SEASON 2: Sin and Betrayal

12 0 0
                                    

PROLOGUE

•••


Third Person's POV

Pagod man ay isinantabi niya 'yon habang nakatitig sa labas ng bintana sa tabi niya. Ngayon lang siya muling makakauwi sa bansang kay tagal niyang hindi nasilayan man lang.

Palagi siyang nasa ibang lugar, 'yon kasi ang kailangan niyang gawin. Dahil kapag hindi niya 'yon ginawa, baka hindi na siya tuluyang makauwi.

Nang makalapag ang eroplano ay saka siya napahikab. Hindi man lang siya nakatulog, pero nakaidlip naman siya. Ang gusto niya kasi ay ang makita ang pagbaba ng eroplano sa lupa ng bayang sinilangan niya.

Hindi naman masama 'yon hindi ba?

Nang makuha ang mga maleta at makalabas ay agad na hinanap ng mga mata niya ang lalaking nagsabing susunduin siya sa airport. At ng makita niya ang mukha nito ay agad na sumilay ang ngiti sa labi niya.

Mabilis siyang naglakad dito at ng makalapit siya at dinambahan niya ito ng isang mahigpit na yakap.

"Kuya!" Masayang tawag niya dito.

Ginulo nito ang buhok niya at agad na kinuha ang maleta na dala-dala niya.

"Welcome back. So how's the flight?" Tanong nito habang sabay silang naglalakad palabas ng airport.

Napaisip siya hanggang sa bumaling ang tingin niya rito. Mas nag-built ang katawan nito at mas tumangkad pa lalo. At halos hindi niya ito makilala dahil sa buhok nito ngayon, platinum blonde kasi ang kulay ng buhok nito na bumagay naman sa gwapo nitong mukha.

Sino bang hindi makakakilala sa kaniya? Eh ang gwapo kaya ng Kuya ko!

"Hmm... it's okay. Medyo nakaidlip naman ako pero hindi nakatulog ng mahimbing." Sagot ko sa tanong niya.

He nodded at me, well... sino ba naman kasi ang hindi makakatulog kung ito ang unang beses na makikita kong muli ang lugar na ito?

Paglabas namim ay bigla na lang akong napahinto sa paglalakad at nilanghap ang mainit na hangin, polusyon na nilalabas ng mga sasakyan at ang init ng araw na kay tagal ko ring hindi naranasan.

Titignan ko sana si Kuya pero nagulat na lang ako ng makita kong naka-poker face siyang nakatingin sa akin.

"What?" Natatawang tanong ko dito pero umiling lang siya.

"You're weird. Para kang tangang nakatayo dyan at ninanamnam ang polusyon sa paligid." What?!

Naglakad naman siya palayo sa akin kaya dali-dali akong tumakbo para makahabol sa kaniya, at para sabihin na bawiin niya ang sinabi niya!

"No and never." Sagot niya bigla.

Napahinto ako dahil parang alam na niya agad kung anong gagawin ko.

"Alam mo, Kuya? Ang harsh mo talaga!"

"Well? Ano pa bang aasahan mo sa gwapo mong Kuya?" Tapos bigla niyang sinuklay ang buhok niya pataas at nagpogi sign.

"Yuck! Eww! Nakakadiri!" At saka ako kunwaring nasuka-suka sa pinakita niya sa akin.

Habang papasok sa loob ng sasakyan ay ganun ang ginagawa ko. Pinipigilan ko lang ang tumawa dahil kapag ginawa ko 'yon, baka mas lalo siyang maasar at kotongan pa niya ako.

Ang harsh niya 'no?

"Sana mabilaukan ka." Pagsabi niya 'nun ay... syempre hindi ako nabilaukan.

Umayos ako ng upo sa likod at tumingin sa labas ng bintana. Nakatingin lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang mga malalaking mga establisyimyentong ilang taon ko ring hindi nakita.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon