Chapter 4: So Soon

4.6K 157 7
                                    


Klair's POV

"Kian?", gulat na sambit ko.

Nagulat talaga ako nang makita ang bespren ko. Di ko inexpect ang ganito.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat na parang may halong lungkot habang tinitingnan kami sa posisyon namin ni Hance.

"Sorry, nakaabala yata ako.", sabi niya sabay talikod.

Dali-dali kong itinulak si Hance tapos ay hinabol si Kian.

"Kian! wait lang.", sigaw ko hanggang sa maabutan ko siya at nahawakan ko ang mga kamay niya.

Huminto siya sa paglalakad tapos ay tinitigan ako ngunit wala man lamang salitang lumalabas sa bibig niya kaya binasag ko na ang awkward na sitwasyon.

"Ba't ka ba nandito?, wala pa kayong semestral break ha?"

Hindi pa rin siya kumibo.

"Ano ba Kian? Mute ka na ba ngayon?", naiinis na sabi ko.

"Damn Klair! excited na excited akong bisitahin ka tapos eto lang maaabutan ko? Pinalitan mo na ako, sinusungitan mo pa 'ko ngayon. Aray...", hinawakan niya ang kanyang bandang tagiliran.

"O, anong masakit sa'yo?", pag-aalala ko.

"Wala. Uwi ka na dun sa lalake mo!", sigaw niya habang lumingon sa malayo.

"Maling-mali ang pagkakaintindi mo. Pwede bang mag-explain muna Kian?"

"Anong ipapaliwanag mo dun eh kitang-kita ko kayo!"

"Aksidente lang yun no! At FYI, hindi ko siya lalake, nakikitira lang siya sa dorm."

"Nakikitira? kaano-ano mo ba siya?

Ilang minuto ko ring ipinaliwanag sa kanya ang lahat hanggang sa maintindihan niya na ang sitwasyon.

"Pero kahit na!, 'di mo pa rin siya kilala."

"Wala naman akong magagawa Kian eh. Sorry kung naging reckless yung decision ko."

"Sige na Klair. Okay na. Basta ikaw. Pasok na tayo sa loob."

"Chaar..parang dorm mo lang ha?", biro ko.

"O sige. uuwi na lang ako."

"Wag na, ang layo kaya ng Davao. Haha".

*TOOT-TOOT*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa.

"UOYSSIMI", text nung same unknown number.

"Sira ba to? ano naman 'tong 'UOYSSIMI'? sino ba talaga 'to. Hahaaay.", bulong ko.

Pagkapasok namin sa dorm, napapansin kong palaging tinititigan ni Kian si Hance habang wala namang kibo si Hance. Di ko alam kong bakit, siguro gusto nyang paalisin?

"Ano ba gusto mong kainin Kian?", tanong ko upang mawala ang tensyon.

"Kahit ano, basta luto mo."

"Eh, alam mo namang 'di ako marunong magluto di ba?"

"Wala naman akong pakialam sa lasa eh, basta ikaw lang ang nagluto, masarap na."

Tapos, dinilaan niya yung upper lip niya na nakapagpapula sa pisngi ko.

"Kian naman eh."

"Eheemm", si Hance.

"Ah, sorry Hance. Di ko pa pala kayo naipagpapakilala sa isa't isa, uhmn Hance, si Kian, Kian, si Hance."

"Kumusta bro", sambit ni Hance.

Ngumiti lang si Kian bilang sagot.

**

Ilang minuto pa ay dumating na ang inorder naming pagkain. Di ko kasi talaga kayang magluto. Di pa ako nakapagtraining. Haha. Eh, si Kian naman, pagod daw upang magluto, tapos si Hance, kahit paraan ng pagluto eh nakalimutan. Enebenemen yan.

Kahit sa pagkain, wala pa rin silang kibuan. Ano bang meron?
Iba-iba nalang yung kinukwento ko upang magkaingay naman kahit konti pero tikom pa rin ang bibig nila. Hanggang sa umabot nalang ako sa galaxy ay wala pa rin. Sa wakas, natapos na rin ang kainan ngunit, as usual, pipi pa rin silang dalawa. Ano ba dapat gagawin ko?

Hanggang sa mapag-isip isip ako. Ano kaya kung iwan ko muna silang dalawa? Haha

"Hance, Kian, maliligo muna ako ha? kayo muna diyan."

Nakita kong nagulat si Hance pero si Kian lang ang sumagot.

"Pwede ba sumabay?", sabi ni Kian sabay ngisi nang malademonyo na para bang may maitim na balak.

"Che", sabi ko sabay talikod. Bago ako makapunta sa banyo ay narining kong tumawa si Kian.

Kian's POV

"Che", sagot ni Klair sa biro ko. Eto talagang bespren ko, di na mabiro.

"Haha", tawa ko.

Tapos naalala ko, naiwan pala ako dito sa sala ng dorm ni Klair kasama 'tong Hance na to.

Ilang minuto ring tahimik ang paligid hanggang sa magsalita ako.

"Wala ka pa rin bang naaalala ngayon pre?"

Nakita kong medyo nagulat yung mukha niya. Siguro di niya inexpect na magsasalita ako.

"Uhmm. wala pa rin eh kahit kaunti. Jowa ka ba talaga ni Klair?", di ko inakalang itatanong niya.

"Oo, bf niya ako. Bakit? may problema ba."

"Wala naman, gusto ko lang klaruhin."

"Bakit ka ba kay Klair humingi ng tulong eh marami namang ibang pwede mong puntahan."

"Kita ko palang kasi sa mukha niya eh, alam ko ng mabait at trustworthy."

"Talaga.", tugon ko.

Tinitigan ko ang mukha niya. Parang nakita ko na siya ah. Nag-isip ako ng maigi kong san ko ba siya nakita.

"Parang familiar ka ah? Nagkita na ba tayo", tanong ko.

"Ganun ba? Sorry pero di ko maalalang nagkita tayo. May amnesia nga ako diba?."

"Hindi eh. Nakita na talaga kita."

Mas inigihan ko pa ang pag-iisip hanggang sa may naalala ako. Hindi pwedeng siya yun! Imposible! Tinitigan ko siya ulit. Ngunit siya talaga yun. Alam kong siya yun. Di ako pwedeng magkamali.

"I think I know who you really are.", sabi ko sa kanya.

Tapos napansin kong parang nanginginig ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan ang kanyang mukha.

————————
*A/N:

End of Chapter 4.
Ano nga bang mangyayari sa mga susunod na kabanata?
Sino nga ba talaga si Hance?
Magkakilala ba sila ni Kian dati?
Tunghayan dahil marami pang pangyayari ang mangyayari at marami pang karakter ang dadating. And please don't forget to comment and vote. Thank you!

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن