Chapter 29: Implicitly Yours

2.3K 79 4
                                    


Klair's POV

Sa wakas ay natapos din ang bonding namin ni Joshua. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa siya ang naging dahilan kung bakit naging busy ang oras ko. Kung bakit nawala panandalian ang lungkot ko. Kung bakit nalimutan ko sandali si Hance.

Hance na naman?
Bakit ba si Hance nalang palagi ang iniisip ko?
Bakit ba siya lagi ang laman ng thoughts ko?
Bakit ba ginugulo niya ang utak ko?

😭😭My Ghad! Please lubayan mo'ko!

"Nandito na tayo.", sabi ni Joshua matapos patayin ang makina ng sasakyan niya.

Ano ba dapat mafeel ko na nandito na kami?
Matutuwa ba dapat ako kasi maayos akong naihatid na Joshua?
Kakabahan na kasi nasa loob yung nagpaiyak sa akin?
Matatakot baka kasi awayin na naman niya ako?

"Don't worry, just call me if you need me Klair.", biglang pananalita ni Joshua.

Napansin niya siguro ang nag-aalala kong mukha.

"Ah, si-sige Josh. Salamat ng maraming-marami sa araw na'to. 'Di mo alam kung paano mo talaga ako napasaya."

"Sus, wala 'yon. Ako nga eh, mas napasaya mo.", sabi niya habang nakangiti.

'Di ako sure kung ano ang ibig niyang ipakahulugan pero binalewala ko nalang.

"Salamat ulit Josh. Sige, lalabas na ako. Ayaw mo bang pumasok muna?", saad ko pagkababa ko.

"No, thanks Klair. Gabi na rin kasi, baka hinahanap na ako nila mama."

"Okay kung ganun."

"Sige Cinderella, next time ulit!", wika niya habang nakasalute.

Tumango at ngumiti lang ako bilang sagot.

Nang makalarga na siya ay tsaka ko naman napansin ang isang babae sa kanto na kapapara lang ng taxi.

"Si Tania ba 'yon?", bulong ko nang maaninag ko ang kanyang mukha.

Kung siya 'yon, ano naman ginagawa niya dito?

Baka namamalikmata lang ako kaya hindi ko nalang din pinansin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa dorm ko.

Bukas naman ang pinto kaya nakahinga ako nang maluwag.
Hindi ko na kasi kailangan pang kumatok.

Eh bakit naman ako mahihiyang kumatok, dorm ko naman 'to?
Hahaay.

Pumasok ako nang dahan-dahan.

Pero pagpasok ko, nagulat nalang ako nang malamang nasa sala pala siya at parang kakatapos lang makipag-usap sa kausap niya.

Sa kausap niya na 'di ko alam pero mas gumwapo pa sa paningin ko.
Sa kausap niya na walang iba kungdi ang bestfriend ko!

"Kian!", sigaw ko pagkatapos ay agad akong lumapit papunta sa kanya para mayakap siya. At MyGhad! Ang bango-bango niya. Gusto ko tuloy siyang kagatin. Haha

'Di ko akalaing nandito na pala siya. Mamimis ko sobra 'tong bestfriend ko!
Kahit 'di ko alam kung ano ba talaga ang dahilan niya kung bakit umuwi siya agad sa Davao siguro kasama yung Vicky na hangggang ngayon ay 'di ko pa rin kilala, basta ay nandito na siya, masaya na ako.

Pagkayakap ko sa kanya ay napunta naman ang mga mata ko kay Hance na nakatulala lang sa amin na magkayakap.
At agad naman akong nag-iwas ng tingin.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon