Chapter 9: Fiesta

3.3K 118 4
                                    


Klair's POV

Halata sa mukha ni Kian ang pagkadismaya.
Sabi ko na nga ba eh, mangyayari talaga 'to.

Ilang saglit pa'y sinimulan na ni Kian na ligpitin ang mga inihanda niya.

"Wa-wait.", sabi ko sabay pigil sa ginagawa niya.

Saglit niya akong tiningnan sa mga mata tapos ay pinagpatuloy pa rin ang pagliligpit.

"Kakainin ko yan.", bigla kong sambit.

Nagulat siya tapos ay pinigil ang ginagawa.

"Pa'no? eh meron na nga kayong dala oh. At sure akong mas masarap dala niyo kesa sa mga niluto ko.", sagot niya.

"What? mas masarap kaya ang luto sa bahay kesa sa mga pagkain sa fast food.", pagkasabi ko nun ay tiningnan ko si Hance na parang natatawa sa pinagsasabi ko kaya nilakihan ko siya ng mga mata na parang sinasabihan siyang 'kung hindi ka sasang-ayon ay mamatay ka!'. Kaya, tumango na lang siya tapos ay bumalik sa pagiging seryoso.

"Sure ka Klair?", tanong ulit ni Kian.

"Yes. A hundred percent."

------------

Mga ilang plato na rin ang nakain ko pero ang dami pa ng pagkain sa mesa.

Ang laki-laki na rin ng tiyan ko. Saan ko na ba ilalagay ang iba. My Ghad!

Pero in fairness, masarap talagang magluto si Kian, parang sa isang tikim mo lang ay maaadik ka.

"Klair, marami pang chicken joy oh.", sabi Hance.

"Masama yan sa health, heto Klair, kumain ka pa ng gulay.", sabat naman ni Kian.

Kung tactless lang ako ay kanina ko pa kayo sinigawan ng 'BUSOG NA AKO!'

Pero hindi eh, tactful ako (chaar). Haha

Para fair ay kumuha ako ng isang drumstick ng chicken joy tapos ay kumuha rin ng vegetable salad.

Habang sumusubo ako ay napapansin kong tinititigan ako nina Hance at Kian.

Kaya tiningnan ko sila.

"Hoy! hindi kayo mabubusog sa pagtitig sa'kin no? Nasa plato niyo ang pagkain", sabi ko.

Halata namang nagulat si Hance kaya agad niyag ipinagpatuloy ang pagkain niya. Si Kian naman ay tumawa lang ng mahina.

"FYI, nabubusog ako sa pagtitig sa'yo no?", mahinang sambit ni Kian.

"Huh?", tanong ko.

"Sabi niya, kumain ka pa dahil para kang uod sa payat.", sabat ni Hance na parang may galit na boses.

Hindi na lang ako sumagot tsaka ipinagpatuloy ang walang hangganang pagkain.

Siguro, umabot ng dalawang oras ang dinner namin. Hindi ko rin mabilang kong ilang plato ng pagkain ang nakain ko basta ang alam ko lang ay naubos lahat ng niluto ni Kian pati ang binili namin ni Hance.

Mabuti naman dahil walang nasayang na pagkain pero ang problema ay 'di ko na kayang tumayo dahil sa bigat ng tiyan ko. My Ghad!

Inumpisahan na ni Hance na ligpitin ang mga plato. Tapos, sinubukan kong tumayo ng dahan-dahan.

Agad naman akong inalalayan ni Kian.

"Okay lang ako Kian.", sabi ko.

"Dahan-dahan lang okay? baka mapano ang baby natin.", sabi niya sabay himas sa tiyan ko.

"What? sira karin no?", sabi ko sa inis.

Dahil lumaki ang tiyan ko sa pagkabusog ay buntis na ako kaagad? Bastos din tong si Kian no?

Tapos ay tumawa siya. Malademonyo.

"Eheem. Pwede bang tulungan niyo ako dito?", sambit ni Hance.

Bigla namang sumungit ang mukha ni Kian pero tumulong pa rin siya sa pagliligpit.

Ako naman ay umupo lang sa sofa dahil ako rin naman ang maghuhugas ng mga plato mamaya eh kaya sila na bahala sa pagliligpit.

Habang tinitingnan ko silang naglilinis ay napangiti ako.

Masarap rin pala sa feeling na may kasama no?

Nasanay kasi akong mag-isa simula nung lumipat ako dito sa Manila.

Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami ni Kian. Tapos siya palagi nagliligtas sa'kin mula sa mga bullies ko.
Tapos naalala ko rin yung araw kung kailan humingi ng tulong si Hance sa'kin. Yung araw kung kailan nagkakilala kaming dalawa.

Hahaay.

Swerte ko naman sa mga kaibigang 'to.

----------------
*Kinabukasan*

Balik na naman ako sa school.
Sinabihan ko na rin si Hance na wag ng bumisita pa.

Balik na naman ako sa boring cycle.
Listen sa teacher.
Sulat sa notes.
Listen ulit sa teacher.
Sulat ulit sa notes.

May kulang lang.
Nawala yung pangungulit ni Jonathan sa'kin. First time niya sigurong umabsent ngayon.
Sana naman naka move-on na siya sa nangyari kahapon.
I wonder how he's doing.
Ganyan talaga tayo no? Kahit na hindi natin gusto ay hahanap-hanapin parin natin dahil nasanay tayo.

Hahaay. Buhay talaga.

Hanggang sa natapos din sa wakas ang klase ko. Naabutan ako ng dilim dahil may ginawa pa kami sa computer laboratory. Programming activities.
Tinext ko naman si Kian para di sila mag-alala.

Nagsimula na akong maglakad pauwi.
Ilang saglit pa'y may nakita akong naglalakad sa kabilang kanto. Parang lasing.

Natakot ako bigla. Naalala ko kasi yung bad happening na nangyari sa'kin kung saan iniligtas ako ni Hance.
Binilisan ko ang paglakad.

Kada-lakad ko ay panay din ang paglingon ko sa kanya. Pero napansin kong parang hindi naman siya masamang tao basi sa suot niya.
Naka white long sleeves polo shirt siya tapos maong pants.

Bigla siyang tumawid tsaka naaninag ko rin ang isang sasakyang paparating kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na sugurin siya.

Ayun, naitulak ko siya at ligtas kaming dalawa.

Huminto naman yung sasakyang muntik ng makasagasa sa amin.

"Hoy! Kung gusto niyong magpakamatay, wag niyo akong isama! Letse!", sigaw nung driver tsaka pinaandar na niya ang sasakyan.

Naiwan kaming dalawa sa daan.

"Okay ka lang?", tanong ko.

"Hindi.", sagot niya sabay angat ng mukha niya.

Nagulat ako.

Di ko inakalang siya pala 'to.

"Jonathan?"

"Miss me?", sagot niya sa isang lasing na boses.

"San ka ba galing at san ka pupunta? Madilim na ha?", nag-aalala kong tanong.

"Wow, concern ka ba? kasi sa pag-kakaalam ko, wala kang pakialam!", sambit niya.

"Lasing ka lang Jonathan, san ka ba nakatira? Ihahatid na kita sa inyo."

Tinitigan niya ako.

"Di mo ba alam na sa puso mo ako nakakulong ngayon?, gusto ko na ngang lumayas eh", pagkasabi niya nun ay napansin kong naiiyak siya.

Naguguluhan na ako ngayon.

"Jonathan, tumino ka nga. San ka ba kasi nakatira?", tanong ko ulit.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"I never expected this feeling to grow and I'm sorry. But can you consider loving me too?"

————————
*A/N:

End of chapter 9.
San kaya hahantong ang pagsusumamo ni Jonathan?
Gets na kaya ni Klair?
Spoiler alert: New characters approaching.
Haha
Please vote and comment! Thank you. ^_^

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن