SEASON 2: Chapter 9

1 0 0
                                    

•••

Five days has passed after Mayzel said to me what I need to do. At ngayon... nakatitig lang ako sa mga damit na nakapatong sa kama ko, iniisip kung kailangan ko ba talagang suotin ang mga iyon o hindi.

Ibinigay ni Celice iyon sa akin kanina, pero hindi ko alam kung ano ang mga iyon kaya wala sa isip kong kinuha iyon mula sa kaniya, na dapat ay hindi ko na lang rin ginawa.

Nagsisisi akong kinuha ko iyon sa kaniya okay?!

Iba-iba ang kulay ng mga iyon, hindi ko alam kung saan nakuha ni Celice ang mga ito. Hindi ko rin naman nagawang itanong sa kaniya dahil mukhang may kailangan pa itong puntahan base sa ekspresyon ng mukha nito nang makita ko siya sa harap ng kwarto ko.

Kaya kahit wala akong alam sa mga damit na ito na bigla na lang niyang ibinigay, eh kinuha ko na lang.

Napabuntong-hininga ako at kumuha ng isa sa kumpulan ng mga damit na iyon, hindi ko alam kung anong klaseng damit ang makukuha ko hanggang sa... tuluyan ko ng makuha at makita iyon. Kasabay 'nun ang dahan-dahang paglaki ng mga mata ko dahil... parang hindi iyon isinusuot ng isang tao!

Agad ko iyong ibinato sa kung saan at napatakbo palayo dahil... grabeng klaseng damit naman 'yon?! Ano iyon, nawalan na ba sila ng tela kaya sobrang nipis ng damit na iyon?!

"B-bakit ganun ang damit na nakuha ko..." utal na tanong ko at saka bumaling ang tingin ko sa mga damit na nakapatong sa kama ko... 'wag mong sabihing...

... pare-parehas silang maninipis?! Saan bang lupalop ng mundo nakuha ni Celice ang iyon at ibinigay sa akin?!

Argh! Pero... pero may naalala ako bigla. Bago kasi siya umalis kanina, may binulong siya sa akin. Though... hindi ko masyadong naintindihan pero ang narinig ko lang...

"...should try it." What?! Ipapasuot niya ba sa akin ang mga maninipis na damit na iyon?!

Nababaliw na ba siya?!

Nakaramdam ako ng inis at galit kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Pagkasara ko nito ay hinanap agad ng mga mata ko ang hagdan para hanapin sa ibaba si Celice, tumakbo na ako papunta doon pero napatigil ako bigla ng marinig ko ang boses ni Bin na tinawag ang pangalan ko.

Inis ko siyang nilingon pero... agad na nanlaki ang mga mata ko dahil agad akong nadulas at unang tumama ang mukha ko sa sahig na ikinasigaw bigla ni Bin.

Letse! Kasalanan mo 'to Bin!

"Nico! Nico, ayos ka lang ba?" Tanong ng tukmol habang inaalalayan akong tumayo mula sa pagkakadapa at bagsak ko sa sahig.

Bwiset na yan, ang sakit ng ulo ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Ha... Ha... sa tingin mo ayos ako, Bin? Tanga ka ba?" Inis kong tanong sa kaniya at itinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kaya kong tumayo. Hindi ko kailangan ng tulong mo---argh!" Napaupo ako bigla sa lapag ng maramdaman ko ang sakit sa kaliwang tuhod ko.

Tinignan ko iyon pero wala akong makitang sugat pero gasgas, oo at namumula ito. Tuhod ko ata ang unang bumagsak kanina dahil sa biglaan kong paglingon at hindi pagpansin sa madulas na sahig ng pangalawang palapag.

"Here... Sampa na sa likod ko. Kailangan magamot agad ang tuhod mo." Napalingon ako sa lalaking parang tangang namaluhod na nakatalikod sa akin at inaabangan akong sumampa sa likod niya.

"Mukha bang hindi ko kayang tumayo at maglakad gamit ang sarili kong mga paa?" Pambabara ko dito.

Mukha na ba akong lumpo sa paningin niya?

"Hindi. Pero kung ako sayo sumampa ka na para magamot na agad yang mga pula sa balat mo. Baka mas lalong lumala ang mga iyan." Parang wala siyang pakialam sa pambabara ko sa kaniya kaya kahit na nagtataka ako sa ikinikilos niya ay marahan akong sumampa sa likod niya.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon