Chapter 51: Not sure?-nder

1.3K 53 6
                                    


Klair's POV

Di ko kayang pigilan ang puso ko na patuloy kang mahalin.

Yan ang mga salitang patuloy na bumubulong sa mga tenga ko.

Muli, ay naramdaman kong bumabalik lahat ng mga nadarama ko noon. Yung feeling nung first time kong malamang gusto niya ako.

Yung sakit sa pag-iisip na siya lang yung nagmamahal at ako ay hindi. Unrequited love ika nga.

"Okay ka lang Klair?", tanong nang kakahabol lang at nag-aalalang si Joshua.

Tumango lang ako.

At ilang saglit pa'y hinila ako ni Jonathan papasok sa sasakyan niya.

"San kayo pupunta?" tanong ni Joshua na nakadungaw sa bintana ng kotse.

Pero hindi nagsalita si Jonathan. Ilang segundo lang ay umandar na ang kotse at malayo-layo na rin ang narating namin mula sa bar kung nasaan sina Joshua.

Tiningnan ko ang nagmamanehong si Jonathan. Plano ko sanang magsalita pero pinagpaliban ko nalang muna. Kasi ang seryoso niya.

Tatanungin ko rin sana siya kung san kami pupunta pero hindi ko nalang pinagpatuloy kasi nagtitiwala rin naman ako sa kanya.

Maya-maya lang ay huminto na ang kotse. At nalaman kong sa beach niya pala ako dinala.

"Follow me.", mahina niyang sambit.

Kaya sumunod ako sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa dalampasigan.

Umupo siya sa puting buhangin paharap sa karagatan at sa bilog na buwang tanging nag-aalay ng ilaw sa paligid.

Kaya dahan-dahan, ay umupo rin ako sa tabi niya.

Katahimikan.

Walang kibuan.

Tanging ang alon lamang ng tubig ang gumagawa ng tunog at ang nagbibigay ng galaw sa gabi.

Tapos narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Jonathan?", mahina kong tanong.

Bigla siyang umiyak. Mahinang pag-iyak.

"Jonathan?", muli ay naitanong ko, pero ngayon ay may halong pag-aalala  na.

Pinahid niya ang mga luha niya at biglang napangiti pero nakaharap pa rin sa karagatan.

"I was so stupid.", sabi niya at sandali ay huminto bago siya nagsalitang muli.

"I was so stupid for keeping myself to love you while forcing you to love me too. Napaka-immature ko. Sarili ko lang ang iniisip ko at nakalimutan ko ang labis na problemang nadarama mo. I hate myself. I hate it. Oo, sinubukan kong kalimutan ka, pero wala eh, ikaw talaga ang hinahanap nang puso ko."

Hindi ako sumabat at hinayaan lang siyang magsalita.

"Kahit na anong pikit ko sa aking mga mata, ikaw ang nakikita ko. Kahit anong hanap ko ng ibang mga babae, wala paring nakakapantay sa'yo. Kakaiba ka. Kakaiba ka Klair."

Unti-unti ay ibinaling na niya ang kanyang paningin sa akin.

"Iba ka. Nakakamangha. Walang katulad. Patawad Klair sa mga nagawa ko. Patawad sa problemang ibinibigay ko sayo."

"Pero—", hindi niya ako hinayaang makapagsalita at pinagpatuloy niya pa rin ang pagbigkas niya.

"Siguro, hindi ko lang talaga matanggap na hindi mo ako gusto. Siguro, hindi ko lang narealize ang mga nadarama ng mga taong nasa paligid ko. Ang nadarama mo. Ang nadarama ni mom. Ni Joshua. Siguro panahon na para maging matured ako. Kailangan ko ng magparaya."

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Where stories live. Discover now