Chapter 21: Two-torial

2.5K 91 5
                                    


Klair's POV

Totoo ba'to?
Tinatanong ako ng isang gwapong lalake ng 'Pwede ba kitang ligawan?'
Akala ko naman, malabong mangyari ang ganitong eksena sa buhay ko.
Lalo na kasi same sex kami tapos nananahimik lang ako sa tabi.
Parang nananaginip lang ako pero kahit anong pisil ko sa balat ko ay totoo talaga eh.
Tinatanong ako kung pwede ba akong ligawan.
Oo naman, I dream moments like this one, I dream love stories, pero ngayon ba't parang nag-aalinlangan ako?
Ba't parang 50-50 ang nasa isip ko?
Ba't 'di ako makasagot nang diretso?

"Klair? will you let me?", tanong niya ulit.

"Ah, eh...", 'di pa rin ako makasagot ng diretso.

"Ligaw lang naman eh, hindi naman 'yan question for commitment. Just ligaw, you know, just proving my love and sincerity. Please...", pag-eexplain niya.

"Uhmm, si-sige kung ganun.", finally, nakasagot din ako.

"Really?", tanong niya habang nakangiti ng todo.

I just nodded.

"Yes!", sigaw niya na parang nanalo sa lotto tsaka niya ako niyakap.

"I promise Klair, I won't disappiont your decision.", bulong niya.

Inabutan din kami ng hapon sa bahay nina Jonathan bago gumising si Hance. Parang pagod na pagod kasi ang tagal gumising.

Nagpaalam na rin kami kina Tita Georgia para umuwi na. 'Tita' na tawag ko kasi gusto niya, yun na daw itawag ko sa kanya kahit 'di ko alam kung ano ang rason.

Nakasakay na kami sa sasakyan ni Jonathan ngayon pauwi sa dorm ko.

Sabi kasi niya, sisimulan na daw niya ang panliligaw sa pamamagitan ng paghatid sa amin pauwi.

Si Jonathan ang nagda-drive habang nasa tabi niya ako tapos si Hance naman ay nasa likuran.

"I'm happy my mom likes you.", biglang sambit ni Jonathan.

"Oo nga eh. Apparently, gusto ko rin naman siya.", sagot ko.

"Then, that's amazing.", sabi niya sabay ngiti.

"We should drink-", naputol siya nang biglang magsalita si Hance.

"Wow! ang ganda naman!", pasigaw niyang sabi habang nakatingin sa labas.

Kaya tumingin din ako sa labas habang inaalam kung sa anong bagay ba siya namangha.

"Anong maganda?", tanong ko sa kanya nang hindi ko nalaman.

"Ha? basta.", sagot niya habang ngumingiti.

"Uhm, we should drink coffee sometimes?", pagpapatuloy ni Jonathan.

"Sure.", maikli kong sagot.

"Itete-", naputol na naman si Jonathan dahil nagsalita ulit si Hance, I mean, sumigaw ulit si Hance.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora