CHAPTER 15

1K 46 0
                                    

The Deal with the Devil;

•••

Kinagabihan ay nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng kung ano sa loob ng kwarto ko ng mapahinto ako sa tatlong katok mula sa pinto ng kwarto ko.

Magmula ng makauwi kami ni Ken kanina ay nakaramdam na ako ng kakaiba, the way Keina and Ken talk to me and the way they look at me, may kakaiba sa mga titig at tingin nila sa akin.

Ayoko sanang usisain kung ano ang mga iyon pagtapos kong makausap si Nico sa kabilang linya kanina, dahil alam kong wala naman talaga.

"Xien? Pwede ba kitang makausap?" Rinig kong mahinang tanong ni Keina habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ko.

Tumango naman ako habang inaayos pabalik sa ilalim ng kama ang ilang mga baril na nakatago sa malaking bag. Nang maiayos ko na iyon ay saka naman ako tumayo at humarap sa kaniya.

She look at me like i did something wrong.

"Xien.." Nagtataka ako sa ikinikilos niya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at iginaya ako paupo sa dulo ng kama ko.

"Alam ko na ginagawa mo lang ang lahat ng ito para pakisamahan ang ibang tao at para may malaman tayo kung may kinalaman sila.." She squeeze my hands at nakita ko ang nagiisang emosyon sa mga mata niya.

Pag-aalala.

"Mag-iingat ka, hindi natin alam kung anong kailangan nila sayo.. Nagtitiwala kami sayo Xien, pero kung may iba ka ng nararamdaman wag kang mag-aatubiling lumayo kaagad."

Naisip ko bigla ang naramdaman ko kanina, ang kakaibang naramdaman ko kay Ark kanina.

Huminga ako ng malalim at tumango sa sinabi niya.

"Hindi masamang lumayo Xien, kasi iyon ang nag-iisang pwede maging dahilan at gawin para maging maayos ang lahat." Napatango-tango ako at nakita ko na muli ang ngiti sa mga labi niya.

"Walang hiya ka Ken! Pumasok ka dito!" Napapitlag ako sa pagkakaupo ko sa harap ni Keina ng pumasok naman si Ken na tawa ng tawa.

Ano nanamang kalokohan ang ginagawa ng dalawang ito ngayon?

"Grabe! Hindi ko akalain na magagawa mo iyon Keina! Isa kang alamat!"

Tuluyan na akong natawa sa binanggit ni Ken at bigla itong kumaripas ng takbo papalayo sa aming dalawa ni Keina.

"Teka lang Xien ah? Babalikan kita dito, kailangan niya lang ng matinding sapak at sabunot mula sa akin."

Tumawa naman ako sa sinabi nito "Sige lang! Go girl!" Pagchecheer ko pa rito at sinigaw niya agad ang pangalan ni Ken ng makalabas na siya ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga naman ako at kasabay nun ay ang pagtingin kong muli sa ilalim ng kama. Alam kong kasalanan ang magplano ng mag-isa ngunit hindi ako masisisi nila Keina kung gagawin ko man iyon once na may makaalam kung sino kami sa bansang ito.

Dahil kapag umugong ang pangalan ko na nagsasabing buhay ako, may posibilidad na hanapin kami at mamatay kami sa bansang ito na hindi man lang ako nakakabalik o nakakapag-paalam kay Xandra.

At hindi ko iyon hahayaang mangyari.

Muli akong yumuko sa ilalim ng kama ko at kinuha doon kung anong inaayos ko kanina. Hinila ko iyon palabas kasabay ang biglang pagtunog ng kung ano sa veranda ng kwarto ko.

Nandito na siya.

Dahan-dahan kong ibinalik iyon sa ilalim at dahan-dahan akong tumayo habang kinukuha ko sa ilalim ng kutson ang baril.

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon