CHAPTER 11

1.2K 44 0
                                    

Kinagabihan, kasalukuyan kong pinag-aaralan ang plano nila sa laptop ko na nasa mga hita ko habang nasa kama hanggang sa marinig ko ang pag-ring ng phone ko sa tabi ko. Nakita kong unregistered number ang natawag.

"Sino ito? Baka ibinigay nanaman ni Keina sa kung kanino itong number ko," hinintay kong mamatay ang tawag nito.

Nang mamatay ito ay napatitig ako bigla sa repleksyon ko doon, nakita ko ang namumula kong mga mata at ang normal na pagkakulay pula ng buhok kong umaabot sa dibdib ko.

Wala akong wig ngayon, walang contact at walang salamin sa mga mata. Normal lang akong namumuhay dito sa loob ng Mansyon kapag pagsapit ng gabi, pero kapag sumapit na ang umaga.. gagawin ko nanaman ang ginagawa ko sa nakaraang tatlong araw.

Napabalik ako sa reyalidad ng tumawag ulit ang numero na tumatawag sa akin kanina, ibinaba ko sa kama ang laptop na nasa hita ko at isinagot ito.

"Hello? Sino ito?"

"Akala ko hindi mo nanaman sasagutin.." rinig kong sabi ng isang britonong boses sa kabilang linya.

"Uhh.. Sino ba ito?"

"Ark," sa pagbanggit niya sa pangalan niya ay naalala kong ibinigay ko nga pala iyong number ko sa kaniya kanina.

"Oh? Sorry nawala sa isip ko." Pag-hingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"No, it's okay. Wala naman sa akin iyon," sagot niya at napansin ko ang para bang may malakas na hangin kung nasaan siya.

"By the way, bakit ka nga pala napatawag?"

"I just.. i just want to talk to s-someone.." oh? Hindi siya okay.

"Ganun ba?" Umayos ako ng upo. "So ano bang gusto mong pag-usapan? Pwede mo naman siyang ikwento sa akin." ilang minuto akong naghintay sa sasabihin niya sa akin pero hanggang ngayon ay mahinang paghinga lang ang naririnig ko.

"Hmm.. siguro hindi ito ang tamang time para pag-usapan ang mga bagay na iyon?"

"Ano ba kasi iyon?" tanong ko sa kaniya.

Para siyang sininok muna bago sumagot sa tanong ko. "Basta."

"Teka? Umiinom ka ba?" Nang itanong ko iyon ay saktong bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Keina na sinensyasan kong tumahimik muna.

"Yeah, ayaw mo ba?"

"Huh? Wala naman akong sinasabing ayoko. Sige lang uminom ka lang dyan," sambit ko.

Lumapit naman sa akin si Keina at kinuha ang laptop sa kama at tinignan niya ito.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako umiinom ngayon?" Bakit parang ang kulit ng isang ito ngayon?

Napabuntong-hininga naman ako bigla. "So bakit ka umiinom?"

"Napipilitan ka lang atang itanong sa akin yan eh," narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Hindi, kasi sinabi mong itanong ko sayo eh."

"Hindi, alam kong napipilitan ka lang Jamie."

"Alam mo Ark, umuwi ka na at tumigil ka na sa pag-iinom mo." napahilot ako sa sintido ko bigla.

"Paano ako uuwi kung lasing na ako?"

"Mukha ka bang lasing sa lagay na yan? Dere-deretso pa nga yung pagsasalita mo." sabi sa kaniya.

"Alam mo ang talino mo talagang Nerd ka."

Aray ha? Nerd talaga ha?

"Oo na lang." hiniram ni Keina ang laptop at nagpaalam sa akin na ipupunta niya ito sa sala at saka siya lumabas ng kwarto ko.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon