Chapter 48: Explanations

1.7K 62 12
                                    


Klair's POV

Nagising ako dahil sa lakas ng boses ng isang babaeng kumakanta sa labas ng kuwarto.

"Ano ba.", mahina kong sambit habang dahan-dahang binibinat ang mga balikat ko.

Wait? Babae? Ba't may babae?

Teka. Teka.

Nag-isip ako.

Parang pamilyar. Hmmm. Vicky?

Oo, parang si Vicky nga.

Pero ba't nandito siya?

Mas inigihan ko pa ang pag-iisip. At naalala kong nag-inuman pala kami kahapon. Kaya pala masakit ang ulo ko.

Tapos, malabo na ang iba except sa isang senaryong pumukaw sa inaantok ko pang kaluluwa,

May humalik o hahalik o muntik ng humalik, di ko alam, sa akin kahapon!

Tiningnan ko ang right side ng bed. OMG! Katabi ko si Mike! Sa pagtulog!

My Gad!

Napaupo ako nang mabilis tsaka niyakap ang sarili ko na para bang isang biktima ng rape. 😅

"Mike! Ba't ka nandito!?", napasigaw ako dahil sa sobrang pagkagulat.

Gumising siya kaunti pero bumalik din sa pagtulog. Parang walang pakialam.

"Hoy Mike!", sigaw ko pero hindi pa rin siya gumigising bagkus ay mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa unan na yakap-yakap niya.

"Best, gising ka na pala.", sabi ng kapapasok lang na babae.

"Vicky?", tanong ko.

"Oo. Wala ng iba.", sabi niya sabay ngiti.

Tapos kumunot-noo ako.

"Wag mong sabibing 'di mo naaalalang pinapunta mo ako kahapon dito?", tanong niya.

Nag-isip ako pero wala talaga akong maalala.

"Halika. Uminom ka muna ng soup na luto ko para mahimasmasan ka naman.", sabi niya tapos ay hinila ako.

"Pero si Mike."

"Ah. Mike pala pangalan niyang new bf mo ha. Sus. Let him sleep pa. Okay?"

"Bf!? What!? No.", natataranta kong sagot.

"Sus. Stop denying it Klair.", pang-iinsulto niya.

"Ba'la ka diyan."

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Joshua na nakaupo sa sala.

Ngumiti ako.

Pero hindi siya ngumiti at umiwas lang ng tingin sa'kin.

"Uwi na'ko.", malamig niyang pagpaalam.

"Josh?", naguguluhan kong tanong dahil sa inaasta niya.

Pero di na siya lumingon pabalik at umalis na.

"What's going on with that guy?", tanong ni Vicky.

Nanatili akong tahimik kasi wala rin naman akong maisasagot.

"Kanina pa siya parang cold eh. Iniinterview ko siya kanina pero ang konti ng sagot. Panay din check niya sayo diyan sa loob. Akala ko, hinihintay ka lang niyang gumising pero ngayong gising ka na, umalis naman agad. Shunga ba 'yon?", chika ng bff ko.

"Ganun ba.", mahina kong tugon.

"Oo eh. Sino ba yon?

"Wala. Kaibigan ko lang."

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Where stories live. Discover now