Chapter 3: A Beat By Bit

5.4K 182 8
                                    


Klair's POV

"Tulong!! tulong!", huling sigaw ko nang suntukin niya ako sa tiyan.

"Aaah!", ilang saglit pay nawawala na yung boses ko sa sakit.

"Umaangal ka ha. Kung ako sayo, tumahimik ka na lang upang wala ng sakitan pa. Alam ko namang masasarapan ka rin eh." bulong niya sa kin sabay dila sa pisngi ko.

"Tama na po please..", napakahina kong boses.

Tapos sinuntok na naman niya ako ulit. Doon na nanghina ang katawan ko at nararamdaman ko na ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko.

Hance's POV

Tinungo namin ang pinagmulan ng sigaw at nakarating kami rito sa isang abandonadong bahay.

"Sigurado ka si Klair yun?", tanong ko dun sa lalaki.

"Shut up! alam kong si Klair yun. Kabisadong-kabisado ko ang boses niya."

Tapos may narinig kaming kalabog sa loob kaya't dali-dali kaming tumakbo papasok.

Dun na namin nakita si Klair na hindi gumagalaw habang may lalaking nakatayo sa harapan niya habang naghuhubad ng sinturon.

"Walang h'ya ka!", sigaw nung lalaki sabay suntok dun sa parang lasing na mama.

Di ako makagalaw. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Ako ang may kasalanan nito. Di ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama kay Klair.

Tumakbo ako papunta kay Klair tsaka inusisa ang kanyang paghinga habang patuloy paring binubugbog nung lalaki yung mama. Mabuti naman at normal siyang humihinga. Nahimatay lang siguro. Napangiti ako.

"Aaaah!", napalingon ako sa lalaki na umaaray sa sakit habang agad namang tumakbo paalis ang mama kaya hindi ko na nahabol pa.

Nakita kong may dugo sa bandang tagiliran niya.

"Nasaksak ka.", Nag-aalala kong sabi.

"Wa-wala to."

"Hi-hindi. Kailangan ko kayong dalhin dalawa sa ospital lalo na ikaw. Kailangan mong magamot."

"Si-si Klair? o-okay lang ba? Damn it! Bakit ba kasi lumabas ng dorm eh.", nag-aalala niyang tanong sabay lapit kay Klair at hawak sa pisngi niya.

"Oo, pero mas mabuti pa rin kung dadalhin ko siya at ikaw sa ospital."

"Hindi! takot si Klair sa ospital, meron siyang phobia sa ospital kaya please lang, dalhin mo nalang siya sa dorm niya"

"Pero ikaw?"

"Huwag mo na akong aalahanin, ako nalang mismo ang pupunta sa ospital para ipagamot 'tong sugat ko. Hihingi lang ako ng pabor sa'yo."

"Ano yun?

"Huwag mong sasabihin kay Klair na may sugat ako at nasa ospital ako, ayokong mag-alala siya. Higit sa lahat, huwag mo munang sabihin sa kanya na dumating ang jowa niya. Gusto kong ako mismo ang mag susurpresa sa kanya."

Nagulat ako. Jowa niya pala si Klair. Wala namang nakukuwento si Klair na may jowa siya. Pero, bagay din naman sila.

"No problem.", sagot ko.

---

Naihiga ko na si Klair sa kama niya matapos ko siyang palitan ng damit na nahanap ko sa aparador niya. Pero hindi ko ginalaw ang pang-ibaba niyang suot. Wala naman akong karapatan para gawin yun. Yung lalaki naman, nasa ospital na siguro.

Hindi ko talaga inexpect ang ganitong sitwasyon. Ako ang may kasalanan kung bakit napahamak ang boyfriend ni Klair. Ang OA ko kasi. Ako pa tong nakitira lang, ako pa tong demanding. Inuntog ko ang ulo ko sa dingding sa sobrang galit ko sa sarili.

Tapos tiningnan ko si Klair na natutulog at umupo ako sa gilid niya.

Napatingin ako sa lips niyang sobrang pink. Sa mga mata niya. Sa matangos niyang ilong. Para siyang babae. Biglang may kumirot sa puso ko, di ko alam kung ano ang dahilan.

"Sorry sa lahat Klair. Sorry kung dumating ang walang halagang katulad ko sa buhay mo. Sorry.
I will do anything for you just to forgive me.", bulong ko.

Klair's POV

Unti-unting dumilat ang mga mata ko. Ang sakit ng katawan ko.
Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa dorm na pala ako.
At bigla kong naalala ang nangyari.
Napaupo ako mula sa pagkakahiga tapos hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Klair, wag kang mag alala, okay na ang lahat.", niyakap ako ni Hance na nagising mula sa pagtulog sa sofa.

"Hindi, hindi, huhu. Walang okay. huhu."

"Sshh, okay na.. nandito lang ako. Sorry."

"Huhu. Asan na yung mama?"

"Wala na, hindi na yon babalik."

Umiyak na naman ako tapos niyakap si Hance. Niyakap niya rin ako at naramdaman ko ang init ng katawan niya at di ko alam pero komportableng-komportable ako sa yakap niya.

"Thank you.",sabi ko.

-----

Kinabukasan, nagawa ko ring unti-unting kalimutan yung nangyari kahapon. Ginawa ni Hance ang lahat upang tumahan ako at hindi na mag-alala.

Absent na naman ulit ako ngayon dahil kailangan ko pa raw magpahinga sabi niya. Tutal, Friday na naman din ngayon.

Nandito kami sa harap ng mesa habang ini-i-slice ni Hance ang binili niyang chocolate cake (na paborito ko) sa hindi ko alam kung saan niya nabili. Nag suot pa nga ng takip sa mukha eh para makalabas daw siya. Haha. Pang peace offering niya raw yung cake. May konsensya rin naman pala to eh. Kung hindi pa siya nagdemand kahapon edi sana, walang nangyaring masama.

Kukunin ko na sana ang remote sa tv ng biglang pinahiran niya ng icing ang ilong ko. Nagulat ako pero di ko maiwasang mapangiti.

"Haha!", tawa niya na nahinto nang pahiran ko rin siya ng mas malaki sa noo niya.

"Haha! Haha!", ako naman ngayon ang tumatawa.

"Ikaw ha, halika dito!", sigaw niya sabay habol sa'kin.

Para kaming mga batang naglalaro pero gustong-gusto ko. Talaga. Haha.😄😁😁

Ilang minuto rin kaming paikot-ikot na naghahabulan nang biglang matapilok ako at nahila ko siya.
Nakahiga ako ngayon sa sahig habang nakapatong naman siya sa'kin.

Tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Gusto kong mag stay lang dito. Gustong-gusto ko talaga.

Nagulat na lang ako nang halikan niya ako nang mabilis sa pisngi. Tapos ngumiti siya, nang biglang may kumalabog sa pintuan.

"Kian?", gulat na sambit ko.

———————
*A/N:

End of chapter 3.
Sana po ay nagustuhan n'yo. 😁😁
Please comment po for any violent or non-violent reactions. Haha And please don't forget to vote. Thank you very much!

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu