SEASON 2: Chapter 17

1 1 1
                                    

•••

Nico's POV

WALA akong kaide-ideya kung saan ako dadalhin ni Bin, pero nalaman ko na lang ng makumpirma ko kung saan kami patungo. Sa isang lugar na pinangako kong hindi ko pupuntahan kahit na kailan.

Kahit na sa araw na mamatay ako.

Pero ayoko ng guluhin pa kung ano ang nakatadhana, kung iyon ang mangyayari, iyon ang mangyayari.

Nang makarating kami sa harap ng gate na ito ay may nakapaskil ditong signage na nagsasabing "this is a private property", so did someone buy this huge mansion in a middle of nowhere?

"Do you think it's okay to enter this place if there's a signage---" naitikom ko ang bibig ko ng marinig ko ang ingay ng pagkalansing ng bagay na iyon sa lupa.

Sinipa lang naman niya ang bagay na iyon at dahil sa alambreng makalawang ay bumagsak iyon sa sahig. Lumingon ito sa akin at ngumisi, pwersahang binuksan ang lock nito sa loob, dahan-dahan itinulak papasok kasabay ang ingay na dinulot ng makalawang na bakal nito.

At doon, muling tumambad sa harap ko ang malaking bahay na tila ba kinalimutan na nang panahon. Ang isa sa pinaka-malaking kontribusyon sa memorya ko.

"You still like it?"

"Yeah."

"Really?"

Tumingin ako sa kaniya ng may ngiti sa labi ko. "I used to lived here, do you think I will hate this huge house because of what happened in the past? No. And never."

Nagsimula akong maglakad papasok doon, ilang taon na ba ang nagdaan? Bawat paglingon ko sa bawat sulok ng malawak na hardin ay puro kulay berde ang nakikita ko. Nasa memorya ko pa rin ang totoong ganda nito, pero ngayon, dahan-dahan na itong kinakain ng mga halaman.

Unti-unti na ring ibinabaon sa lupa ang memorya ng malaking bahay na ito. Huminto ako sa tapat ng malaking pintuan, kahit na sira at tuluyan kong nakita ang loob ay nanatiling nakatingala ako sa sa malaking bagay na iyon.

Para bang dahan-dahan naglalaro sa imahinasyon ko ang mga memorya ko sa bahay na ito, nakikita ko sa balintataw ko ang mga senaryo kung saan lumalabas at pumapasok kami sa pintong ito.

Minsan masaya at malungkot. Pero magkakasama pa rin kami.

"Let's go inside."

Naunang naglakad si Bin at sumunod naman ako. Pagpasok namin ay katahimikan ng lugar ang bumungad sa akin, kung noon ay maayos pa ang mga dingding nito, kisame at mga gamit, ngayon ay para bang dinaanan ito ng delubyo.

Delubyo na sumira sa lahat.

Ngunit ang natitirang maayos na lang doon ay ang mahababg lamesang tahimik na nakapwesto sa gitna ng sirang Mansion na iyon. Teka... may hindi pa ako nalalaman...

I looked at Bin. "What did you bring me here? Are you perhaps..." Napaatras ako ng ilang dipa mula sa kaniya.

Huwag mong sabihin na...

"I know that you're our *enemy*, Nicollete. But it's not the reason why I bring you here."

Napalunok ako bigla ng lumingon ito sa akin. Saka ko lang napagtanto na dahan-dahan na palang lumulubog ang araw, at padilim na rin ng padilim ang lugar kung nasaan kami.

"Then what is it? You want to kill me here by yourself?"

"No." Naglakad ito papunta sa mahabang lamesa na nasa gitna nito. "I want to know any information about what happened seven years ago."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa itinanong niya. Anong klaseng tanong na gusto niya mahanapan ng kasagutan? Wala akong alam sa nangyari sa loob ng pitong taon!

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon