Chapter 2: Needing You

6.2K 201 1
                                    


Klair's POV

Absent.
Oo. Absent!
Huhu. First time ko mag absent ngayon. Lagot ako pag nalaman nina mama. Ah, tungkol nga pala kay Hance, di ko sinabi sa parents ko na may pinatira ako dito sa dorm. Perhaps, magagalit ang mga yun.

Umabsent ako para bantayan 'tong Hance na'to. Di natin alam, baka budol-budol. Haha. Pero sa itsura naman niya, mukha naman siyang mayaman. Ano nga ba talagang nangyari sa kanya?

Tinitigan ko siya habang tulog sa sofa dito sa dorm ko. Ang gwapo talaga niya. Para siyang nagmula sa isang formal occasion dahil sa suot niyang pink long sleeves at black slacks.
'Di ko napigilan at lumapit ako sa kanya.

"Sino ka nga ba?", bulong ko.

Hinimas ko ang pisngi niya.
Parang unan dahil sa lambot. Kung hindi ka lang siguro tao, malamang kanina ko pa kinagat ang pisngi mo.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Di ko namalayang gising na pala siya.

"Ah, wa..wala-wala."

"Siguro naman, pinagnanasaan mo'ko?", sabi niya habang nakangisi.

"Oo, ah este, hindi ah! kapal mo!"

Tapos bigla siyang tumawa.

Di ko alam ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanyang tumatawa. Ah basta!

"Ma-may lamok lang sa pisngi mo! Pasalamat ka nga eh." Sabi ko sabay talikod papunta sa mesa.

"Okay kung ganun. Thank you!"

Di niya alam, pulang-pula na yung cheeks ko. Buti nakatalikod ako. Gosh! Haha

"Halika na, kumain na tayo, by the way, umorder lang ako sa isang fast food ng pagkain. Di kasi ako marunong magluto. ", sabi ko.

"Anong oras na ba?"

"5 pasado na po ng hapon."

"What?"

"Oo Mr. Hance, ang sarap po ng tulog niyo. Bakit ka ba pagod na pagod? Alalahanin mo naman."

"Wala talaga eh. Di ko maalala."

"Hmmm. Halika na, kumain ka na lang."

"Pwede bang maligo muna?"

"Mamaya na pagkatapos nating kumain.", sabi ko sabay harap sa kanya.

"Aaaaaah!", I shouted pagkakita sa hubad niyang katawan. Pero upper part lang kayo naman. Haha

Bigla siyang nagulat tapos tumalikod ako ulit.

"I'm gonna make a rule here in my dorm. Public display of a naked body is prohibited!"

"Haha. Ikaw lang? public agad?"

"Kasama pa rin ako sa public no!"

"O, sige-sige, magbibihis na po."

Pulang-pulang na talaga ako, swear.😄😄
Pagkatapos ay umupo na siya sa harapan ko.

"Ah, wala bang soup?", tanong niya.

"What? nag rerequest ka pa ha?"

"Please, kahit noodles lang. Parang gusto ng tiyan ko ang soup eh."

"O edi bumili ka sa tindahan.", I pouted. Sayang naman tong inorder ko.

"Di nga ako makakalabas eh, di natin alam, yung hinala kong naghahanap sakin ay nasa labas lang."

"O sige sige po sir. wait lang po ha?"

Tapos ngumiti siya. Gosh!!!! 😂😂

First time ko umabsent at first time ko rin 'tong maglakad papunta sa isang sari-sari store sa labas. Kagagawan talaga to ng Hance na yun eh!
Bakit ba kasi oo nang oo ako sa kanya eh. Ako naman ang may-ari ng dorm ha? tsaka nakikitira lang naman din siya. Eh bakit ba?

*Toot-toot*

Dali-dali kong binuksan ang phone ko. Baka si Kian na. Di pa kasi siya nag text mula kanina eh at nasanay na kong makareceive ng messages niya araw-araw.

"Ba't absent ka? ha? Pasok ka na bukas. Wala kang matututunan niyan. Ikaw rin", sabi sa text mula sa isang unknown number.Sino kaya naman to? Wala naman akong close sa school ah.

Kumunot ang noo ko.

"What? sino ka ba?"

Nakarating na lang ako sa tindahan ngunit hindi pa rin nagreply. Di bale na nga.

Ito talaga ang ayaw ko sa mga tindahan eh, may nagtatagay. Pasalamat ako at isa lang 'to. Ayaw ko kasi sa mga ganitong scenario.

Pagkatapos kong bumili ay nagsimula na akong maglakad pauwi.

Mga ilang minuto pa at may biglang umakbay sa'kin.

"Wait lang. Ang kinis-kinis mo ah.", Bulong niya sa tenga ko.
Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanyang hininga. Tiningnan ko siya. Siya pala yung nasa tindahan kanina.

"Ano pong kailangan niyo?", Sabi ko sabay pilit na inaalis ang pagkakaakbay niya.

"Ikaw ang kailangan ko. Dun muna tayo. Maglaro muna tayo.", sabi niya sabay turo dun sa isang abandonadong bahay.

"What? please po, kunin nyo nalang 'tong pera ko.", pagmamakaawa ko.

"Wala akong paki diyan! Halika!", iwinakli niya ang pera sabay galit na hinila ako.

"Tu-long..tu-tulong!", wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak at sumigaw.

Hance's POV

San na ba yung lalaking yun. Gutom na gutom na ako. Maligo nalang kaya muna ako baka mamaya pa yun. Wala naman siyang magagawa eh. Haha. Tumayo ako ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ang tagal tagal mo naman Klair.", sabi ko sabay bukas ng pinto.

Wait. Sino 'to?

"Sino ka at asan si Klair?", sabi ng lalaking nasa labas. Inusisa ko ang mukha niya. Di naman siya mukhang gang. Based on my observation, may itsura rin naman to ngunit mas gwapo lang ako. May dala siyang bagahe, siguro nagmula sa malayong lugar. At sa pagkakaalam ko base sa pag-uusap namin ni Klair kagabi ay siya lang mag-isa ang nakatira rito.

"Ikaw, sino ka? At wala pa si Klair dito." ,sabi ko ng biglang...

"Tulong!!!!", sigaw sa di kalayuan.
"Klair!!!!!", napasigaw kami pareho.

--------
*A/N:

End of chapter 2.
Ano kaya ang mangyayari kay Klair?
Sino kaya ang biglang dumating?
Sino kaya ang nagtext?
Subaybayan po natin ang kwento! ;)
And please don't forget to vote. Thank you! :)

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Where stories live. Discover now