CHAPTER 36

605 17 1
                                    

Returned;

Sa totoo lang wala sa isip ko ang makipagkarera sa kaniya. Pero dahil ito lang ang nagiisang dahilan para makaalis sa Red Bull's Bar kasama ang apat ay gagawin ko na.

As if namang may iba akong choice 'di ba?

"Go!"

Halos liparin ko na ang madilim na kalsada para lang mauna sa kaniya.

"Go Jamie!" Huli kong narinig nang makalayo na ako sa mga taong iyon.

Kailangan kong tapusin agad ito. Kailangan kong maunahan ang babaeng ito, as if naman magpapapatay ako sa kaniya.

Hindi madaling patayin ang masamang damo.

"Hindi mo ako magagawang talunin!" Sigaw niya.

Itinodo niya ang pagpapatakbo niya kaya naunahan na niya ako.

Wala akong pakialam sayo.

Malayo na siya sa akin ng itodo ko ang pagpapatakbo sa motor na gamit ko. Sana naman may turbo din ito kagaya sa mga sasakyan 'di ba?

Napapailing na lang akong hanggang sa makita ko na ang pang-unang streetlight na sinasabi ng babae kanina.

Sampung streetlights ang kailangan naming madaanan hanggang sa ang ilaw na lang ng gamit naming motor ang magbibigay sa amin ng liwanag sa susunod na madilim na kalsada.

At alam kong doon na maguumpisa ang totoong karera naming dalawa ng babaeng iyon.

Apat na streetlights na ang nadaanan namin. Nakita ko siya sa dulo, malayo ang agwat namin sa isa't-isa dahil iyon ang gusto niya.

Then bet it. Gusto niyo ng laban? Then pagbibigyan ko siya.

Limang streetlights na ang nadaanan ko hanggang sa kainin nanaman ng dilim ang paligid ko.

Shit! Hindi ako kinakabahan pero ibang kilabot ang nararamdaman ko sa kalsadang dinaraanan ko.

Muntik ko ng makalimutan. Lugar nga pala 'to ng mga masasamang tao.

Malakas at malamig na simoy na hangin ang humahampas sa mukha at sa katawan ko habang binabaybay ang madilim na kalsadang iyon.

Hanggang sa makita ko ang dilaw na ilaw na nagpapatay-sindi.

Hindi ko na rin alam kung nasaan na siya, dahil tila biglang kinain ng katahimikan ng gabi ang ingay.

Nang marating ko iyon ay agad akong nagulat at nagtaka sa nakita ko.

Dalawang daan ang nasa harap ko at ang umiilaw na dilaw sa gitna ng dalawang daan ba ito ang nagpahinto sa akin.

Ano ba namang karera 'tong gusto nila? Gusto ko ng matapos 'to agad.

Napatingin ako sa magkabilang daan, parehas na wala akong makita doon kundi ang kadiliman, ang malawak at walang katapusang kalsada.

Saan ako dadaan?

Bakit hindi man lang nila sinabi kung saan pala dapat ang daan dito?

Naiinis man ay nag-isip ako kung saan ako dederetso?

Hanggang sa biglang umilaw ang harap ng motor na ginagamit ko.

"Teka? Phone ba 'to?" Bulong ko at kinuha ang itim na Phone na nakasiksik sa harap.

"Adriel?" Bulong kong banggit sa pangalan na tumatawag.

Sino ba 'to? Kailangan ko bang sagutin o kailangan ko na lang itapon at magpatuloy sa karera?

Nerd With Red Dragon Tattoo | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon