Chapter 18: Heart Wanders

2.2K 78 1
                                    


Hance's POV

Umalis lang naman ako upang umihi at hindi ko naman namalayang sumunod pala si Tania.

Kanina ko pa napapansin na parang interested siya sa akin pero hindi ko naman sinusuklian ang mga gestures niya na sapat na upang sabihin sa kanyang hindi ako interesado.

Nandito kami sa dalampasigan ngayon, sa may batohan kung saan niya ako natrap.

Kanina pa ako hindi nakakabalik at baka nag-aalala na si Klair at ayokong mag-alala siya.

"I wanna kiss you Hance.", sabi ni Tania habang hinahawakan ang mga kamay ko.

"No Tania, please just leave me alone. Lasing ka lang.", sabi ko sa kanya.

"No, I'm not. You are. And you know what happens when boys get drunk?", she said while slowly rubbing my chest with her right hand.

I admit na parang nang-iinit ako sa ginagawa niya, idagdag pa natin ang kadahilanang lasing na rin ako at takot na baka sa isang iglap lang ay papatulan ko siya. Pero kahit na lasing na ako, nakakapag-isip pa rin naman ako ng mabuti ngayon, sinusubukan ko.

"Please Tania, just leave me alone.", pagpipilit ko.

Pero kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin tumatalab sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pang-aakit.

"Come on Hance, I know you like this. Every man does. Only fake guys will resist this sexy body.", she said while touching her breasts.

Wala siyang magagawa dahil nakatatak na sa isipan ko ang dapat na maging matino ako kahit gaano pa ako magiging lasing.

"I'm sorry Tania, I gotta go.", aaksyon na sana ako sa pag-alis ng bigla niya akong hinila pabalik tapos ay agad na sinunggaban ng halik.

Hindi ako nakaimik sa ginawa niya. Sobrang ang bilis ng pangyayari.

"Hance?", boses na nagmumula sa 'di kalayuan.

Kumalas ako mula sa halik ni Tania at agad na nilingon ang pamilyar na boses na 'yon.

Tama nga ang hinala ko. Si Klair. Siya ang nakakita sa amin. F*ck this!

Klair's POV

Bakit parang naiinis ako ngayon sa'king nasaksihan?
I feel like my heart is being crippled.

Oo. Wala akong karapatan upang magalit pero wala eh, nagagalit ako. Galit ako at 'di ko alam kung ano ang dahilan.

Habang nararamdaman ko ang sakit sa puso ko, 'di ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero I am trying my best not to let them fall. Nakakahiya.

"I don't mean to interrupt. I just wanna check if, if you're okay.", I mumbled softly before I turned away.

"Klair?", tanong ni Hance na parang nag-aalala.

"No, don't, don't mind me. Magpatuloy na kayo sa ginagawa n'yo.", I added.

Nagsimula na ako sa paglalakad. Wala akong pakialam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang gusto ko lang ay ang lumayo sa lugar na'to. Lumayo kay Hance.

Di ko alam eh. Parang nadisappoint ako sa sarili ko. Ah basta!

Bakit ba naman ako magugustuhan ni Hance eh 'di naman ako babae?

Ano na naman 'tong pumapasok sa utak ko!?

"Klair! wait!", dinig kong sigaw ni Hance.

"Baby, just stay!", sigaw naman nung Tania.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Where stories live. Discover now