SEASON 2: Chapter 24

9 1 0
                                    

WARNING:
THE FOLLOWING CHAPTERS/EPISODES MAY CONTAINS VIOLENCE, STRONG LANGUAGE, SEXUAL CONTENT, BLOOD, KIDNAPPED, SELF-HARM THAT MAY BE UPSETTING FOR SOME READERS.
PLEASE BE ADVISE.

•••

Keiria's POV

NAPAATRAS ako ng marinig ko ang sinabing iyon ni Jacob.

What the hell? Bakit magkakaroon ng assassin's dito?! Sa pagkakaalam ko, matagal na silang nawala! Matapos niyang mawala sa loob ng pitong taon, nawala na rin silang lahat!

Pero ano ito? Kaninong grupo ang magpapadala nang---

"Sinong pinuno ang nagpadala sa inyo rito?" taas noong tanong ni Riyu sa mga ito.

Napabaling kami parehas ni Jacob sa kaniya, hindi ko maialis ang takot at kaba na lumulukob ngayon sa sistema ko. May kutob ako, may maling nangyayari rito.

Naghintay kami ng sagot sa tatlong tao na nasa harapan namin, ngunit kahit ni isa man lang sa kanilang tatlo ay walang nakasagot. Nanatili silang tahimik at kalmado na mas ikinakaba ko, kaya't nanlaki ang mga mata ko ng humakbang paabante si Riyu upang muling magtanong.

Sa mundong ginagalawan namin, kapag ikaw ang unang humakbang sa harap ng iyong kalaban, ibig sabihin lang 'nun ay ikaw ang unang aatake sa kanila. At dahil sa maling galaw na ginawa ni Riyu, nakita ko kung paano sabay-sabay na sumugod ang tatlong iyon sa amin.

Mabibilis ang bawat galaw nila, ang bawat pag-atake nila sa amin. Hindi ko inaasahan na sa basement parking lot pa mangyayari ang ganitong senaryo sa buhay ko!

"Answer my fucking question!" Malakas na sigaw ni Riyu at isang lumilipad na suntok mula sa kamao niya ang ipinaulan niya sa tatlo.

Nanatili kami ni Jacob sa pwesto namin, alam kong alam niyang may posibilidad na may hindi magandang mangyari sa amin once na sumugod kaming dalawa na natitirang nakatayo pa rin sa mga pwesto namin.

"Shit! Ano?! Wala ba kayong balak tulungan ako?!" narinig kong sigaw ni Riyu habang nakikipagbuno siya sa mga lalaking iyon.

Lumingon ako kay Jacob, ngunit nanatiling nakatingin ang mga mata niya nang seryoso sa apat na naglalaban sa harap namin. Ano bang tumatakbo sa isipan niya? Wala akong maisip na ibang dahilan.

Bakit ang tahimik niya? Hindi ba't sa ganitong pangyayari ay magtulungan kami?

Inalis ko na lang agad ang tingin ko sa kaniya at binunot ang baril na nakatago sa bag na dala ko. Nang itutok ko ang baril ay laking gulat ko dahil may tumamang kung anong bagay doon hanggang sa biglang tumilapon palayo sa akin ang baril na hawak ko.

Sa gulat at pagkalito ay napatingin na lang ako sa baril na nasa lapag, hindi ko maintindihan ang sarili ko at natulala na lang ako habang nakatitig sa bagay na iyon.

At kung walang malakas na tumulak sa akin ay alam kong tatama sa ulo ko ang isang bagay na bigla na lang lumitaw sa gilid ng mga mata ko!

"Careful." rinig kong banggit ng isang britonong boses na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Jacob."

"Fuck! Stop being lovey dovey there and help me dammit!" malakas na sigaw ni Riyu dahilan para mabilis kaming mapalingon ni Jacob sa kaniya.

Kasalukuyan din siyang sinusugod ng dalawang naka-all black at halos sunod-sunod siya nitong pinapaulanan ng samu't-saring suntok at sipa na pilit niyang iniilagan gamit ang kaniyang mga braso.

Ngunit parehas kaming napalingon ni Jacob nang mabilis na gumalaw ang isang taong nasa aming harapan kaya't mabilis kaming gumalaw.

Unang sumugod si Jacob at mabilis rin ang naging galaw ko, kailangan ko ring tulungan si Riyu dahil alam kong nahihirapan siyang kalabanin ang dalawang iyon lalo na at mag-isa lang siya. Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko ng hilahin ako ni Jacob sa braso ko at saka ibinigay nito ang baril sa akin.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon