Chapter 37: Another Sad Song

1.6K 63 3
                                    


Klair's POV

'Joshua? nagkapalit tayo ng phone! Klair 'to.', text ko sa number kong nandun sa kamay ni Joshua.

Siyempre, yun muna yung itinext ko sa kanya, mamaya ko na siya tatanungin kung bakit mukha ko ang wallpaper niya. Hindi naman ako nag-aassume na gusto niya ako kasi imposible namang mangyari yun pero private property kaya 'tong mukha ko.

Siguro, nahihiya lang talaga akong malamang ginagamit ang mukha ko for wallpaper ng cellphone ng ibang tao. Hindi ko nga wina-wallpaper sa phone ko yung mukha ko eh, sa iba pa kaya?

Basta ang importante ngayon, makuha ko na yung gamit ko baka kasi biglang tumawag sina mama tapos si Joshua ang makakasagot baka ano pa isipin nila. Hahaay.

Pero ilang oras na ang dumaan, 'di pa rin siya nagrereply.

Kaya naman, napagdesisyunan ko munang pumunta sa gallery niya. Wala rin naman akong iba pang ginagawa.

At pagdating ko sa gallery,

My Ghad!

May folder na entitled '18+', tapos ang thumbnail na nakalagay ay isang seksing babae. Agad ko ng ini-scroll para 'di ko na 'yon makita. Nanginig ako bigla. Haha

Tapos tinap ko yung 'Camera' folder niya.

At,

At,

What!? puro mukha ko ang nasa latest photos niya!

Puro stolen shots.
Yun yung panahon na kumain kami sa isang korean restaurant tapos kumanta kami sa isang karaoke cubicle.

Mahilig din palang magnakaw ng photos 'tong Joshua na 'to oh.

My Ghad talaga!

Meron pang photo na parang na possess ako dahil siguro medyo gumagalaw ako nun tapos pinicturan niya ako kaya parang na blur ang mukha ko. Kaya natawa ako.

Para akong baliw ne'to.

Napatingin naman si Kian sa akin, siguro dahil sa bigla-biglaan kong pagtawa. Kaya tumayo na ako at tumungo papasok sa kuwarto ko.

"Magpapahinga muna ako Hance.", pagpapaalam ko kay Hance na busy pa rin sa pag-aarange ng mga pinamili namin.

"Okay po bunny.", sagot niya naman habang hindi ako tinitingnan.

Pagkapasok ko ay agad akong humiga sa kama tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Gustong-gusto ko ng idelete yung mga pics ko pero rumerespeto naman ako sa mga pagmamay-ari ng ibang tao kaya alam kong wala akong rights para idelete yung mga images ko.

Habang nanonood ako ng mga litrato ay bigla namang may nag pop-up na message.

'Bro?', text ni 'Friend_Mikey'.

Sino ba 'tong Mikey na'to?

'Uhm, Mikey? Sorry pero hindi si Joshua 'to. Nagkapalit kami ng phones kaya hindi ka niya marereplayan ngayon.', reply ko.

Pagkatapos kong masend 'yon ay nagscroll-scroll na naman ako. May pics din so Joshua kasama ang kambal niya.

Ang kambal niyang si Jonathan.

Naalala ko tuloy yung sad scene naming dalawa. Hahaay.

Tapos, may message received ulit.

'Bakit? Sino ka ba? Tsaka hindi Mikey pangalan ko. Mike lang.', reply nung Mikey, I mean, Mike pala.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Where stories live. Discover now