Chapter 32: Mutual

1.8K 69 3
                                    


Klair's POV

Can we be more than friends to fill in the remaining pages?
Wait lang, totoo ba 'tong nababasa ko?

Kinusot ko ang mga mata ko baka sakaling namamalikmata lang ako.
Pero kahit ilang beses kong icheck, tamang-tama ang basa ko.

Ano ba naisip ne'tong Kian na 'to?
Hindi ako natutuwa sa joke na 'to ha?

"Kian? Ano na naman 'to?", sabi ko habang nagsusungit-sungitan.

"Ano sa tingin mo?", seryoso niyang sagot.

Aba! magaling din umacting 'tong isang 'to ha?

"Wag ka ng magmaang-maangan pa, alam kong joke mo na naman 'to. Sayang, imbis ang saya-saya ko na, sinira mo pa. Hahaay.", pang-iinsulto ko. Haha

"Klair, hindi biro ang tanong na 'yan. Totoo 'yan."

Hindi talaga siya nagpapatinag ha?

"Sus, mas magaling ako umacting sa'yo no? itigil mo na 'yan. Tsk, tsk.", sambit ko.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Tapos tinitigan niya ako nang napakaseryoso. Bigla naman akong kinabahan. Ngayon ko lang kasi nakita 'tong bestfriend ko na napakaseryoso. Nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. Seryoso ba talaga siya? Hindi kasi kapani-paniwala eh.

"Please believe me Klair. Kahit ngayon lang. Hindi na ako nagbibiro.", sabi niya habang nakatitig pa rin sa aking mga mata na medyo nagbibigay ilang sa akin.

"Kian?", mahina kong sambit na kapag ipaparaphrase ay magiging 'Seryoso ka ba? Please naman sabihin mong hindi.'

Tapos dahan-dahan siyang yumuko na parang nagsasabing 'sorry pero oo.'

Hindi ko alam kung ano ba magiging respond ko, sana naman acting niya lang talaga 'to, kasi papalakpakan ko talaga siya with standing ovation pa!

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to Klair pero sobrang duwag ko. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula 'tong nararamdaman ko para sa'yo basta ang alam ko lang, sobrang totoo 'to. Ikaw lang ang nagpapadama sa akin ng ganito. Kapag nandiyan ka, kahit hindi obvious, ay nininerbiyos ako. Kapag nandiyan ka, nagiging conscious ako. Gusto ko lahat ng bagay na ginagawa ko o sinasabi ko ay magugustuhan mo. Ilang beses ko ng sinubukang aminin sa'yo ang totoong pagtingin ko pero palagi akong failed. Kaya dahil dun, minsan na akong natalo, at ang lungkot lungkot ko. Kaya nung umuwi ako sa Davao, naisip ko na kailangan ko ng sabihin sa'yo 'to, pagod na akong magtago. Pagod na rin akong matalo. Kaya, habang hindi pa huli ang lahat, sana naman tanggapin mo ang nararamdaman ko.", paliwanag niya habang nakayuko pa rin.

My Ghad! Ano naman 'to! Huhu
Kung totoo talaga ang ganap na 'to, sure akong panibagong problema na naman 'to. At worse, bestfriend  ko pa!

Pumikit ako at taimtim na nagdasal na sana naman nagbibiro lang 'tong kaharap ko na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Haha! Funny Kian. Sobra!", pagpipilit ko na biro lang ang lahat ng pinagsasabi niya na sana naman biro lang talaga.

Iniangat niya ang mukha niya at tumingin muli sa akin. Ngayon ay nalaman kong parang naiiyak siya na medyo kumirot sa puso ko. Kian, please!!!

"Totoo ang lahat ng sinabi ko Klair. Walang halong kahit na kaunting biro. Patawad kong ganito ang nararamdaman ko para sa'yo, at patawad din kong sobrang tagal kong inilihim 'to. Sana, hindi magbago ang pagtingin mo sa akin. At sana...', sabi niya tapos ay huminga ng malalim.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang