CHAPTER 37

534 18 0
                                    

Black Heart;

•••

Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang ganoong pangyayari sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang pagpunta sa lugar ng mga mas makasalanan pa sa akin maguumpisa ang lahat.

"Jamie! Jamie! Gumising ka!" Kahit na nananakit ang buo kong katawan at pinipilit na ipahinga ito ay pinilit kong buksan ang mga mata ko.

At ang nag-aalalang mata at mukha ni Bim ang una kong nabungaran.

Grabe? Okay lang naman kung ibang tao amg mabubungaran ko. Pero mukha ni Bin? Parang mas gusto kong pumikit na lang ulit.

"Holy crap! Mabuti naman at buhay ka pa!" Gago ba 'to?

"Gago." Pero tinawanan niya lang ako.

"Nandito ka sa Hospital."

"Lagi na lang akong nasa Hospital." Bulong ko.

Simula ng bumalik ako dito, lagi na lang akong nadidisgrasya. Kung wala sa Clinic, nasa Hospital naman ako.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong nito na ikinailing ko.

Napatingin ako sa paligid ko. Talaga bang nasa Hospital ako? Bakit ganito ang nakikita ko? Para akong nasa loob nasa kwarto ng isang lalaki.

"Hospital ba talaga itong kinalalagyan natin?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sa paligid namin.

"Ah? Ito baㅡ"

"Nevermind." Sagot ko.

Tumingin ako kay Bin na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ark get angry because of what happened to you." Nagulat ako sa sinabi niya.

"How did he know?"

"I called him." He said at ipinakita ang teleponong hawak niya habang may ngiti sa labi niya.

Bakit parang proud pa siya?

"And he isㅡ" naputol ang susunod na sasabihin niya ng bumukas ang pinto.

Speaking of the devil.

Ark is here. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng magsalubong ang tingin naming dalawa. Napalunok na lang ako dahil sa dilim ng kaniyang mukha habang matiim na nakatitig sa akin ang matatalim niyang mga mata.

Oh, fuck. I'm dead.

Nang makapasok si Ark sa loob ay siya namang sunod ng dalawa sa kaniya sa likod niya.

Jacob and Vien.

"Let's go, Bin." Seryong sambit ni Vein sa kakambal niya.

Bigla na lang akong kinutuba  sa maaaring mangyari. Bigla na lang ngumiti sa akin si Bin na nagsasabing magpagaling lang ako sa kung anong nangyari sa akin.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuang nasa gilid ng kama ko. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay napahawak ako sa dulo ng uniform na suot niya.

Oo, ng magpunta kami doon ay naka-school uniform pa kaming dalawa.

He just smiled at me.

Don't smile you fucker!

"Bin.." bulong ko dito, pinipigilan siyang umalis.

"Bitaw na, Jamie." Sambit niya.

Tila sinasabi niyang kailangan na niyang umalis.

"Hindi, ayoko." Ayoko dahil pakiramdam mo ay may hindi gagawing maganda sila Jacob sa kaniya.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon