CHAPTER 26

733 26 0
                                    


Nagising na lang akong masakit ang ulo at ang buong katawan.

Napapapikit pa ako dahil sa antok at sa nararandaman kong sakit. Kahit na kaunting galaw lang ay bolta-boltahe na ng sakit agad ang nararamdaman ko.

"Nasaan ba ako?" Bulong ko na lang hanggang sa may naamoy akong gamot na sa iisang lugar ko lang matatagpuan.

Ospital.

Bakit ako nasa ospital? Anong ginagawa ko dito?

At isang masakit na katotohanan ang biglang pumasok sa isip ko, nasagasaan kami. Napakapit na lang ang kamay ko sa bedsheet ng kamang kinahihigaan ko habang bumabalik sa isip ko ang nasaksihan ko sa pagbangga sa amin ng sasakyan na iyon.

Isang malademonyong ngiti ang gumimbal sa akin sa bintanang nasa gilid ko matapos na nagpagulong-gulong ang sasakyan namin sa daan na iyon. Mahilo-hilo pa ako habang nakatingin sa kaniya, sa ngiting iyon, sa ngiting alam kong walang gagawing maganda.

Habang pinagmamasdan ko siya ay litong-lito ako, sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na ang ulo ko. Naririnig ko pa ang mahinang ungol ni Keina sa tabi ko, alam kong dahil iyon sa sakit na nararamdaman niya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyayari.

Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng kung ano malapot na likido sa noo ko, hanggang sa inilapit niya ang hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing manahimik lang ako habang nakangiti pa rin siya sa akin.

Ano bang kailangan niya? Bakit pinapatahimik niya ako? Bakit ganiyan siya ngumiti? Bakit hindi niya pa kami tulungan?

Bago pa man ako makapagsalita upang humingi sa kaniya ng tulong ay bigla na lang siyang umalis at narinig ko na lang ang sigawan ng mga tao na papalapit sa kinaroroonan namin.

Hindi ko na naalala ang sunod na nangyari dahil dahan-dahan na akong kinain ng dilim.

Dahil sa lalaking iyon muntik na kaming hindi makaligtas sa aksidenteng iyon.

At kung sino man siya, kung siya o sila man ang bumangga sa amin ng walang pakundangan.. hahanapin ko siya, sila.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim na kwarto ang nabungaran ko.

Maliit na lamp shade sa tabi ng kama kung saan ako naroroon lang nakabukas, inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at wala akong natagpuan kundi ang isang bulto ng tao na nakahiga sa maliit na sofa.

Nakaharap ito sa akin kaya kitang-kita ko ang mukha nito kahit hindi masyadong abot ng liwanag ang kinapupwestuhan nito.

"Nico.." dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga.

Isinawalang bahala ko ang sakit na tila sumisigaw na wag akong gagalaw. Pero matigas ang ulo ko, ang gusto ko ang susundin at gagawin ko.

Napabuntong-hininga ako ng tuluyan akong makaupo at matanaw sa harap ang natutulog na si Nico. So nalaman na niya pa lang naaksidente kami? Siguro tinawagan siya ni Manang.

Sakit pa tuloy kami ni Manang sa ulo.

Hindi naman pwedeng ganito na lang ang mangyayari sa amin. Hindi pwedeng magiging kaawa-awa kami dito. Hindi pwedeng ganito ang kalagayan naming tatlo.

Kaya hinawakan ko ang nakasabit na bag sa gilid ko na nakakabit na dextrose sa kanang kamay ko. Pinilit kong umalis sa kama na walang ginagawang ingay, kahit na gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ay pinigilan ko gamit ang pagkagat sa labi ko ng sobrang diin.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon