Chapter 53: Her Voice Within

1.1K 51 5
                                    


Klair's POV

Important?

About Hance?

Hindi.

Wala namang importante sa kanya eh.

Kalokohan.

Ilang sandali pa'y may dumating muli na mensahe galing kay Kian. Ang laman ay ang oras at address kung saan daw kami magkikita.

Hindi pa rin ako nagreply.

Ba't naman ako maniniwala sa kanya?

Pagkatapos ng paglilihim niya saken?

'Di na siya mapagkakatiwalaan.

At isa pa, tungkol kay Hance ang pag-uusapan namin. Mas nakakawalang gana.

Wala akong ibang ginawa kundi ang maglaro ng games sa phone ko. Pangpawala lang ng pangit na mga bagay sa isipan.

Pero hindi ko alam.

Ba't di ako mapakali.

Para akong naglalaro na para bang wala.

Hindi pa natatapos ang laro ay pinatay ko na ang phone ko.

Kinamot ko ang ulo ko.

Tsaka tumayo at naglakad ng pabalik-balik sa sala.

Pupunta ba ako?

Oo?

Hindi?

Parang ayoko.

Pero, parang gusto ko rin.

Ano ba dapat?

Nakakainis!

Pinulot ko ang phone ko at binuksan ulit ang mensahe ni Kian.

'It's about Hance. And it's really important.'

Binasa ko ng paulit-ulit na para bang nag-aantay akong gumalaw ang mga letra tsaka maging ibang mga salitang magsasabi sakin kung ano ba ang gustong sabihin ni Kian.

Ano bang nais mong iparating?

Why?

Why do you want it to be personally told? Eh pwede mo namang itext nalang 'di ba?

Gaano ba kaimportante?

Umupo ako at nag-isip ulit.

Pupunta nalang siguro ako?

Pero makikita ko naman si Kian.

Si Kian na manlokoko.

Hahaaaay.

Uhm.

Uhm.

Wala namang mawawala kung pupunta ako 'di ba?

At baka naman importante talaga ang sasabihin niya?

Siguro inabot ako ng isang oras sa pag-iisip. Hanggang sa nakapagdecide na rin ako sa wakas. Tiningnan ko ang orasan. Pasado alas sais na rin. 7 pm kasi sabi niya at may oras pa ako.

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Simpleng damit lang ang isinuot ko.
Pagkatapos kong makapaghanda ay lumabas na ako at umalis na.

Naglakad lang ako. Hindi naman malayo ang lokasyong sinabi niya. Dahan-dahan lang akong naglakad dahil inilagay ko sa isip ko na hindi ganun kahalaga ang pupuntahan ko.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora