop ka talaga Rumea! Dapat pinatay ka na lang ni Ark noon pa!"

"Hmm? Pinatay? You know me, Keiria, and you know it to yourself na ang masamang damo... hinding-hindi namamatay." sambit niya sa akin.

"Nagpapatawa ka ba? Ano ka, immortal? Tingin mo sa sarili mo, may superpowers? Ano ka? Si wonder woman---" malakas na sampal muli nag dumapo sa pisngi ko na nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

At sunod nitong ginawa ay itinutok sa ulo ko ang nguso ng baril na hawak niya. Gusto kong matawa. May baril siyang hawak pero hindi niya kayang iputok man lang?

"One more word and I'll blow your fucking head."

"But I don't have a dic--" shit! Shit! Shit!

Halos mahilo ako sa suntok na binigay sa akin ni Rumea. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? She said she will blow my head but I don't have a fucking dick? Shit! Halos tumindig ang buong balahibo ko ng itinutok na niya sa akin ang baril na hawak niya.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon