SEASON 2: Chapter 39

15 0 0
                                    

"Going once! Going twice! For number 3!" Sigaw ng MC na halata ang kasiyahan sa gwapo nitong mukha.

All of the players on the bidding we're staring on the number 3 contestant. Kahit wala itong malay na nakaupo sa isang silya habang nakasuot ng isang manipis na klase ng tela na humuhubog sa katawan nito ay hindi maaalis ang kakaibang tingin ng mga buyers dito.

Like the contestants is a prey that surrounded with a lot of predators.

Sa kabilang banda ay nakatitig si Ark sa babaeng walang malay na nakaupo sa silya sa harap habang si Elizabeth na nasa tabi niya ay biglang nagtaas ng kamay.

Napalingon siya rito, may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata at nagpakita ito ng pagtataka dito kahit na sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasang mapangisi at masiyahan sa nangyayari. He wasn't expecting that he can pursued her by buying the number 3 contestant tonight just... for him.

Hindi inalis ni Ark ang mga mata sa magandang babaeng kaniyang katabi. Nang mamataan ito ng MC ay agad itong nagbigay ng presyo na ikinangisi niya lalo.

"30 million."

Lahat ng tao sa bulwagan ay hindi maiwasang magulat at mamangha sa isinagot ni Elizabeth. Para sa mga ito alam niyang magtataka sila kung bakit niya bibilhin ang babaeng hindi naman niya kilala.

Pero para sa lalaking nasa kaniyang tabi, ang lalaking palaging laman ng kaniyang imahinasyon, ang lalaking lagi niyang pinagpapantasyahan mula noon hanggang ngayon, mula umaga hanggang gabi. Gagawin niya ang lahat para dito. Dahil isang pagkakataon lang mangyari ang ganito sa buong buhay niya.

"Isa siyang Jervacio hindi ba? Anong ginagawa niya dito?"

"Is she going to buy that thing? Is she run out of toys to be played off?"

"Is her father knew about this?"

"Is she like something like this?"

Ilan lang naman iyon sa mga naririnig ni Elizabeth, ngunit taas noo niyang tinignan ang mga taong nasa paligid niya lalo na ang mga nagsabi ng mga iyon kahit na binulong nila iyon sa mga katabi nila. Lingid sa kaalaman ng mga ito na mas masahol pa ang kaniyang ama kaysa sa kaniya, ngunit dahil makikitid ang mga utak ng mga ito at dahil sa pera nagiging bulag ang mga ito sa katotohanan ng bawat isa.

At isa pa, wala naman dapat silang pakialam sa kung ano ang gagawin niya o kung saan niya gagastuhin ang perang galing sa sarili niyang ama.

Napaismid si Elizabeth, bakit ba kailangan niyang pansinin ang mga sinasabi ng mga ito? Wala naman silang maitutulong sa kaniya.

"Going once? Going twice? Anyone?" Mukhang nakuha na nang MC ang sarili mula sa pagkagulat dahil sa laki ng perang inialok ng magandang babae.

Nakita nilang lahat kung paano inikot ng MC ang mga mata sa buong bulwagan, naghihintay sa panibagong bibili sa babaeng nakaupo sa silya at walang malay.

"Okay? Last chance! Going once? Going twice---"

Natahimik ang lalaking MC nang may mamataan siya sa gitna ng bulwagan. Someone's raising their hand and after that the handsome man stand up from his sit.

"50 million." He said.

Napasinghap ang mga tao sa bulwagan. Hindi nila inaasahan na may mas ilalaki pa ang inaalok nang isang bagong kasali para lang sa isang babaeng walang malay na nasa nasa kanilang harapan.

Napatingin si Elizabeth sa lalaki, kumunot ang kaniyang noo dahil isang lalaki ang kasali niya sa larong ito. Ano naman kaya ang gagawin nito ang babaeng pinagaagawa nila ngayon? Lumingon sa kaniya pabalik ang lalaki at nakita niya kung paano ito ngumisi at kumindat sa kaniya.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon