SEASON 2: Chapter 40

7 0 0
                                    

Tiffa's POV

Bullshit! Sa sobrang inis ko ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto at nakita ko nga doon si Jacob, nakatayo, gulat at halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Pero wala akong pakialam doon!

Tangina! Halos atakihin ako sa puso dahil ang akala ko ay may nakasunod na isa sa mga kalaban kanina after gawin ni Ark ang bagay na iyon! Tapos itong gagong si Jacob lang pala ang magpapakita dito para kay Keina?!

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad ko siyang binatukan sa ulo. Naiinis ako!

Pero hindi ko inaasahan ang makikita kong emosyon sa kaniyang mga mata. Ngayon ko lang napansin, nangingitim na ang ilalim ng mga mata ni Jacob at mukhang wala siyang matinong tulog. Para siyang bangag na galing sa kanto.

Anyway, natigilan ako dahil imbis na tignan ako nito ng masama gaya ng ginagawa nito kapag binabatukan ko siya ang tanging ginawa niya lamang ay maglakad papasok sa loob ng kwarto, deretso kung nasaan nakahiga at natutulog si Keina.

He stop beside her and he just stared at her and then, he gently sit beside her and caress her cheeks like she was a fragile thing. He was so gentle and it's like he was... scared to lose her... again.

"Hey! What's---"

Natigilan si Max ng makita niya ako sa pinto, naguguluhan siyang tinignan ako at ang dalawang taong nasa loob ng kwarto. Imbis na magsalita at sabihin sa kaniya ang nangyayari, minabuti kong lumabas ng kwarto at isabay ang pagsara ng pinto upang mabigyan namin ng pagkakataon ang dalawa sa loob.

Nang dalawa na lang kami ni Max sa sala ay sinenyasan ko siyang isara ang main door at i-check kung may nakasunod ba sa kaniya o wala. Mabilis niyang ginawa ang inutos ko bago ko ilapag sa coffee table ang baril na hawak ko.

Hindi ako makapaniwala na mararamdaman ko ulit na kabahan ng ganito. Ang tanging alam ko lang na gawin kanina ay ang iligtas si Keina sa abot ng makakakaya ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Jacob kung sakaling hindi niya sinabi na siya ang nasa labas ng pinto... dahil kung hindi ay mapapatay ko siya.

"Tiffa? What's going on? Bakit nandito si Jacob?" Sunod-sunod na tanong ni Max ng makalapit siya sa akin.

I didn't bother to answer him instead I ask if he really check the surroundings before coming here again. "Okay. Great."

"Then answer me, Tiffa. Why he was here and how did he find you and Keina?"

I looked into his eyes and answered. "I don't know."

"What?! Why you didn't know---"

"Wait! Wait Max." Hinarap ko siya. Ang kaninang inis ko ay tumataas na ngayon dahil sa naririnig ko mula sa kaniya. "Bakit parang hindi ko nagugustuhan ang tono ng boses mo? Do you think I didn't do my job just because Jacob find us here? Do you think I tell him about our location so that he can come over to see Keina? Kung inaakusahan mo ako sa bagay na yan, pwes, wala akong alam."

"Hindi kita inaakusahan, Tiffa. Alam naman natin parehas na hindi sila pwedeng magkita-kita."

Naisip kong muli ang sinabi ni Ark bago mangyari ang mga bagay na ito. Nakakapang-gulo ng isipan ang mga nangyayari at hindi ko halos maatim na isang inosenteng kagaya ni Keina ay aabusuhin para sa kasiyahan nilang lahat.

Did *she* already think about this? Naisip niya ba na may ganitong mangyayari kaya naisip niyang magpabaril kay Ark para hindi siya ang magamit? Hindi siya ang abusuhin? Napakawalang-kwenta pala ni Xien.

Mabuti sa kaniya dahil namatay siya.

Hindi na ako nagsalita pa matapos kong marinig ang huling sinabi ni Max. Alam ko iyon, alam na alam ko iyon. Kaya nga ako nandito eh, kaya nga pinilit ni Ark na mabili si Keina matapos niyang malaman ang ginawa ni Rumea dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon