Chapter 10: Js

3K 130 8
                                    


Klair's POV

I felt like this scene is unreal. That I'm just in a dream. That all of this is just in my mind.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Jonathan?", tanong ko.

Humihikbi na rin siya ngayon.
Ano bang problema niya?

"Di pa ba klaro Klair? 'di ba matalino ka?"

"Huh?"

"Oh please Klair.", sagot niya sabay yuko.

May naiisip naman ako eh sa kung ano ba ang ibig niyang iparating. Di ko kasi alam baka mali lang yung pagkakaintindi ko at sa huli ako lang 'tong nag-aassume.

Pero parang malaki ang posibilidad na totoo talaga 'tong nasa isip ko eh.
Kaya't 'di ko na napigilan pa ang bibig ko sa pagtanong.

"Jonathan?", tanong ko at naramdaman ko rin na nanginginig na ang katawan ko. Para akong mag-iispeech sa harapan ng maraming tao dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Umangat muli yung mukha niya tapos ay tumitig sa'king mga mata.

"Do you , uhm do you like me?", dagdag ko. Mas lalo pa akong nanginig ngayon. Natatakot ako sa maaaring isasagot niya. Baka pagtawanan lang niya ako eh.

He slowly smiled like he's happy of my question, like he expected such question.

Unti-unting bumuka yung bibig niya. Parang sasagot na siya.

Pero.

Pero.

Sumuka lang pala. Hahaay.

"Oh My Gosh! , ilang bote ba ang ininom mo?", tumalikod ako dahil ayokong makakita ng mga sumusuka baka masuka rin ako.

Mga ilang segundo rin ang dumaan tapos napansin kong wala ng noise of vomitting. Baka tapos na siya.

"Okay ka na ba Jonathan?", tanong ko habang nakatalikod pa rin.

Walang sagot.

"Hoy?", dagdag ko.

Wala pa ring sagot.

Kaya, nilingon ko na siya. At laking gulat ko ng makita siyang natutulog sa daan. My Ghad! Pa'no na to? Anong gagawin ko sa kanya? My Ghad talaga!

Nilapitan ko siya sabay sampal ng mahina sa mukha niya.

"Jonathan?"

"Hoy, Jonathan please gising. Dun ka sa bahay niyo matulog ui. Maraming lamok dito. Ui?", pilit ko siyang niyuyugyog pero wala pa rin.

Parang wala ng pag-asang gigising pa 'to kaya kinapa-kapa ko ang bulsa niya baka makakita ako ng kahit na anong impormasyon kung saan siya nakatira.

At swerte naman ako dahil meron ngang address na nakalagay sa loob ng leather na wallet niya.

Ilang saglit pa'y may dumaan ding taxi kaya swerte times 2 na ako. haha

Binuhat naman namin ni kuya si Jonathan papasok sa loob ng kotse at ayun, larga na kami.

Mga ilang kilometro rin ang tinahak namin hanggang sa marating namin ang address niya.

Hindi ko muna pinaalis yung taxi kasi 'di ko naman kayang buhatin 'tong lalakeng 'to eh. Kaya agad akong lumabas sa kotse upang tawagin kong sino man ang pamilya ni Jonathan na nasa loob ng bahay nila.
Pero bago ako magdoorbell ay napahanga ako sa ganda at laki ng bahay nila Jonathan. Mayaman naman pala tong mokong na 'to eh.

Pinindot ko na ang doorbell nang maraming beses para sure. ^_^

Ang bilis naman dahil agad bumukas yung gate ng bahay tapos bumungad sa akin ang isang babae na nakadamit kasambahay. (tsaaar, may kasambahay pa sila ha. yaman talaga!)

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang