CHAPTER 42

467 18 1
                                    

Blood and Kisses

•••

Mabilis ko siyang sinipa sa sikmura niya kaya dere-deretso siyang lumabas sa kotse. Kaya agad-agad rin akong lumabas doon.

Sa paglabas ko ay doon ko nakita na madaming mga nakakulay itim na mga lalaki ang nakapalibot sa amin. Tatlong kotse ang nakahinto at napapalibutan nila ang kotseng lulan ko.

Ang inis na nararamdaman ko ay naging galit na dahil dinamay pa nila ang lalaking driver sa kotse na maghahatid sa akin kung nasaan si Ark.

Binalikan ko ng tingin ang lalaking nakaupo sa sahig habang hawak ang sikmura niya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano bang kailangan mo sa akin?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

Kung kinakailangang pakiusapan ng maayos ang lalaking 'to gagawin ko. Pero bigla na lang siyang tumawa ng tumawa na para bang nagbigay ako ng napakalaking joke na ngayon niya lang narinig sa tanang buhay niya.

Nakatayo na siya pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. At napansin ko na rin ang tinigalan ng kotse kung nasaan kami, ba't parang walang nadaan na kotse sa parteng ito?

"Nakakatawa ka, Xien! Salamat sa napakalaking joke na binanggit mo." Sambit niya matapos tumawa.

Pinahiran niya pa ang gilid ng mga mata niya dahil sa tubig na lumabas doon.

Gago ba 'tong isang 'to? Mukha ba akong nagjojoke sa paningin niya?

Hindi ako nagsalita sa halip ay lumapit ako sa kaniya na ikinangiti ng mga mata niya at ng labi niya. Gusto kong burahin ang ngiting 'yon sa mga labi niya.

Marahas kong hinawakan ang kwelyo niya at inilapit sa akin, naguuyam ko siyang tinignan.

"Sino ka ba talaga at anong kailangan mo sa akin?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay mabilis niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Hindi mo alam, Xien? Oh baka nakalimutan mo na dahil natakpan na nang pagmamahal mo ang bagay na 'yon dahil sa lalaking 'yon?" Napatigil ako sa sinabi.

Naguguluhan ko siyang tinignan pero mukhang tuwang-tuwa siya sa nakikita niyang ekspresyon mula sa akin.

Ano bang kinalaman ni Ark dito?

Until i felt a cold metal on my back, on my expose bare skin. Kahit na nilalamig dahil sa damit na suot-suot ay hindi nakaligtas ang baril na nakatutok ngayon sa likod ko.

"Papipiliin kita-"

"Answer my fucking question. Who. Are. You." Muli siyang ngumiti ng nakakaloko.

Kumbaga wala akong makitang kahit na ano sa mga mata niya, sa mga ngiti niya. Pero noong una ko 'yong makita noong naaksidente kami ay punong-puno 'yon ng kilabot.

Na para bang alam na alam niya ang ginagawa ko, namin.

"Hahayaan kitang alamin ang lahat, RLD. Pero kapag hindi mo nalaman ang kailangan mong alamin... bang." Halos tumigil ang mundo ko ng ilang segundo at halos manlamig ako ng kalabitin niya ang gatilyo ng baril na nasa likod ko.

Wala 'yong bala.

Ngumiti siya ng mas malawak pa sa harap ko at bumulong.

"Sa susunod, lalagyan ko na siya ng bala... dahil masayang makakita ng taong nag-aagaw buhay sa harap ko. Lalo na kapag ikaw, RLD."

"Hayop ka." Itinulak niya ako at bigla kong natapakan ang dulo ng dress kaya deretso akong bumagsak sa lupa.

Itinapon niya ang baril na walang bala sa paanan ko at walang emosyon niya akong tinignan. Ang kaninang ngiti sa mga labi niya ay biglang nawala, pati na rin ang saya sa mga mata niya.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon