Chapter 45: PASTry - Mistake

1.8K 83 8
                                    


(Past)

Klair's POV

Marami na ring nangyari simula nung sinagot ko si Hance ng oo. Mas naging masaya pa ang mga araw ko. Pati mga magulang ni Hance, alam na ang tungkol sa amin. At hindi naman sila labag sa pagmamahalan namin, sabi kasi nila, kung ano daw desisyon ng anak nila ay susuportahan daw nila. At pahabol, tita at tito na nga pala tawag ko sa mga magulang niya. Haha. Oo, nakakahiya, pero gustong-gusto ko!

Sa part ko naman, si Vicky at si Kian lang ang may alam. Masaya si Vicky para sa akin pero si Kian? My Ghad! Labag na labag. 'Di ko nga alam kung bakit eh. Dapat nga maging masaya siya para sa akin. Hindi na niya ako pinapansin ngayon simula nung inamin ko sa kanya na may nobyo na ako. Pati texts ko, hindi niya nirereplayan. Ah basta! Bahala siya!

At naging 'bunny' or 'rabbit' naman tawag ni Hance sa'kin. Ewan ko ba kung ano nakain nun? Ako naman, 'palaka' or 'my frog' tawag ko sa kanya, at nakakatuwa kasi hinahayaan niya lang akong tawagin siyang ganun.

At ngayon, magkasama kami ni Hance. Nakasakay kami sa loob ng kotse niya habang papunta sa bahay ko kung saan naghihintay sina Manang Lolit at si Papa.

"Sure ka ba dito?", kinakabahan kong tanong kay Hance na seryosong-seryoso habang nagmamaneho.

"Yes. Paraan ko na rin 'to bunny ko no para maredeem ang sarili ko kasi hindi ako nakadalo sa graduation mo.", sabi niya sabay ngiti na nagpakilig nang kaunti sa akin.

At ngumiti rin ako.

Oo nga pala, graduation namin ni Kian last week pero hindi nakaattend 'tong nobyo ko kasi may inasikaso siya sa Maynila. Family business daw. At wala naman akong magawa.

"Ang swerte ko naman sa'yo my frog.", saad ko.

"Mas swerte ako sa'yo.", Sagot niya naman.

Ilang minuto rin ang lumipas nang makarating kami sa bahay.

Napansin kong huminga muna nang malalim si Hance bago siya bumaba mula sa sasakyan na sinundan ko naman.

"Halika na?", tanong ko sa kanya para masiguradong handa na nga siya.

"Game.", saad niya.

.
.
.
.
.
.
.

Dinig na dinig ko ngayon ang mabilis na tibok ng puso ni Hance. Siguro, kinakabahan na talaga siya masyado.
Nandito kasi kami ngayon sa sala habang nakaharap kay papa at kay Manang Lolit.

Walang kibuan.

Nakatitig lamang sina papa kay Hance na para bang pinapatay siya sa tingin except lang kay Manang na panay ang ngiti.

Pati ako, kinakabahan na rin sa ano bang maging reaksyon ni Papa sa sasabihin ni Hance.

"Eheem.", pagbasag ko sa labis na katahimikan.

"Ako ba dapat unang magsalita? Kasi hindi ko alam kung ano pag-uusapan natin.", seryosong banggit ni papa.

"Ah, so-sorry po.", nauutal na banggit ni Hance.

"O? ano ba kailangan mo? Meron ka bang gustong sabihin?", masungit na tanong ni papa.

"Gusto- ahm, gusto ko lang pong sabihin na-"

"Ano? ano ba? bilisan mo. May gagawin pa ako."

"Pa, wag niyo naman pong takutin ang bisita natin.", marahan kong wika na hindi man lang pinansin ni Papa.

Dumaan muna ang ilang saglit bago muling nagsalita si Hance.

"Ahm, ahm-"

"Ano?", tanong ulit ni Papa.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon