Chapter 42: The Amnesia Guy 2

1.6K 77 1
                                    


Klair's POV

"Ikaw ang may amnesia.", bulong ni Tania si Tenga ko.

Ano na bang nangyayari sa babaeng 'to?

Ganyan na ba talaga siya kalasing?

Anu-anong bagay nalang ang pumapasok sa isip niya.

"Hindi kita maintindihan Tania. Lasing na lasing ka na. Ang mabuti pa, magpahinga ka nalang muna.", saad ko habang pilit na ngumingiti.

"Damn Klair?", maikling saad niya pagkatapos ay bahagyang tumawa.

Ako? may amnesia?

No.

It can't be.

I can't be.

Mas kinabahan pa ako dahil sa inaasta niyang parang nagsasabing totoo talaga ang sinasabi niya.

At kahit na alam kong hinding-hindi ako naniniwala, nakakapagtaka kasi may parte sa isip kong bumubulong na kailangan kong maniwala.

"Are you that fool not to believe me? You want to continue being stupid? Played? How pity of you Klair.", dagdag niya pa.

"Ano ba Tania? Please stop. Pigilan mo na ako. Please. Ano ba nagawa kong masama sa'yo? Wag mo namang guluhin ang utak ko.", pagsusumamo ko.

"Am I? am I baffling your little brain right now? Hmmm. Naguguluhan ka ba dahil sa akin? o naguguluhan ka dahil sa sarili mo? Dahil base sa reaksyon mo, parang di mo lang kayang tanggapin na niloloko ka ng so called 'amnesia boy' mo."

Unti-unting sumakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Pero di pa rin ako naniniwala. Ayokong maniwala. Sa dami ba naman ng nagawa kong alaala kasama si Hance, ay hahantong lang sa ganito ang katapusan? Ayoko. Please naman. Sana 'di totoo. Sana.

"Wala ka namang pruweba Tania. Kaya wala kang magagawa kung hindi ako maniniwala sa'yo.", sabi ko sabay talikod para umalis na.

"Narinig ko silang nag-uusap.", sambit niya na nagpahinto sa akin.

Hinarap ko siya ulit.

"Ano?"

"Narinig ko siya at ang isa pang lalake sa dorm mo. Well, gwapo rin yung isa pa.", sagot niya.

"Ano bang narinig mo?", 'di ko na maexplain ang nararamdaman ko habang itinatanong kay Tania 'yan. Parang unti-unti, ay nagagalit na ako na parang may halong pagkadismaya, pagkalungkot, at pagkatakot.

"They were making a decision whether to tell you the truth or not. The guy na hindi ko kilala, gusto niya malaman mo na ang totoo na ikaw ang may amnesia, pero si Hance, ayaw niya.", nakangiti niyang wika.

Napakaraming bagay ang pumasok sa isip ko.

Kaya ba wala akong maalala tungkol sa mga nangyari noong nakaraang taon?

Kaya ba minsan, sumasakit ang ulo ko nang walang dahilan?

Kaya ba minsan, parang nararamdaman ko na naranasan ko na ang mga bagay na sa isip ko ay ngayon ko lang naranasan?

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang